Wala bang team Trevor diyan?? 😂😂
Chapter 28
TREVOR
Dahan-dahan kong kinuha sa kotse si Xenovia, she's sleeping at ayoko na siyang istorbohin. I brought her to our yacht---yes, it is OURS dahil binili ko ito para sa amin, she loves sailing ang I love fishing kaya binili ko ito. I gently put her down to the bed then stared at her. Kita ko ang bakas ng luha sa mukha niya at namumula pa rin ang kaniyang ilong. Habang tinatahak namin ang daan papunta dito ay wala siyang ginawa kundi umiyak at wala man lang akong magawa para patahanin siya so I just let her, mas magandang iiyak niya lahat ang sakit. And up until now I wanted to punch myself, sinaktan at niloko ko siya noon at alam kong ganito rin ang ginawa niya. F*ck! Ano bang nangyari sa akin noon? Anong demonyo ang sumapi sa akin at naisipan kong magloko?
"I'm so sorry, love." I whispered.
When she told me to take her away, I didn't think twice, ni wala akong pinalampas na oras, inilahad ko ang aking kamay sa harap niya at nang inabot niya iyon ay mahigpit ko iyong hinawakan, natatakot na baka magbago pa ang isip niya.
This is an opportunity, an opportunity that I will not waste. Alam kong pananamantala ito pero wala na akong pakielam. Xenovia is in pain right now and I will ease that pain for her to forget the one who caused it. Buburahin ko sa mundo niya ang gagong Montier na iyon, kukunin ko si Xenovia sa kaniya. I will do everything to make Xenovia fall, to make her choose me. Babawi ako sa lahat ng kasalanan ko sa kaniya. I will be loyal to her, lahat ng hindi ko nagawa noon ay gagawin ko. Ako ang unang pinakasalan and I intend to be the second and of course the last man she will marry.
"Raze," she mumbled
"Soon it will be my name, my love." I said while smirking then I kissed her head. "I love you."
RAZE
Pabalang akong umupo sa sasakyan ko at pinaghahampas ang manubela.
"F*ck!!" Mura ko, nasa tapat ako ng bahay nila Xenovia. I talked to her brother and according to them ay hindi pa siya umuuwi simula nang ihatid niya si Aliyah pauwi. Madaling araw na and she's nowhere to be found! I can't tracked her GPS dahil nasa akin ang cellphone niya, nakita ko ito sa labas, sa may hagdan. Alalang-alalang na ako at ang mas ikinababahala ko pa ay galit siya sa akin.
"I was about to accept y-your proposal pero Raze mukhang ikaw na ang hindi handa." Her voice was full of pain when she said that. Paulit-ulit umuukil sa utak ko ang mga sinabi niya. She was about to say yes pero nabulilyaso dahil sa kagaguhan ng babae ni Stefan!
I clenched my fist when I remembered that woman! Siya ang may kasalanan nito if she didn't kiss me edi sana nagcecelebrate na kami ni Xenovia! Edi sana masaya kami at hindi nasasaktan ang girlfriend ko! D*mmit!! Kung pwede lang talagang manapak ng babae ay kanina ko pa ginawa! I can't punch the girl kaya si Stefan ang sinuntok ko. I hit him several times, I don't know how many pero suntok lang ako ng suntok, inilabas ko lahat ng galit na nararamdaman ko at hindi siya lumaban dahil alam niyang may kasalanan siya. This is his d*rn fault! Kung sana kaya niyang rendahan ang babae niya edi sana wala akong problema ngayon! I dialed Simone's number at lalo akong nairita ng hindi niya ito sagutin. I dialed it again and it took him four rings bago niya ito masagot.
"What the f*ck do you need, Raze?! I'm having a feast here!!" He hissed. I know what feast he is talking about. May kasama siyang babae.
"I need you to find my girlfriend! I have her phone so I can't use the godd*mn GPS! Locate her now and I pay you a million!" I growled then put down the phone.
Pinaandar ko ang sasakyan ng mabilis at habang nasa daan ako ay wala akong maisip kundi si Xenovia. Gusto na niyang magpakasal, gusto na niya akong makasama habang buhay pero nasisira kami dahil lang sa kagaguhan ng pinsan ko.
"I'll find you, ma cherié and when I see you I'll bring you to the nearest church to marry you." Sabi ko habang mahigpit na hawak ang manubela.
XENOVIA
I felt a pain in my eyes as if they are burning. Ang hapdi ng mga mata ko at hirap akong buksan ito. A memory from last night flashes through my mind at naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata, I was on the verge of crying when I heard Trevor.
"Good morning!" Masayang bati niya, he is smiling widely, iyong ngiti na nakakahawa pero hindi ako napangiti, ramdam ko pa rin kasi ang sakit.
"Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Nasa yate tayo. Hindi mo na ba matandaan ang interior? Wala namang nagbago dito." Aniya kaya inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ko.
He is right walang nagbago dito, iyong amin lang at natatakot ako na baka magbago rin ang relasyon namin ni Raze. I'm scared! Paano na lang kung tulad ni Trevor ay sabihin niyang mahal niya iyong babaeng kahalikan niya? Paano na ko? Can I go through to the same pain that almost killed me before?
"I have to go." Sabi ko
"Nasa gitna tayo ng dagat, Xenovia."
Kumunot ang noo ko. "Pinaandar mo?"
Tumango siya. "Yup! And guess what..."
"What?" Medyo iritado kong tanong dahil may pabitin effect pa siya.
"Nawalan tayo ng gasolina, we are stuck here."
"What?!"
BINABASA MO ANG
The Unforgotten Wife (Completed)
General FictionXenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the one who captured her heart. She's living in her dreams, lahat ng ginusto niya at pinangarap ay naku...