056

570 13 15
                                    


3 R D  P E R S O N

Kasalukuyang nasa park si soonyoung at ely. Pansin ni soonyoung na pugto ang mata ni ely kaya di niya maiwasan ang pag-aalala.

Hinihintay nilang dalawa si Seungkwan at Seokmin dahil syempre, tropa sila. Kapag problema ng isa, problema ng lahat.

Kasalukuyang kumakain si elysian ng ice cream. Medyo kumalma na siya at gusto niya munang tumakas kahit saglit lang.

Wala siyang suot na mask, naka-glasses lang siya at cap. Wala na siyang pakialam kung akalain ng iba na siya si "elysian".

"Hey u ugly creatings!" Rinig nila na boses iyon ni seungkwan.

"Yeah! Me is handsome! U is ugly!" Rinig naman nila na sabi ni seokmin.

"Mga gago kitang may problema to" sabi ni soonyoung at tinuro si ely na tahimik.

"Tangina, ano bang nangyari?" Tanong ni seungkwan.

Kwinento naman ni soonyoung ang sinabi ni ely kagabi.

"Are you kidding me? Kimbap kidding?!" Oa na react ni seungkwan.

"Tangina mo kwan, unayos ka nga" sabi ni seokmin at inirapan si seungkwan.

"Eh anong gagawin mo ngayon ely?" Nag-aalalang tanong ni seungkwan.

"Syempre, tutuloy pa rin yung pagpapanggap na ako ang kapatid ko." Walang emosyong sabi ni ely. Napabungtong hininga naman siya. "Alam niyo yung mas nakakainis?" Dagdag niya.

"Ano? Na sinasabi ni seungkwan na gwapo siya?" Siraulong sabi ni seokmin kaya binatukan siya nila seungkwan.

"Magseryoso ka nga!" Inis na sabi ni soonyoung at nagpeace sign naman si seokmin.

"Ako yung childhood friend ni chan" malungkot na sabi ni ely at bumungtong hininga. Nagulat naman silang tatlo.

"Teka, ikaw yung kwinekwento niya saming first love niya?!" Gulat na sabi ni seungkwan.

Hindi umimik si ely, tila malalim ang inisip.

"Ely, matagal na tayong magkakaibigan pero hanggang ngayon eh di pa rin namin alam yung reason nung issue niyo ni aly" sabi ni seungkwan habang kumakamot sa ulo. Seryoso namang napatingin si ely sakanya.

"Si aly, bata palang may sakit na" panimula ni ely. "Palagi kaming naglalaro, syempre bata palang kami kaya ganon. Sobrang close kami na parang hindi mapaghiwalay"

Umubo si ely bago magsalita. "Hanggang sa maospital siya, at sinabing medyo lumala yung sakit niya. Kaya simula non, hindi na kami masyadong naglalaro at nag-uusap" aniya at inihilamos ang sariling kamay sa kanyang mukha. "Doon yun nagsimula" dagdag niya at ngumiti.

Poser? | DinoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz