19: In The End

568 26 0
                                    

Now Playing: In The End - Linkin Park

--

Darcy's POV

"Nikka, kanina pa hindi sumasagot si Steve sa mga tawag ko, kumusta na kaya siya ngayon?"

Hinatak naman ako ni Nikka patungo sa Backyard at natanaw namin ang mga bata na nagpapalipad ng saranggola.

"Oh? Ano namang meron?" napasimangot ako, buong akala ko'y nakikinig siya sa mga sinasabi ko pero kanina pa siya nakatingin sa mga batang nagpapalipad ng saranggola.

"Saranggola! Gusto ko magpalipad ng saranggola" nagpuppy eyes naman si Nikka saka hinila na naman ako papasok ng bahay.

"Halika, magpapalipad tayo ng saranggola" hindi ko na napigilan si Nikka, tumungo siya sa shoe rack at kinuha yung paborito niyang tsinelas saka lumabas kami ng bahay.

"Ano nga bang sinasabi mo kanina, Darcy?"

"Hindi kasi sumasagot si Steve sa mga tawag ko, kanina pa!" napatigil kami sa isang tabi at humarap sakin si Nikka

"Baka nagpapahinga si Steve, diba nga kakagaling niya lang sa aksidente?"

"Sabagay, pero kahit naman tulog 'yun, nasasagot niya pa rin mga tawag ko eh, nasanay lang ako siguro sa kaniya, tara na nga!" tumungo kami sa malawak na parke sa likod ng bahay.

Malawak at maraming puno sa parke na ito kaya maraming batang nagpapalipad ng saranggola lalo na't kapag hapon.

Umupo lang ako sa isang bench habang si Nikka nakikipag-socialize sa mga batang nagpapalipad ng saranggola.

Hindi nagtagal nakasundo niya na yung mga bata at tuwang tuwa pa kay Nikka na nagpapalipad ng saranggola.

"Darcy, Try mo! Masaya kaya" umiling ako.

"Okay" nagkibit balikat pa ito saka lalong pinataas ang paglipad ng saranggola. May ibang mga bata na rin ang sumasali at sabay sabay rin nila pinalipad ang saranggola nila.

Ilang saglit lamang nakaramdam ako ng gutom kaya umalis muna ako ng saglit at hindi na nagpaalam kay Nikka dahil busy pa ito sa pagpapalipad ng saranggola.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tinapay at peanut butter saka pinalamanan ito. Gumawa ako ng apat dahil tig-dalawa kami saka nagluto din ako ng bacon at hotdog para sa merienda na rin namin.

Kinagabihan, kakatapos ko lang maghilamos ng mukha saka magtoothbrush habang si Nikka naman ay nagpapapresko at umiinom ng hot chocolate sa Terrace.

Nanatili akong nakabathrobe at may twalyang nakapulupot sa ulo ko nang tumungo ako kay Nikka then accompanied her.

"Darcy? Ano na nga pala ang kondisyon ni Steve?" tanong ni Nikka saka humigop ng hot chocolate.

"Inilipat na nila si Steve sa Manor"

"B-bakit?" napatigil naman si Nikka at sumeryoso ang tingin nito

"Naalala mo ba yung nangyari sa Welcome Party? Naaksidente siya hindi dahil sa pagkalasing" naintriga naman si Nikka saka lumapit pa ito ng kaunti sa akin.

Operation: Make Him JealousWhere stories live. Discover now