CHAPTER TEN

15.8K 263 22
                                    


"Joey, Joey!" Dinig hanggang sa kabilang bloke ang boses ni George habang humahangos sa pagpasok sa loob ng sala.

Kasalukuyang may kausap siya sa telepono. Napilitan siyang magpaalam sa kausap para lang harapin si George.

"O bakit, para kang kinakatay na baka riyan?"

"Look, look, mae-excite ka sa mababasa mo."

Kunot ang noong kinuha ni Joey ang ibinagsak nitong magazine sa harap niya. Manipis lang iyon, glossy ang cover at halatang mamahalin ang papel na ginamit sa pag-publish.

Suburban Journal, the official info-magazine of the Perez Group of Companies.

Malakas na kumabog ang dibdib ni Joey. Kilala niya ang mga tao sa likod ng malahiganteng korporasyon. Kahit naman hindi pa niya nakikilala nang personal ang lahat, sa mga impormasyong narinig at nalaman niya ay nakakalula talaga ang mga lalaking nagpapalakad sa korporasyong iyon.

"Basahin mo na kasi agad!" udyok ni George.

"Ano ba kasi ito? Hindi mo pa kasi ikuwento nang mapabilis. O, ano bang page?"

"Page ten."

Nabitin ang hininga niya nang tumambad agad ang full shot photo ni Nico Madrigal; nakasandal ito sa pulang sports car.

Napakakisig nito sa casual attire. Samantala, nasa kabilang page ang article tungkol sa most sought-after eligible bachelor sa mga nabibilang sa mahuhusay na arkitekto sa buong bansa. Dalawang pahina ang naglalaman ng mga photo shots ni Nico, kasama ang mga accomplishment nito bilang isang mahusay na arkitekto.

Walang kurap ang mga matang binasa niya ang mga nakasulat:

Suburban Q & A

Q: What's the most romantic thing you've ever done to a girl?

NM: Probably just showed up on time. I'm awful. I don't really go out and lay down a blanket and have sandwiches. I don't put rose petals on the floor. It's just not my style.

Q: Do you ever dream of getting married and having kids?"

NM: Yeah, but not right now, but eventually.

Q: Maybe when you reach forty?

NM: Hey, I could be married tomorrow.

Q: What would lead to that?

NM: Who knows? I get drunk, stuff like that happens.

Itiniklop na ni Joey ang journal. Bakit ang lakas ng dating sa kanya ng mga pananalitang iyon, as if nasa harap lang niya si Nico?

Pagbaling niya ng tingin kay George ay abot sa tainga ang ngiti nito. Nanunukso ang mga mata ng hudyo!

"O, bakit hindi mo na tinapos?"

"Hindi ako interesado," nakairap niyang sabi, sabay hagis ng magazine, pero nasa dibdib ang panghihinayang.

"Ipokrita! If I know, crying inside ka riyan kasi may posibilidad na magpakasal ang kanyang hombre. See, sino kayang malas na babaeng nagpabago sa pananaw ng Nico na iyon?"

"Pakialam ko!"

"She must be something dahil sa pagkakaalam ko, 'yang Nico na 'yan ay allergic sa kasal," patuloy ni George. "Tapos, heto't nagbago ang ihip ng hangin. Hay, kaloka, ha!"

"Shut up, George! Umuwi ka na nga sa inyo."

Hindi na niya gusto pang lumala ang nararamdamang pagkasabik na makita si Nico dahil sa ginagawang pambubuska sa kanya ng kaibigan. Hindi man niya aminin ay bistado siya nito. Paano'y nakita ni George sa kuwarto niya ang isang iginuhit na larawan, larawan ng isang lalaki.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICODove le storie prendono vita. Scoprilo ora