Chapter 5
XENOVIA
"Your sister told me ayaw mo na namang magpa-opera. Gusto mo ba talagang mabulag?" Mariin kong tanong, I want him to feel my anger.
Umiling siya at tumingin sa direksiyon ko. "God knows how much I want to see your face again pero kung pilit ka nilang ilalayo sa akin pwes hindi ako magpapaopera, mas maganda ng mabulag ako panghabang-buhay."
Napapikit ako nang bigla kong maramdaman ang paglukso ng aking dibdib.
Pinalis ko ang aking nararamdaman at nagsalita. "Are you hearing yourself, Trevor? You will be blind for the rest of your life nang dahil lang sa katigasan ng ulo mo!"
"Saan ka ba galing? Tatlong araw kang hindi dumalaw. My head is in turmoil thinking kung ano ng nangyayari sa'yo." Tanong nito dahilan para matigilan ako. Anong sasabihin ko? Na ayaw ko naman talaga siyang balikan? Na ayaw ko naman talaga siyang makita at pumunta lang ako noong isang araw dahil sa konsensiya ko?
Nagbaba ako ng tingin. "D-don't change the topic, Trevor."
"I'm not changing the topic because that is the very reason kung bakit ayokong magpaopera. I want my wife with me."
I sighed in defeat. "Sinugod din namin sa ospital si Auntie at hindi ko siya maiwan." I said which is half-truth, sinugod namin si Auntie sa ospital pero sa mismong araw ring iyon ay pinauwi kami ng doktor.
Umiwas siya ng tingin sa akin at bumulong. "Lagi na lang sila."
Napaawang ang aking labi ng marinig iyon. Those words...ilang beses ko bang narinig sa kaniya iyon noong nagsasama pa kami?
"They are my family."
"And I'm your husband, Xenovia. Ilang linggo akong na-coma and my eyes are damage, I can't see properly pilit kitang hinanap kahit hirap ako pero wala ka. Do you know how much it pains me na malamang wala ka sa tabi ko?" Puno ng sakit na sabi niya
"Trevor,"
"Tapos malalaman ko na hindi mo ko pinuntahan ng tatlong araw dahil sa Auntie mo? Should I remind you that I am your husband?" He said with sarcasm.
I bit my lower lip to contain my anger. Hindi ko siya pwedeng murahin for pete's sake! May amnesia siya at ang akala niya ay asawa pa rin niya ako.
"Pumunta ako noong nakacoma ka pa but then your mother shoo me away and the day you saw me here sumalisi lang ako sa nanay mo." I told him bahala na siyang magalit sa nanay niya eh totoo naman lahat ng sinabi ko and besides sawa na kong magpa-api sa ex-biyenan ko. "Sinundo lang ako ni Mang Baste ngayon kaya nasa harap mo ko. As you say I'm your wife pero bakit pakiramdam ko isa akong kabit na kailangan magtago tuwing nandiyan ang legal na asawa?"
"Xen," he said softly.
"Lagi na lang bang ganito, Trevor?"
Sa tatlong araw na hindi ko siya pinuntahan wala akong ginawa kundi mag-isip. Hirap na nga akong magpanggap mas nahihirapan pa akong pakisamahan ang nanay niya.
He reached his hand to me at kinuha ko iyon. He made me sit in his bed, nakakaupo na rin siya dahil medyo ok na ang kaniyang paa. Halos mapatalon ako sa gulat nang pagdikitin niya ang aming mga noo maging siya ay nagulat sa iginawi ko.
I cleared my throat and touched his cheeks. "Bilisan mo ang paggaling, Trev dapat bago matapos ang buwan na 'to magaling ka na."
Tumango siya. "Gusto ko ng umuwi sa bahay natin atleast doon hindi nila tayo pinapakielaman."
I smiled bitterly.
Walang bahay natin, Trev bahay mo na lang.
"Sabi ng doktor bawal kang mastress dahil bukas na ang operasyon mo kaya magpahinga ka na."
Dapat kahapon pa but since matigas ang ulo niya ay namove ang operasyon.
"Promise me one thing, Xen." He said
"What is it?"
"Don't leave my side. Be with me like you promise in the altar."
Tumango ako at pilit na ngumiti. "I won't leave you."
But I can't be with you forever.
"I love you, love." He said that made my heart beats faster
Hindi ko alam ang isasagot ko, should I say that I feel the same way and lie?
"Trev, I---"
I thank all the saints nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Trina. I stood up.
"Hi, lovebirds I see you're having a good time."
"We do until you came." Trevor said
Trina chuckled. "I'm sorry pero may good news ako."
"What is it?" Tanong ko
"Wind said that if the operation is successful next week pwede ng ilabas si Trevor." Masaya nitong balita
"That's good." Lumapit ako kay Trina at bumulong. "Let's talk in private."
"Oo nga pala, Trev kailangan namin makausap ni Xen si Dr. Fontanilla para sa operation mo bukas. Do you mind kung hihiramin ko muna si Xen?"
"Of course I do mind." He scorned. "Kadarating lang ng asawa ko kukunin mo na?"
"Silly, ibabalik ko naman siya agad." Anito sabay hila sa akin palabas. "Bye." Paalam pa nito habang rinig namin ang pag-alma ni Trevor.
"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong niya pagkalabas namin
"One month, Trina. I can be with your brother for a month pagkatapos ng isang buwan kayo ng bahala sa kaniya." Sabi ko
"A month? Are you kidding me, Xenovia? Tingin mo fully recovered na siya pagkatapos ng isang buwan?"
"He might not fully recovered that time pero siguro naman kaya na niyang tanggapin ang lahat. After his operation sasabihin na ng doktor na may amnesia siya at uunti-untiin ko ang pagpapaliwanag hanggang sa masabi ko ng hiwalay na kami."
"Pero Xen---"
"Trina, as you can see I'm helping your brother kahit pa galit ako sa kaniya pero may hangganan hindi naman pwedeng hintayin kong makaalala siya which could take months or years."
She nodded. "I understand."
"And one more thing, kausapin mo ang nanay ni Trevor, ako ang gumagawa ng pabor para sa inyo kaya wala siyang karapatang pagsalitaan ako ng kung ano-ano."
"Ako ng bahala kay Tita anyway thank you for being here, Xen."
"You're welcome."
After that pumasok na kami ni Trina sa kwarto at hindi na ko nagulat ng makitang nakasimangot si Trevor.
BINABASA MO ANG
The Unforgotten Wife (Completed)
General FictionXenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the one who captured her heart. She's living in her dreams, lahat ng ginusto niya at pinangarap ay naku...