CHAPTER SEVEN

10K 187 2
                                    


Alas-otso y medya ng umaga nang lumapag ang chopper sa private field. Malaking himala na maayos pa rin ang takbo niyon sa kabila ng sama ng panahon nang nagdaang gabi.

Ligtas naman silang lahat. Huminto ang ulan mga bandang alas-dos ng madaling-araw.

Maaga naman silang nagising lahat. Pero mahahalata sa anyo ng bawat isa ang matinding puyat. Kaya nagpasya si Romano na agahan ang pag-alis sa isla para makabalik sa Subic.

Ngayon nga ay nagkahiwa-hiwalay na sila at nagkanya-kanya na ng uwi.

Talagang iniwasan ni Joey si Nico. Sa halip na maupo sa tabi nito ay nauna siyang naupo sa unahan, sa tabi ng piloto.

Maski nang dumating sila sa private field ay hindi siya bumaba agad ng chopper. Hinintay niya si Romano para dito sumabay. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang parang naghihintay naman sa kanya si Nico.

Manigas ka, hinding-hindi kita lalapitan! Sariwa pa kasi sa alaala niya ang naganap kagabi. Salamat na lang at nagising siya sa kahibangan. Dahil kung hindi ay baka bumangon sa hukay ang kanyang Lolo Jose at usigin siya.

Hindi ito nagkulang sa pangaral sa kanya noon. Pakaiingatan niya ang kanyang dangal at iyon na lang ang nag-iisang kayamanan na maaari niyang ihandog sa lalaking pakakasalan.

Of course, hindi niya kayang humarap at tumitig nang tuwid kay Nico pagkatapos ng pangyayari. Sariwa pa nga sa alaala niya ang mga pinagsaluhan nila, kasinsariwa ng mga markang nilikha nito sa kanyang leeg at... dibdib. Mabuti na lang at nakapagbaon siya ng sweatshirt na turtleneck. Naitago niya kahit paano ang mga marka sa leeg.

Ang walanghiya, kung makatingin, akala mo'y nakamit na ang tropeo!

Agad niyang ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata. Totoong nahihiya siya kay Nico. She couldn't imagine na may ibang tao na nakahaplos at nakakita sa kanyang—

"Ipahahatid na lang kita sa inyo, Joey," sabi ni Romano na obvious ang kislap ng mga mata dahil sa panunukso sa kanila ni Nico. Ganoon na ito mula nang makita sila ng lalaking magkasama sa iisang tent.

"Huwag na, Mr. Perez," tanggi naman niya. "I can manage to go home by myself. Besides, nasa parking lot ninyo at naiwan noong isang gabi ang aking kotse."

"Are you sure? May staff naman ako na maaaring maghatid sa 'yo, in case na hindi pa kaya ng katawan mong magmaneho."

Namula ang pisngi niya. Hindi niya alam kung sinasadya nitong buskahin siya. Palibhasa'y lalaki rin kaya kung anuman ang nararamdaman ng Nico na iyon, gano'n din siguro ang pagmamalaki ni Romano.

Akala siguro nito may nangyari... sa loob-loob niya nang damputin ang traveling bag.

"Maraming salamat na lang po, Mr. Perez—"

"Roman na lang, Joey. Let's drop the formalities once in a while."

"Again thanks for your kindness. I have to go now."

Nang magbaling siya ng tingin ay wala na sa paligid si Nico. Napaismid siya. Mabuti naman at wala na ang diyablo!

Pero kahit papa'no tutol ang loob niyang tawagin itong "diyablo."


DISMAYADO at iritado na si Joey dahil hindi pa rin niya mapaandar ang kanyang kotse. Nawala sa isip niya na sira nga pala iyon kaninang nag-alok sa kanya si Romano na ipahahatid siya nito sa isang staff.

Kung naalala lang niya, sana kinagat na niya ang alok nito. Pero magsisi man siya, huli na. Kanina pa siguro nagpapahinga si Romano. At hindi na niya gusto pang gambalain ito.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICOOnde histórias criam vida. Descubra agora