Chapter 23

33K 604 12
                                    

Chapter 23



XENOVIA


Pagkagising ko kinabukasan ay kaagad kong tinignan ang cellphone ko at nakita ang dalawang messages ni Raze.


I'm home! Are you still up, sweetheart? Reply if you are and I'll call.


Limang minuto matapos noon ay nagtext uli siya.


I bet you are sleeping already so good night. I love you.


Good morning, handsome! May gagawin ka ba ngayon?--- I texted, natawa na lang ako sa tinext ko. Ako ang sekretarya niya kaya dapat mas alam ko ang schedule niya kesa sa kaniya.


Not a minute later ay nag-ring ang cellphone ko.


"Good morning, Ma cherié. Kagigising mo lang?" Aniya sa kabilang linya.


"Yes, napasarap ang tulog ko eh. Ikaw ba?"


"Kanina pa. Anyway, would you mind opening the door for me?"


"Ha?" Naguguluhang tanong ko.


Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok. Alam ko na kung sino iyon kaya mabilis akong bumaba sa kama ko at binuksan ang pinto at hindi nga ako nagkamali dahil ang gwapong mukha ni Raze ang sumalubong sa akin.


He hugged me then sniffed my hair. "Ang bango naman ng girlfriend ko."


"Bola-bola ka talaga pero ok na iyon kesa naman asado ka." Sabi ko dahilan para matawa siya.


Humiwalay ako sa kaniya ng lumabas si Auntie mula sa kabilang kwarto. "Buti naman at gising ka na, kanina pa si Raze dito. O ito na nga pala, hijo." Sabay abot ni Auntie ng kung ano.


"Ano po 'yan?" Tanong ko


"Listahan ng bibilhin niyo para sa tindahan. Na kay Raze na din ang pera kaya maligo't mag-ayos ka na para makaalis na kayo." Sabi niya.


"Sige po." Hinawakan ko ang kamay ni Raze, dadalhin ko sana siya sa kwarto ko pero nagsalita si Auntie.


"Hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ni Xenovia, Raze." Ani Auntie


I looked at Raze's and I saw him smile. "Yes, Auntie. Maghihintay na lang po ako sa sala."


Tumango lang si Auntie at bumaba na. "Maliligo na ko." I informed him.


"Ok. I'll wait for you." Aniya kapagkuwan ay tinalikuran ko na siya at pumasok sa loob ng kwarto para maligo.


After I took a bath, madali akong pumunta sa sala and there I saw Raze with Aliyah, nakakandong ito at nagkikilitian. Napangiti ako, ang ganda nilang panoorin pero habang pinapanood ko sila ay nakaramdam ako ng kirot, I can't give Raze the kind of family he deserves and as for Aliyah, she's not my daughter, anak siya ng pinsan ko na maagang nabuntis, siya iyong good news na gusto kong sabihin kay Trevor noon dahil gustong ipaampon ng pinsan ko ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi daw niya ito kayang palakihin lalo pa't napakabata pa niya at hindi ito matatanggap ng kaniyang mga magulang kaya nakiusap siya sa akin na kung pwede ay ako ang mag-alaga kapalit ng pagsuko niya sa lahat ng kaniyang karapatan but things happened, Trevor and I broke up pero kinuha ko pa rin si Aliyah kaysa naman sa bahay-ampunan siya bumagsak.


Raze smiled at me when he saw me. Ibinaba niya si Aliyah. "Ayun na si mommy." Aniya


Aliyah went to me and so as Raze. "Good morning, mommy tita."


"Good morning, my baby." Binuhat ko siya.


"Let's go?" Yaya ni Raze.


"Mommy, sama... S-sab...sabi ni Dada Tito pwede " Ani Aliyah.


I looked at Raze then to Aliyah. "Dada Tito?" Tanong ko.


"Yes, you are her Mommy Tita and I'm her Dada Tito, right my little angel?" Kinuha ni Raze si Aliyah sa akin.


Aliyah nodded. "Yes!"


Nailing-iling ako habang nakangiti. Ang cute nilang tignan. "Tara na nga." Sabi ko


After we did some groceries ay pumunta kami sa department store para bumili ng damit ni Aliyah.


"How about this, sweetheart?" Tanong ni Raze sabay pakita ng yellow dress


Nilapitan ko siya at kinuha ang damit, dinama ko ang tela. "Maganda." Inilapit ko ito kay Aliyah. "Pero mukhang hindi yata ito magkakasya sa kaniya." Sabi ko kasabay nang paglapit ng saleslady.


"Hello po, ma'am, sir. Para po ba kay baby girl?" Ngiti nito


Nginitian ko siya. "Yes, may mas malaki ba kayong size sa damit na 'to?"


"Yes po, ma'am. Wait lang po at kukuha ako." Anito at tinalikuran na kami, siguro kukuha ito sa stockroom.


"Ito pa, sweetheart. Sa tingin ko bagay ito kay Aliyah, maganda rin ang tela."


Tinignan ko ang damit. "You really have a good taste when it comes to fashion." Puri ko.


"Hindi lang naman sa fashion. I also have a good taste in women." Aniya sabay kindat sa akin that made me chuckle.


"Sinungaling. I'm not a good catch, no! Sa ating dalawa ikaw ang good catch." Gusto ko sanang sabihin pero syempre hindi ko iyon sasabihin dahil may kayabangan din itong mahal ko.


"Dada, like ko yan. Color pink!" Aliyah gleefully said.


"Isukat mo para makita natin, ipakita natin kay mommy na mukha kang princess kapag suot mo 'to."


Inabot niya sa akin ang dress sa akin at saktong dumating naman ang saleslady dala iyong yellow dress. Pumasok kami ni Aliyah sa dressing room, una kong ipinasukat sa kaniya iyong yellow na dress. "Wow ang ganda naman ng baby ko." I said to her.


"Papakita ko kay Dada." Aniya


"Ok, show it to your Dada." Binuksan ko ang dressing room at lumabas doon pero hindi ko nakita si Raze sa labas. Nasaan naman kaya iyon?


"Nasan si Dada, mommy?"


I was about to answer her nang matanaw ko si Raze, may hawak itong tiara habang bitbit-bitbit ang bag ko. Ngumiti ako sa kaniya pero nawala ang aking ngiti nang lumampas ang tingin ko sa kaniyang balikat at hindi kalayuan ay nakita ko si Trevor na may masamang tingin and at that moment I felt really scared.

The Unforgotten Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon