029

622 14 1
                                    


08:27 am

Dino aegi: hey

Dino aegi: hoy

Elysian: oh?

Dino aegi: bakit online ka?

Elysian: walang klase

Dino aegi: same haha

Elysian: luh baka makita mo ko

Dino aegi: ?

Dino aegi: di ko pa nga nakikita yung mukha mo tsk

Elysian: haha

Elysian: hey still there?

Dino aegi: teka si jeonghan hyung.

Dino aegi: shit! Di ako makapaniwala!

Elysian: ano yun?

Dino aegi: may kasamang babae si jeonghan hyung!

Dino aegi: nakasumbrelo siya pero pota

Dino aegi: ANG GANDA

Elysian: ahh

Elysian: sa tingin mo magkaano-ano sila?

Dino aegi: baka nililigawan ni jeonghan hyung

Dini aegi: SHIT

Dino aegi: SIGE BYE

Elysian: uhm.. Bye?

•••

T h i r d  p e r s o n

"Jeonghan hyung!" sigaw ng binatilyong nagngangalang Chan.

"Oh bakit?" Tanong ni jeonghan habang naka-akbay sa kasama niyang babae.

"Sino yang kasama mo?" Tanong ni chan habang nakatingin sa babae. Nakatungo naman ang babae't tila ayaw ipakita ang mukha.

"Ahh. Ano... Kaibigan ko." Sabi ni jeonghan at ngumiti sakanya ng pilit.

"M-magccr lang ako" bulong ng babae at biglang tumakbo, papalayo kila jeonghan.

"Anong pangalan non?" Tanong ni chan pero nginitian nalang siya ni jeonghan.

"Ayoko sabihin, baka agawin mo sakin" natatawang sabi ni jeonghan. Bakas sa pananalita niya ang pagbibiro.

"Sus, loyal ako sa kachat ko—wala pala haha bye" kinabahang sabi ni chan. Base sa pananalita niya, mukhang nadulas siya kaya't napakamot siya sa ulo sabay takbo.

"Loyal nga ba talaga?" Ang naitanong nalang ni jeonghan sa sarili sabay ngisi.

'Tignan lang  natin chan ang gagawin mo sa pinsan ko.' Nasabi nalang ni jeonghan sakanyang isip at naglakad na palayo.

Poser? | DinoWhere stories live. Discover now