065 - Epilogue

715 18 75
                                    

C h a n

"Uy, kanina ka pa jan?" Tanong saakin ni seokmin. Tumango nalang ako bilang tugon. "Sayo ba galing tong mga bulaklak?"

Tumango nalang ulit ako sa kanyang sagot at tumingin sa puntod ng taong mahal ko.

Dalawang taon na din pala ang nakalipas simula ng mangyari iyon. Sa loob ng dalawang taon, parang patay na din ako.

"Uy chan, wag ka na malungkot" rinig kong sabi ni seungkwan hyung pero nginitian ko lang siya.

"Hindi iyon ganon kadali hyung. Ikaw banaman, mawala sa mundo ang taong mahal na mahal mo" ani ko at malungkot lang silang tumingin saakin. "Ayos lang ako hyung. Wag kang ganyan, mukha kang baboy na nagugutom"

"Punyeta ka chan! U qiqil me!" Inis niyang sabi at inirapan ako. Natawa nalang ako ng mahina.

"Bakit naisipan mong magpicnic dito chan" tanong naman ni soonyoung.

"Wala lang, namiss ko lang 'to" tinuro ko naman ang puntod ng taong mahal ko.

"Miss na din namin chan. Miss na namin si ely" sabi ni soonyoung at inayos nalang ang mga pagkain.

"Alam mo ely, ang dami mong namiss dito sa mundo. Hindi mo manlang nakitang grumaduate ako nung march. Sayang, kasama sana kita sa stage" inayos ko ang mga bulaklak na binigay ko. "Madami din sana tayong memories na nagawa"

"O" may nakita naman akong panyo sa gilid ko kaya napatingin ako sa nagbigay sakin.

"Bakit nandito ka aly?" Tanong ko sakanya.

"Bakit masama?" Mataray niyang tanong. Inirapan ko naman siya kaya natawa siya. Si aly, naging kaclose ko kahit papano. Mabait naman siya, pero wala talagang papalit kay ely dito sa puso ko.

"Oy sunyang! Pahingi akong fries!" Rinig kong sigaw niya kay soonyoung hyung. Pansin ko nga, naging malapit ang dalawang ito. Sila na may chemestry.

"Ely, bakit kasi namatay ka pa" pinunasan ko ang mga luhang tumulo galing sa mga mata ko. "Mahal na mahal kita ely"

"Mahal ka ba?" Singit ni seokmin hyung kaya binatukan ko siya. "Aray ko puta! Sakit nun maknae ah"

Nagtawanan nalang yung tatlo habang kumakain. As usual, nangunguna si seungkwan hyung.

"Nasan ba si jeonghan?" Tanong naman ni aly.

"Di daw siya makakapunta eh. May trabaho daw siyang aasikasuhin" kibit-balikat na sabi ni seokmin hyung kaya napatango nalang si aly.

"Sayang naman, dami pa namang pagkain" sabi ni seungkwan habang may pagkain pa sa bibig. Takaw talaga, hays.

Habang busy sila magkwentuhan, tahimik lang akong nanonood sakanila.

Mas masaya sana kung nandidito si ely.

"Ely, miss na miss na kita. Kailan ka ba magpapakita sakin—" naputol naman ang sasabihin ko ng sumigaw si seungkwan hyung.

"Oh my gash! Wag mo iwish na magpakita si ely satin! Mumultuhin tayo nun huhuhu ayoko sa multo" sabi niya. Sumang-ayon din si seokmin hyung.

"Nyeta kayo, mga duwag!" Sabi ko sakanila at inirapan. Tawa naman ng tawa si aly.

Nagkwentuhan ulit sila at nandidito lang ako sa tabi, sa harap ng puntod ni ely.

"Ely, kailangan ba talagang mawala ka sa mundo?" Hinaplos ko ang puntod niya. "Ang sakit ely, kung kailan sobrang mahalaga ka na sakin, tsaka mo ko iniwan"

Poser? | DinoWhere stories live. Discover now