27: Operation - The Start of Ultimate Revenge

246 18 3
                                    


One Week After..

Bumalik na sina Carlie, Aaron at Veronica sa Pangasinan.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang Daddy mo, hindi ako sanay." wika ni Veronica habang yakap nito ang imahe ni Malcolm sa isang picture frame.

"Ang hirap. Hindi ko alam kung saan tayo ulit magsisimula." huminga ng malalim si Veronica.

Pinigilan ni Carlie si Veronica sa paglalakad saka niyakap ito. "Mama, hindi pa tapos ang laban. I'm sure Daddy will guide us, in our fight, in our journey. The game isn't over." determinadong sabi ni Carlie, iniisip pa rin niya kung paano niya sisimulan ang paghihiganti laban kay Darcy at sa pamilya nito.

Nakaraang araw lamang nailibing si Malcolm. Ang alaala ng kaniyang pagkamatay ay nananatiling masakit at masalimuot pa rin kay Veronica at Carlie.

Pakiramdam nila sila ay magsisimula ulit sa umpisa. Lahat ng bagay ay babalik sa simula at hindi rin nila alam kung pano ito muling sisimulan.

Si Carlie ay determinado pa rin sa paghihiganti habang si Veronica ay naghihinagpis ngunit handa pa rin ito sa kanilang unang hakbang sa paghihiganti kina Darcy.

"Heto ang mga imahe nila Mama." sinamahan ni Carlie si Veronica sa kaniyang kwarto at ipinakita ang mga imahe ng mga taong kakalabanin niya at maaaring maging kakampi niya.

"Carlie." sabat ni Aaron saka lumapit ito kay Carlie.

"May gusto sana akong hilingin sa'yo." napalunok ito.

"Ano?"

"Kung kasama si Darcy sa paghihiganti niyo, sana h'wag niyo siya sobrang sasaktan. Masakit din sa akin na makita siyang nasasaktan."

"Ano?! Ano ang magiging sense ng paghihiganti natin kung hindi natin pahihirapan at sasaktan si Darcy. Hindi ako papayag na hindi siya maghirap."

"Isa pa, kung papatayin natin yung magulang niya, malamang masasaktan siya. 'Wag ka ngang tanga, Aaron. Isantabi mo na ang pagmamahal mo kay Darcy, hindi magiging kayo?!" ipinamulat ni Carlie kay Aaron ang katotohanan. Tila itong isang malaking sampal sa kaniya.

"Ah, naiintindihan ko naman ang gusto niyong iparating sa akin. Sige, payag ako na saktan niyo siya pero sana h'wag niyo sobrang pahirapan, kukunin ko siya, isasama ko siya sa akin kahit labag ito sa kalooban niya. Hindi na siya makakabalik sa pamilya niya, Pangako."

"No, gusto kong makita si Darcy na nahihirapan, kung may ke-kwestyonin mo pa rin ang mga desisyon ko, mas mabuti pang lumayas kana dito." nakayuko si Aaron na naglakad paalis sa kaniyang kwarto.

"Ano? Aalis ka talaga?" pinigilan ni Carlie si Aaron.

"Ayoko makitang nahihirapan si Darcy, mas mabuting aalis nalang ako."

"Fine. Kung 'yun ang gusto mo, pero hayaan mo kaming iparamdam sa kaniya ang bagsik ng paghihiganti namin ni Mamá."

Patagong ngumisi si Carlie. Hindi niya hahayaan na hindi niya mapapahirapan si Darcy. Hindi niya aprubado ang gusto ni Aaron ngunit pinili niyang sabihing pabor siya sa gusto ni Aaron upang magamit niya ito sa paghihiganti kila Darcy.

"At naniwala naman si Gago." bulong ni Carlie sa kaniyang sarili.

"Uhm. Mama, sandali lang po ha. Nanjan na yung private investigator natin." mabilis na lumabas si Carlie ng kwarto.

Sumunod naman si Aaron saka sinilip ito.

"Aaron, maghanda ka ng pagkain ni Philip."

"Mama, ito po si Philip. Ang private investigator natin."

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon