CHAPTER ONE

24.1K 294 6
                                    


"Shit!" Awtomatikong nakabig ni Joey ang manibela ng sasakyang minamaneho nang maramdamang parang may sumabog sa unahan niyon.

Sumadsad ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at naka-seat belt siya, kung hindi, malamang na lumusot na ang kanyang mukha sa windshield.

Mabilis pa naman ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. At dahil siguro matindi na ang sikat ng araw, idagdag pa ang baku-bakong kalsada at nakakalbong mga gulong ng kotse kaya sumabog iyon.

May ilang segundong hindi siya nakakilos. Nang mahimasmasan ay napabuntong-hininga siya, bumaba ng sasakyan para tingnan ang damage sa kotseng minana pa niya sa kanyang Lolo Jose na mahigit isang taon nang namayapa dahil sa katandaan.

Napangiwi si Joey nang makitang halos makita na ang rim ng gulong.

"Oh, God!" daing niya, sabay pakawala ng malalim na hininga. How on earth could she change a flat tire and be at the Perez Grand Villa in just an hour?

Tuloy ay nagsisi siya kung bakit hindi pa isinama ang nangungulit kaninang si George, ang kanyang best friend na gustong-gustong maglakwatsa lalo na sa ganoong kalayong lugar.

Mula sa bahay ni Joey sa Valenzuela ay mahigit dalawang oras na siyang nagbibiyahe. Kung 'di lang siya na-traffic, siguradong makararating siya nang maaga sa pupuntahan.

Masikip ang daloy ng trapiko sa North Diversion road kaninang alas-singko ng umaga dahil sa nangyaring banggaan. Maaga pa naman siyang umalis ng bahay para maagang makarating sa Subic. At para namang nakakaloko ang pagkakataon; ngayon pa siya nasiraan ng sasakyan sa isang liblib na lugar. Napakahalaga pa naman ng kanyang lakad.

"I can't imagine myself changing a tire!" nanghihinang bulalas ni Joey.

Tiyak na masasayang ang pagpapagandang ginawa niya. Kung kailan pa naman nakasuot siya ng puting polo at puti ring tight-fitting jeans. Nakakasuyang isipin na sa ilang sandali lang ay mapupuno na siya ng dumi.

For the first time ay naglagay siya ng kaunting makeup sa mukha. Pero ngayon pa lang ay nagsisimula nang mabura iyon dahil sa butil-butil na pawis sa kanyang mukha dahil sa init ng panahon.

Nilibot niya ang tingin sa paligid. Ni wala siyang makitang palantandaang may tao.

Nakausap niya kahapon ang sekretarya ni Mr. Romano Perez para i-confirm ang pagdating niya. At dahil first time niya kaya nagmagandang-loob ang sekretarya nito sa pagsabi sa kanya ng dadaanan niyang short cut na kalsada papunta sa malaking lupain ng mga Perez.

Hula niya ay bihira ang sasakyan na nagagawi roon dahil rough road iyon. Kaya hindi siya gaanong umaasa na may tutulong sa kanya.

Napatingin si Joey sa suot na wristwatch. Kung hindi pa siya kikilos, tiyak na mahuhuli na siya sa dadaluhang party-meeting.

Ayon sa mapa na hawak niya kanina ay medyo malayo-layo pa ang destinasyon niya. Sa tantiya niya ay mga kalahating oras pa ang magiging biyahe.

"Kung mamalasin ka nga naman talaga," nayayamot niyang bulong habang inilalabas mula sa compartment ng kotse ang toolbox.

Isa pa naman sa kinaaayawan niya ay ang magpalit ng gulong ng kotse. "After this, I'll look like a disaster."

Pero wala rin naman siyang mapagpipilian kundi ayusin ang problema.

Ipinuwesto na ni Joey ang jack sa ilalim ng kotse bago inisa-isang alisan ng mga turnilyo ang na-flat na gulong sa pamamagitan ng tire wrench.

Hindi maiwasang maipunas niya sa pawisang noo ang maruming palad. "Talagang dapat na akong bumili ng bagong tires."

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICOWhere stories live. Discover now