7: To the Rescue

1K 59 3
                                    

***

Dumidilim na, hindi pa rin ako nakakasakay ng taxi, yun nalang ang tanging pagasa para makauwi na ako agad, pero wala pa rin

May mga tao din sa paligid ko na nagaantay din ng sasakyan, mukhang inip na inip na nga sila eh, pero ako kahit inip na inip maganda pa rin, haha!

Ayan na!

Ayan na si Prince Charming na magdadala sa akin pauwi ng bahay!

Itinaas ko agad yung kamay ko at sinenyasan ko yung taxing papalapit sa akin, swerte kasi walang tao na nakasakay doon

Tumigil sa harapan ko yung taxi pero inunahan naman ako nung babae na katabi ko lang kanina

"Ako ang nauna!" hinawakan ko yung pulsohan niya at tinignan ko ito ng masama

"Sorry po ha, Natatae na kasi ako, pasensiya na!" nagmamadaling sabi nung babae at kusa ko ng binitawan yung pagkakahawak ko sa kanya at hinayaan ko itong pumasok na ng taxi

Natawa ako bigla, nawala yung inis ko.
Sana hindi ko nalang tinarayan yung babae pero nauna naman talaga kasi ako eh.

Magisa nalang tuloy akong naghihintay dito, ay wait! May mga lalaki pa pala dito sa likuran ko, huhu. Nakakatakot sila, judgemental na kung judgemental pero mukhang may binabalak sila sa akin eh.

Lumayo ako sa kanila, pero sinundan nila ako ng tingin, saka lumapit sa akin.

Tinignan ko silang dalawa, nakita kong nakatingin sila sa bag ko kaya inilagay ko ito sa harapan ko at sinamaan nila ako ng tingin saka lumayo na naman ako sa kanila pero patuloy nila akong sinusundan

Naisip kong bumalik ulit sa Starbucks dahil mas safe doon dahil may guard. Naglakad na ako pabalik ng Starbucks pero hinarangan ako nung lalaking nakasuot ng puting cap, nakablue na tshirt at nakamaong pants.

Bumilis yung tibok ng puso ko, nakatingin sa akin yung lalaki, nanlilisik yung mga mata niya na namumula pa.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang umatras pero pinigilan ako nung isa pang lalaking na mukhang disente naman, nakasuot siya ng Polo at pantalon, saka naka-face mask pa.

Hinawakan niya yung braso ko ng pagkahigpit higpit at tinignan niya din ako ng masama, tinignan ko muna silang dalawa at dahan dahan kong ibinaba yung bag ko at itinaas ang dalawa kong kamay at napalunok

Kinabahan ako ng makita ko yung lalaking mukhang disente na may dinukot sa kanyang bulsa at baril ito, hindi ko na alam ang gagawin ko pero sana wag ako agad kunin ni Lord.

"W-wag mong gagawin yan, please" nagmakaawa ako, nagpuppy eyes pa pero hindi ito tumalab sa kanya, lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko at pinawisan pa, itinutok niya ang baril sa tagiliran ko, gusto kong gumalaw at pumiglas, pero hindi ko magawa.

"Holdup 'to" bulong nung lalaking tumutok ng baril sa tagiliran ko

"W-wala na kayong makukuha sa'kin, k-kunin niyo nalang ang bag ko!" kinakabahan kong sabi at di maiwasang mautal, tinitignan ko yung bawat galaw ng dalawa at lalong tumitindi ang tensyon na nararamdaman ko

Kinalkal nung isang lalaki yung bag ko pero wala siyang nakuha na kahit ano dahil school supplies lang naman ang laman ng bag ko "Sabi ko sainyo wala kayong makukuha eh!"

"TUMAHIMIK KA!" malakas na pagsigaw nung lalaking nakapolo, ang daming taong nakarinig kaya nagsilapitan. natakot ako at nanahimik nalang, hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang ngayon nasa tagiliran ko pa rin ang baril baka isang galaw ko lang tumba na ako

Operation: Make Him JealousWhere stories live. Discover now