Chapter 9
TREVOR
"Trev...talk to me." Sabi ng asawa ko na may halong paglalambing, gustong-gusto ko siyang yakapin pero nagtatampo ako. Ayaw niyang sabihin kung anong pinag-usapan nila ni Wind.
"Ayaw mo talaga akong kausapin?" This time her voice is cold kaya tumingin ako sa direksiyon niya. I saw how cold her eyes are and I hate it. "Kung ayaw mo akong kausapin then fine just asked me to leave and I will do it." Aniya dahilan para magulat ako and I felt something pinched my heart. Ayoko siyang umalis, ayokong iwan niya ako.
"Y-you will l-leave me?"
She nodded, still her emotion is cold. "If that's what you want."
Bakit ganiyan siya? What is happening to my wife? Hindi na ba niya ko mahal? Bakit kahit nandito siya at kasama niya ako bakit parang ang layo-layo niya?
"H-hindi mo na ba ako mahal, Xenovia?" Kinakabahang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako na parang wala lang sa kaniya ang tinanong ko.
She didn't answer...at parang tinutusok ang puso ko ng libo-libong karayom. "Mahal mo pa ba a-ako?" Pumiyok na ang boses ko.
Please, say you love me. Please...
"A wife should always love her husband." Sagot niya
Bakit ganyan ang sagot niya? Nagbago na ba talaga ang pagmamahal niya sa akin sa ilang taon naming pagsasasama?
"Hindi yan ang gusto kong sagot, Xenovia." Pilit kong pinatatag ang aking boses. "Yes or no. Do you still love me?!"
"Trevor, drop it off! Ano bang klaseng tanong 'yan?!" Inis na aniya
"It's a normal question, walang masama sa tinatanong ko unless may tinatago ka!" Sabi ko. "May itinatatago ka ba sa akin?!"
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata kapagkuwan ay tumingin siya sa akin. "Ano bang gusto mong marinig?!"
"The truth, Xenovia! Ano bang nangyayari sa atin? May problema ba tayo?"
"Ano ba sa tingin mo, Trevor?"
"D*mmit! Answer me, hindi iyong ibabalik mo sa akin ang tanong! How would I know kung may problema tayo noon kung wala akong maalala?!" Inis na sabi ko
"Iyon na nga e! May sakit ka, hindi mo dapat iniisip ang mga ganyan. I'm here, hindi pa ba sapat sa'yo iyon?"
"Hindi! Kasi kahit na nandito ka pakiramdam ko ang layo-layo mo, you're so cold at parang nag-aalangan kang lumapit sa akin." A lone tear escaped from my eyes. Never did I imagine na kaya niya akong tratuhin ng ganito. "We're married for a long time but you acted like I'm a stranger to you so I'm asking you, may nagbago na ba? May iba na ba?"
Umiwas siya ng tingin kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha and I hated myself for making her cry but I need to know, I need to know kung ako pa rin.
"Yes, Trevor may nagbago na, matagal na. We both change and we barely know each other, hindi na natin kilala ang isa't-isa." Aniya. "And I'm sorry, I'm sorry if I can't do this anymore. I'm so sorry." She said apologetically then left.
Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako pinansin. "Xenovia!" Muling tawag ko sa kaniya bago ko tuluyang hinablot ang IV fluid na nakakabit sa kamay ko. Hirap pa akong maglakad at patuloy na tumutulo ang dugo sa aking kamay pero hindi ko iyon ininda. Kailangan kong mahabol ang asawa ko. I need to talk to her, I need to be with her.
Biglang umikot ang paningin ko, napahawak ako sa ulo ko pero patuloy lang ako sa paglalakad. Nang mapapikit ako, an image of my wife crying flashes through my mind, she's crying but her eyes are full of rage, galit at puno ng hinanakit ang sumasalamin sa kaniyang mga mata.
Pinilit kong ibukas ang aking mga mata para maabot ang pinto. Nang makaalabas ako nakita ko ang aking asawa na medyo malayo na.
"X-xenovia!" Usal ko pero hindi sapat para makuha ko ang kaniyang atensiyon so I tried my very best to shout her name. "Xenovia!" Kasabay nang pagtingin niya sa aking direksiyon ay ang pagdilim ng aking paningin.
Mamaya ko po ipopost iyong Chapter 10 kapag natapos ko. :)
BINABASA MO ANG
The Unforgotten Wife (Completed)
General FictionXenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the one who captured her heart. She's living in her dreams, lahat ng ginusto niya at pinangarap ay naku...