28: Operation - The Start of Ultimate Payback

243 18 2
                                    

Now Playing: Kick It - BLACKPINK

**

"Doc, kumusta na po si Mama?" nagsalubong ang landas nila Darcy at ang personal Doctor ni Melissa na si Dr. Henry na kakagaling lamang sa kwarto kung saan nakaratay si Melissa.

"Luckily, dumaplis lang sa kaniyang ang baril. Wala namang naapektuhan na vital organ, kailangan niya lang magpagaling dahil may sugat siya sa kaniyang balikat." napangiti si Darcy

"Thank you po, Doc." nakangiting sabi ni Darcy sabay yumuko ito ng kaunti.

"You're welcome. Kakauwi lang pala ng Mommy mo galing sa US. Masaya ako na nagkita na kayo, sino naman kaya ang pwedeng manakit sa kaniya. I know you guys aren't safe. I saw you last time in this hospital. Tila pabalik-balik na kayo dito." napatingin naman sa relo si Dr. Henry "Anyways, kailangan ko na umalis, Darcy. Take care!"

Napaupo sa waiting area si Darcy saka itinabi ang kaniyang pagkaing dala para sa kaniyang Mamá sa tabi din ng kaniyang upuan at napaisip ito.

——

Flashback:

"Ma!?" nagkaroon ng malakas na pagputok ng baril na siyang nagpatumba kay Melissa. Nagdudugo ang balikat nito. Mabilis nilang sinakay si Melissa sa kanilang van.

"Sandali nalang po, Ma!" sinara na ni Darcy ang pintuan ng Van bago pa man ito umupo, nahagip ng kaniyang mata ang isang babae na nagtatago sa puno at may hawak itong maliit na baril.

"Veronica?" bigla nalang nabanggit ni Darcy ang pangalan ni Veronica habang iniisip kung si Veronica ba talaga ang kaniyang nakita kanina pagkatapos mabaril ang kaniyang Mama.

Napatayo si Darcy sa kaniyang upuan at saktong bumangga ito sa babaeng may dala ring pagkain.

"Oh, Darcy!" namukhaan ni Darcy si Sophia. Napangiti naman ito.

"It's fine, it's fine!" nakangiti namang sabi ni Sophia, patagong umirap ito at napahinga ng malalim dahil sa inis.

Napansin naman ni Darcy ang patagong pag-irap ni Sophia pero hindi na ito nagsalita.

Muling humarap sa kaniya si Sophia at nakangiti, nagpanggap ito na nagayos lamang siya ng kaniyang buhok. "Sorry, nagulo lang yung buhok ko. Kumusta na nga pala si.. Tita Melissa?"

"Ah. Okay na siya." pilit na ngumiti si Darcy.

"Can I call her Tita? Mukhang okay naman siguro sayo diba?"

"Sure!" nakangiting sabi ni Darcy, of course hindi, galaw mo pa lang kilala ko na ang pagkatao mo. bakit nga ba ako nakipag-usap sa hindi ko kilala.

"Ah, heto pagkain para kay Tita Melissa." inabot ni Sophia ang puting paper bag na naglalaman ng mga pagkain.

Nandidiring tinignan ni Darcy ang pagkaing nasa loob ng paper bag.

May lason ba ito?

"Bakit Darcy? May problema ka ba?" Muling nilingon ni Darcy si Sophia.

Operation: Make Him JealousWhere stories live. Discover now