Chapter 8

6.2K 159 10
                                    

"STOP bickering with each other, kids!" saway ni Lemon sa mga batang binabantayan niya. Nakiusap sa kanya ang Kuya Cage at Ate Caraleigh niyang magbantay ng "mga" bata. Hindi niya inakalang ang "mga" palang iyon ay apat na batang makukulit.

Nagbakasyon kasi ang mga magulang ng apat na bata at nagkataon pang sabay-sabay na nagpa-book ng bakasyon ang mga ito. Isang linggo ang bakasyon ng anim. Walang mapag-iwanang taga-pangalaga ang mga ito kaya sa kanya napunta ang responsibilidad na bantayan ang mga bata. Hindi kumuha ng mga yaya ang mga magulang ng mga bata dahil gusto ng mga itong sila mismo ang mag-alaga sa mga anak. Pero dapat ay ikinonsidera rin ng mga itong kakailanganin din nila ng mga yaya sa mga oras na ganoon.

Abala raw sa trabaho ang ibang kapamilya ng mga bata kaya siya ang napiling pagbantayin sa mga ito. Ayos lang naman sa kanyang magbantay ng mga bata dahil gustong-gusto niya ang mga bata pero hindi ganoong hindi niya alam kung paano patatahanin ang mga ito. Wala man lang siyang katulong sa pagbabantay sa mga ito maliban sa dalawa nilang kasama sa bahay. Ang isa'y abala pa sa kusina at sa paglilinis. Isa lang ang nakakatulong niya roon.

Ang mga batang binabantayan niya ay ang kambal niyang pamangkin na sina Albie at France kasama ang mga pinsan nitong si Gaile Louisse na nag-iisang anak ng Kuya Nicko at Ate Xanthia niya at si Frynce Steffen na anak ng Kuya Kyle at Ate Yngrid niya. Close din siya sa mga bata dahil kapag dumadalaw siya sa ancestral home ng mga Alonzo tuwing Linggo ay nakakasama niya ang mga ito roon. At mahal niya sina Gaile at Steffen katulad ng pagmamahal niya kina Albie at France.

"Tita Lemon, my dress! It's wet," umiiyak na saad ng tatlong taong gulang na si Gaile.

Nilapitan niya ito at inilayo sa pool kung saan nagliligo sina Albie at France. Marunong ng lumangoy ang dalawa dahil maaga itong in-enrol ng Kuya Cage niya sa swimming class. Pero kahit ganoon ay pinasamahan pa rin niyang maligo ang mga ito sa kasambahay nila para makasigurado siya sa kaligtasan ng dalawa.

"Baby, it's okay, hmm? I'll change your clothes into a prettier one," pag-aalo niya kay Gaile. Medyo mahirap pa naman itong kausapin dahil hindi ito marunong mag-Tagalog. Ayaw kasi nitong maligo sa pool pero lumapit ito roon para kumuha ng tubig. Gusto kasi nitong magdilig ng halaman ng mama niya at doon nito gustong kumuha ng tubig sa pool.

"I hate you, Kuya Albie!" umiiyak nitong sigaw kay Albie.

"I didn't mean to do it, Gaile. I'm sorry," agad namang hingi ng paumanhin ni Albie.

Umakyat siya sa kwartong inihanda ng mama niya para kay Gaile at kay France. Agad niyang pinalitan ng damit si Gaile kahit na hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Sinubukan niyang aluin ito sa pagyayaya ritong bibili sila ng ice cream at ng kung anu-ano pero hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. Niyaya na lang niya ito sa kanilang garden. Baka sakaling tumahan ito kapag nagawa nito ang gustong pagdidilig sa mga halaman. Pero ayaw na nitong magdilig ng halaman at patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Steffen, 'wag masyadong mabilis ang pedal dahil baka mabangga ka sa kung saan," paalala niya sa limang taong gulang na si Steffen. Nagpapaikot-ikot ito sakay ng bisikleta nito sa may sementadong bahagi ng garden nila. Talagang nagsilbing playground ng mga bata ang tahanan nila.

Pangalawang araw na niya ang hindi pagpasok noon para alagaan ang mga bata. Ang mama niya ang humalili sa kanya sa restaurant dahil mahahapo ito kung ito ang magbabantay sa mga bata.

"Ma'am Lemon, may bisita po kayo," narinig niyang tawag sa kanya ng isang kasambahay nila. Nang tingnan niya ito'y nagulat siya nang makitang kasama nito si Joey.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" agad na tanong niya rito.

"Your mother said that you might need help here. Kaya pumunta ako dito. Nanggaling kasi ako sa restaurant n'yo dahil gusto kitang kausapin pero wala ka pala ro'n," ani Joey.

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy LoveWhere stories live. Discover now