Chapter 17
XENOVIA
"Raze," Tawag ko sa kaniya
"Yes?"
I bit my lower lip before I talked. "Pwede bang sa dinner na lang tayo magkita? May usapan kasi kami ng kaibigan ko, I already said yes kaya hindi na ko makapagback-out." Pagsisinungaling ko. I will go to Trevor, sasabihin ko na ang lahat para matapos na.
"Can't I go with you? Ipakilala mo ko sa kaibigan mo." Suhwestiyon niya.
Mabilis akong umiling. "Hindi pwede!" Medyo napalakas ang boses ko.
Kumunot ang noo niya. "S-sorry pero kasi baka magalit iyon sa akin...b-bitter....oo bitter pa naman ang kaibigan kong iyon, you know kapag nakakakita ng couples may binibigkas na sumpa tulad ng walang forever at maghihiwalay din kayo. Baka kapag sinabi niya iyon sa atin ay masampal ko ang bibig niya." After that I released an awkward laugh sana lang talaga hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.
Pinakatitigan ako ni Raze na parang hindi naniniwala sa sinabi ko pilit akong ngumiti. Sana payagan niya ako. Last na talaga ito.
Then he sighed. "Fine, 6:30 susunduin kita."
Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi niya. "Thank you." Humalik ako sa pisngi niya.
"Gusto mo bang ihatid kita bukas?"
"Huwag na. Sige na umuwi ka na ayokong masyado kang gabihin sa daan." Sabi ko.
"Hindi ba ako pwedeng matulog dito?"
Nginitian ko siya sabay iling. "Gusto mo bang hindi na magising pa?" Pananakot ko sa kaniya.
Kahit naman kasi matanda na ako at dating may-asawa hindi pa rin papayag si Auntie na magpatulog ako ng lalake dito sa bahay niya kahit pa nga boyfriend ko si Raze.
"I will take my leave, Ms. Lopez hindi pwedeng hindi ako magising bukas dahil papakasalan pa kita at gagawing Mrs. Montier." Aniya
"Bye." Paalam ko but what's a goodbye without a kiss?
Hinila niya ako at dahan-dahang inilapit ang kaniyang labi sa aking labi. This time it's not just a peck, it was a passionate kiss. We were both catching our breath when he let go of me.
"Nakakailan ka na ngayong araw." Paalala ko sa kaniya
"So? You are mine and that means I can kiss you whenever and wherever I want."
"Oo na po." Medyo lumayo ako sa kaniya. "Alis na." Pagtataboy ko sa kaniya na may hand gesture pa.
Raze laughed. "Goodbye, ma chérie."
"Bye! Call me kapag nakauwi ka na."
Pumasok ako sa bahay ng hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Raze.
I sighed when I lay down to my bed thinking about Raze Alessio Montier, yes he is a Montier. Kilala ang pamilya nila dito sa Pilipinas, they have an Empire for goodness' sake. I met them before and my first impression to them--- they are all intimidating and beautiful human beings. Walang pangit sa angkan nila, walo silang magpipinsan at isa lang ang babae---si Briana. Raze and I met on Paris noong nagtrabaho ako doon and he hired me at dinala niya ako sa Seattle dahil doon niya inumpisahan ang kaniyang real estate business. I fell in love with him, sino ba naman kasi ang hindi mai-inlove sa kaniya? He's like a prince...a very naughty prince plus he loves me and my flaws including the fact that I can't bear a child.
Minsan nga niloko ko siya, ang sabi ko sayang naman ang lahi niya kung hindi siya magkakaanak at ang sagot niya ay: Marami akong pinsan, sila na lang magpalaganap ng lahi basta ako masaya ako na kasama ka. I don't need a child, what I need is you.
After an hour of waiting for his call, my phone rang. Si Raze na siguro ito although unregistered ang number.
"Hello?"
"Hi, Ate Xen!" Masiglang bati ng nasa kabilang linya.
"Briana?"
"Give that to me, brat!" I heard Raze on the background.
"Oh, yes this is me. I just want to inform you na nakauwi na si Kuya Raze at dahil wala pa siyang sim ay hindi ka niya matatawagan."
"Argh! Let me talk to my girlfriend!"
"You're so mainitin ang ulo, kuya. Ate Xen leave my cousin na kasi inaaway niya ako, ano ba kasing nakita mo sa kaniya? He's so ugly!"
Natawa ako sa sinabi ni Briana, she's just 16 and yet she dominates all her cousins, napatunayan ko 'yan noong nag-reunion sila.
"Ewan ko rin eh, di kaya ginayuma ako ng kuya mo?"
"Anong gayuma?! Ikaw ang gumayuma sa akin." Si Raze na pala ang may hawak ng phone.
"Sus! If I know kapag tinitimplahan mo ako ng kape ay nilalagyan mo iyon ng gayuma." Pang-aasar ko sa kaniya.
Saan ka naman kasi nakakita ng boss na tinitimplahan ng kape ang kaniyang sekretarya?
He tsked. "Nagpagayuma ka naman." Aniya dahilan para matawa ako.
"Miss na kita." Bigla kong sabi.
"If you miss me, cancel your appointment with your friend and be with me."
"Raze,"
"Ok. I get it. I'll just call you tomorrow, ibabalik ko na ang phone ni Briana."
"Babawi ako, I promise."
"Ok, bye. I love you."
"I love you too." I said then ended the call.
I will end my connection to Trevor para sa ikabubuti niya at para na rin kay Raze, he deserve eveything that I can give, iyong walang kahati, iyong siya lang.
In this story, 16 pa lang si Briana. Pinsan niya si Raze na pangalawang panganay sa walong magpipinsan na Montier. Huwag sana kayong malito. Hehe.
BINABASA MO ANG
The Unforgotten Wife (Completed)
General FictionXenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the one who captured her heart. She's living in her dreams, lahat ng ginusto niya at pinangarap ay naku...