Chapter 5

5.7K 171 1
                                    

HINDI inakala ni Lemon na ang kaibigan pala niyang si Pepper ang tinutukoy noon ni Joey na pakakasalan nito pagbalik nito sa Pilipinas. Dalawang taon na itong nakabalik pero hindi pa rin niya nababalitaang naikasal na ito kaya ang akala niya ay hindi na tuloy ang kasal na sinasabi nito noong nasa kolehiyo pa sila. Then, three months ago, Pepper told them that she was getting married to Joey.

Kung si Joey ay alam na engaged na ito kay Pepper, ang kaibigan niya ay hindi. Kamakailan lang nalaman ni Pepper na malapit na itong ikasal at ngayong araw nga ang formal engagement ng mga ito, pagkatapos ay sa susunod na buwan ang kasalan.

Napailing na lang siya. Hindi na niya dapat pang problemahin ang problema ng ibang tao.

Mukhang affected ka pa rin kasi kay Joey kaya ka ganyan kung mag-isip. At aminin mo, nasaktan ka pa rin kanina nang maalala mo ang lahat ng nangyari noon. Ibig sabihin, hindi ka pa rin nakaka-move on kay Joey, kastigo niya sa sarili.

Pinili niyang huwag na lang iyong sagutin dahil alam niya sa kanyang sarili kung ano ang dapat gawin at kung ano ang dapat isagot doon. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

"Tita Lemon!"

The twins?

Paglingon niya ay nakita niyang nag-uunahan sa paglapit sa kanya ang anim na taong gulang na kambal niyang pamangkin na sina France at Albie sa kapatid niyang si Caraleigh. Ibinuka niya ang kanyang mga braso para salubungin ng yakap ang mga ito. Nag-aaral ang mga ito sa isang international school at mukhang magpapalibre na naman sa kanya ang mga ito bago umuwi sa bahay.

"We missed you, Tita Lemon!" sabay na sabi ng kambal. Pinaghahalikan niya ang mga ito sa pisngi bago pinakawalan.

"I've missed you, too. Ang cute n'yo talagang dalawa. Kanino ba kayo nagmana?"

"Siyempre, sa 'yo, Tita Lemon. Ang cute mo rin, eh," nakangiting sabi ni France.

Sigurado siyang nagmana si France sa ama nitong makulit—ang Kuya Cage niya—samantalang sa Ate Caraleigh naman niya nagmana si Albie dahil seryoso ito.

"Nambola ka na naman," sabi ni Albie sa kapatid.

"I'm telling the truth kaya!" giit ni France sa kapatid.

"No, you're not, Francey Jane. Dahil maganda si Tita at hindi cute lang," pabirong sabi niya sa pamangkin.

Humagikgik ito at inirapan naman nito si Albie. They looked so adorable. Kaya mahal na mahal niya ang mga ito. Ang mga ito ang una niyang pamangkin kaya spoiled ang mga ito sa kanya. Lalo na sa lolo at lola ng mga ito. Lahat ng luho ng kambal ay ibinibigay ng matatanda dahilan para mainis palagi ang Ate Caraleigh niya. Wala raw kasi itong kakampi sa pagdidisiplina sa mga anak nito dahil kahit ang Kuya Cage niya ay ini-spoil din ang mga anak.

Hindi niya maiwasang mainggit sa Ate Caraleigh niya. Parang kailan lang noong ayaw na ayaw pa nitong magpaligaw sa Kuya Cage niya pero sa huli ay ang mga ito rin pala ang magkakatuluyan. At biniyayaan pa ang mga ito ng dalawang cute na anghel. Kompleto na ang buhay ng Ate Caraleigh niya. Sa edad nito noon—na katulad ng edad niya ngayon—ay nakilala nito ang Kuya Cage niya. Ngunit siya ay wala man lang espesyal na lalaki sa buhay niya kaya paano makokompleto ang buhay niya?

Nagkaroon siya ng boyfriend noon—si Trent—pero hindi rin naman nagtagal ang relasyon nila dahil nagkasawaan sila. Hindi niya alam kung kanino nanggaling ang problema. Sadya yatang hindi lang sila para sa isa't isa. Ginawa naman niya ang lahat noon para mag-work ang kanilang relasyon ngunit hindi pa rin iyon nagtagal.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Joey noon ay hindi na siya basta nagtiwala sa mga lalaki. Pero nang dumating sa buhay niya si Trent, naging kumportable siya rito. Napanatag ang loob niya rito. Kapwa sila racer kaya nag-click kaagad sila. They took their relationship to the next level. Pero hindi iyon naging matagumpay. Walang third party na involve sa paghihiwalay nila, basta namalayan na lang nilang hindi na maganda ang estado ng kanilang relasyon kaya napagdesisyunan nilang itigil na lang iyon. Magkaibigan pa rin sila ni Trent pero hindi na naibalik pa ang dating pagkakaibigan nila. Nagkailangan na kasi sila.

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy LoveWhere stories live. Discover now