Chapter 6

6.1K 158 4
                                    

"WHAT?" bulalas ni Lemon nang sabihin sa kanya ng Tita Jackie niya—na mommy ni Joey—kung ano ang problema.

Nawawala daw si Pepper, sagot ng isipan niya.

Isang oras nang delay ang engagement party nina Joey at Pepper at kanina pa dumating ang lahat ng bisita. Hinihintay na lang ng mga itong magsimula ang party ngunit paano sila makakapagsimula ngayon kung wala si Pepper?

"Kanina pa namin siya hinahanap. Kanina pa kasi siya nandito dahil kasabay siya ng pamilya niya pero ngayon ay hindi na namin siya makita," kwento ng Tita Jackie niya.

"Wala po ba siyang nakasama kanina? Nakausap man lang?" tanong niya rito.

"Hindi ko alam, Lemon. Oh my god! This is humiliating! Nakakahiya sa mga bisita kung hindi matutuloy ang engagement. Magmumukha pang katawa-tawa si Joey. Pepper!" napu-frustrate na saad ng Tita Jackie niya.

"Ano po ang sabi nina Tita Juris?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang ina ni Pepper.

"Kanina pa nila tinatawagan ang cell phone ni Pepper pero hindi nila ma-contact. Kanina pa rin nila hinahanap si Pepper pero hindi pa rin nila siya makita hanggang ngayon. Seriously? Kung ayaw niyang magpakasal kay Joey, dapat ay matagal na siyang umurong. Hindi ngayong handa na ang lahat at nakarating na ang mga bisita. Nakakahiya!" palatak ng ginang.

Naiintindihan niya ito. Kahiya-hiya nga naman ang dating ni Joey pati na rin ng pamilya ng mga ito kung hindi matutuloy ang engagement na iyon. Ngunit nasaan si Pepper? Pati siya ay nakaramdam ng frustration. Sayang ang naging trabaho nila kung hindi matutuloy ang engagement na iyon. Pero kilala niya ang kaibigan. Siguradong may matinding dahilan ito kung bakit umalis ito ngayon nang walang paalam.

"Tita, baka naman po may pinuntahan lang sandali si Pepper. Baka may kailangan lang siyang balikan sa bahay nila kaya nawala siya rito," sabi niya sa ginang na pilit na pinagagaan ang sitwasyon. Somebody needs to be optimistic during those times. Kung magpa-panic silang lahat ay walang mangyayari.

"Sandali? No. Kanina pa tinawagan ni Juris ang mga kasama nila sa bahay pero wala raw roon si Pepper. Oh my god! I don't know how to pull this off. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Papa at sa mga bisita na hindi matutuloy ang engagement na ito. The two old men would surely get furious," nailing na saad ng Tita Jackie niya.

Kahit siya ay hindi alam kung ano ang maaaring maitulong sa mga ito. Hindi naman kasi niya hawak ang pag-iisip ni Pepper kahit na kaibigan niya ito. Matagal nang wina-warning-an si Pepper nina Ginger at Sugar para sa gagawin nitong hakbang ng pagpapakasal kay Joey pero matindi ang paninindigan ni Pepper na magpakasal kay Joey. Kaya nagtataka siya kung bakit bigla na lang itong nawala ngayon o mas tamang sabihing umurong.

Pepper had always been steadfast, focused and determined to things regarding her decisions and her life. Alam niyang may rason kung bakit ito umurong ngayon pero hindi siya sumasang-ayon sa ginawa nitong pag-boycott sa sarili nitong engagement ngayon. Tama ang Tita Jackie niya nang sabihin nitong dapat ay matagal ng umurong si Pepper kung hindi talaga buo ang loob nitong magpakasal kay Joey noon pa man. But knowing Pepper, alam niyang nang mga nakaraang buwan ay pinipilit nitong kumbinsihin ang sarili na gusto nitong magpakasal kay Joey gayong hindi naman talaga.

"Tita, itatanong ko lang po kina Sugar at Ginger kung nakausap nila kanina si Pepper," paalam niya sa ginang.

"Miss Martinez, hindi pa ba magsisimula ang party? Mukhang may problema kayo ah," tanong ng isang bisita. Isa ito sa business associate ng Montinola Group of Companies.

"Malapit na po. Ilang minuto lang po. At wala naman pong problema. May inaayos lang po kaming technical problems," pagsisinungaling niya rito saka siya nagpaalam rito para hanapin sina Ginger at Sugar.

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy LoveWhere stories live. Discover now