Chapter 9

5.8K 145 13
                                    

"OH-MY-GOD!"

Sinaway ni Lemon ang kaibigang si Sugar dahil sa pagbulalas nito. Dinalaw niya ito sa Sugar Treats. Ikinwento niya rito kung ano ang mayroon sa kanila ni Joey noon at ngayon. Gusto sana niyang magkaroon sila ng girls' day out pero silang dalawa lang ang available ng araw na iyon. Hindi pa rin niya alam kung saan nagpunta sa southern Luzon sina Pepper at Kuya Calyx niya samantalang bumalik naman na ng Paris si Ginger.

"Madaya ka, Lemonada! Bakit hindi mo man lang nasabi sa'min ang tungkol sa inyo ni Joey noon?" paninita sa kanya ni Sugar.

"How can I? We're all busy back then. You're busy with your craft and studies. Nasa Australia naman si Ginger at nasa Amerika si Pepper. Kung sasabihin ko sa inyo noon ang tungkol sa'min ni Joey, gusto ko sana'y kompleto tayo," katwiran niya.

"Pero, teka lang, naguguluhan pa rin ako. Hindi naging kayo noon ni Joey? Ngayon pa lang?"

"Yup. Parang Friends With Benefits, No Strings Attached at Unofficially Yours ang drama namin noon minus na umph!" natatawang sabi niya kay Sugar na ang tinutukoy ay ang mga sex scenes sa mga sinabi niyang pelikula.

"So, ibig sabihin, no'ng engagement nila ni Pepper, sinadya talaga n'yang sa'yo ma-engage?" tanong ni Sugar. Nangingiting napatango siya rito. Nahihiya siya kay Sugar pero kinikilig din siya. "Wow! So, was it a dream come true?"

"It is. You don't know how happy I am now," sabi niya rito.

"I'm so happy for you, Lemon. Pero paano si Pepper? Nilinaw na ba ni Joey kung ano ang mangyayari sa kanila ni Pepper? 'Cause clearly, as we know Pepper's grandfather, hindi 'yon basta papayag ng gan'on na lang. Sigurado ka bang wala ng kaso sa family ni Joey at sa family ni Pepper ang nangyari sa engagement noon?" tanong sa kanya ni Sugar.

Hindi niya naisip ang mga bagay na iyon. Ni hindi niya naitanong kay Joey kung ano ang nangyari pagkatapos ng party. Nainis kasi siya rito dahil sa ginawa nitong paghalili sa kanya kay Pepper noon. Pagkatapos ay ngayon nama'y masyado siyang na-overwhelm sa mga nangyari sa kanila kaya hindi na siya nakapagtanong pa ng ganoon. Masyado na rin siyang napanatag sa "engagement" nila ni Joey at hindi na niya naisip pa kung ano ang mangyayari sa mga ito ni Pepper.

"Hindi ba may kasunduan ang dalawang pamilya? Hindi ba 'yon makakaapekto sa inyo?" tanong pa sa kanya ni Sugar.

"I don't know," wala sa sariling sabi niya rito.

"Lemon, hindi sa tinatakot kita o ayaw kong maging masaya kayo ni Joey pero pag-usapan n'yo ang tungkol do'n. I only want you to have your full happiness," ani Sugar at naiintindihan niya ang pinupunto nito. Mamaya ay tatanungin niya si Joey tungkol doon.

"Thanks, Sugar."

"Anyways, kailan nga pala ang alis mo?" pagkuwa'y tanong sa kanya ni Sugar.

"Sa susunod na Linggo."

"Mag-ingat ka ha. And good luck. Bring home the bacon."

Pagkagaling niya sa Sugar Treats ay agad niyang tinawagan si Joey. Nakailang tawag siya rito bago niyo sinagot ang kanyang tawag.

"Hey! I need to talk to you about something," agad na bungad niya rito pagkasagot nito ng tawag niya.

"Ano 'yon?"

"Pwede ba tayong magkita?" tanong niya rito.

"I'm sorry, Lemon. Hindi ako pwede ngayon eh," tanggi ni Joey.

"Bakit?"

"Marami akong ginagawa. Maybe some other time," anito.

She felt disappointed and frustrated at the same time. Opisyal na girlfriend na siya nito ngayon pero hindi man lang ito maglaan ng oras para sa kanya.

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy LoveWhere stories live. Discover now