CHAPTER FIVE

9.4K 194 2
                                    


"You look lovely in that dress," sabi ng baritonong tinig sa likuran ni Joey. Kahit hindi siya lumingon ay kilala niya ang may-ari niyon.

Pinili niyang hindi ito pansinin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Tailored suits are boring. I don't know where they got the idea that women had to dress like men to be good in business."

Naupo si Nico sa tabi niya, pero may kaunting distansiyang nakapagitan sa kanila.

Hindi naman niya magawang ipagtabuyan ang lalaki. Alam niyang pinagmamasdan nito ang ginagawa niya.

"Hmm... mahusay ang mga kamay mo." Nagbuntong-hininga si Nico. "You know, I have a fetish sa maliliit na mga daliri at pudpod na mga kuko. Fortunately, gano'n ang iyong mga daliri, honey."

Nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Joey sa hayagang papuri nito. At tinawag pa siyang "honey"!

Kaya naman dapat niyang paalalahanan ang sarili na hindi lahat ng sinasabi ng isang tao ay totoo sa loob nito. Tulad na lang ng lalaking katabi niya. Alam niya, more or less ay may pansariling dahilan si Nico kung bakit ito naglalapit sa kanya.

"Would you mind, Mr. Madrigal, if I ask you na humanap na lang ng ibang makakausap?" sabi niya sa prangkang tono. "Obvious naman siguro sa iyo na gusto kong mapag-isa. Kaya nga ako lumayo sa inyo."

Pero hindi pinansin ni Nico ang sinabi niya. "Tell me your working background." Nanghihikayat ang tinig nito.

"Ang kulit mo rin—"

"Walang masama kung makipag-usap ka man sa akin," agap nito.

Sandaling naghari ang katahimikan sa kanila. Hindi nakatiis si Joey at napasulyap siya rito.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Naroon ang nang-aakit na ngiti sa mga labi ni Nico. Kung bakit sa kabila ng suot nitong eyeglasses ay parang may kakayahan itong ma-penetrate ang mga mata niya. Na para bang kayang-kaya nitong basahin ang nilalaman ng isip niya.

Para bang alam ni Nico na hirap siyang umiwas dito. Na ang totoo ay gusto din naman niya itong makausap.

Natiyak niya sa sariling ang tipo ni Nico Madrigal ay hindi madaling iwasan. Kailangan niyang maging maingat sa pakikiharap dito. Alam niyang sa likod ng mapang-akit na ngiti nito ay naroroon ang panganib.

"Don't get me wrong kung sabihin ko sa 'yo ito. Nang marinig ko ang pangalan mo kay Romano, ikaw lang ang bukod-tanging wala akong idea kung sino ka. Iyong mga kasama natin, matagal ko na silang kilala. Tell me about yourself, please?"

Sandaling natahimik si Joey, mayamaya ay nagbuka ng bibig. "When I graduated from college, I worked for a large firm that covered a broad scope of services from contracting to interior decorating. We handled jobs from start to finish..."

Naputol ang tangka sanang pagsasalita ni Nico tungkol sa reaksiyon nito sa mga naikuwento niya nang marinig ang pagtawag ng atensiyon ni Romano.

Nagkatinginan sila ni Nico.

Mayamaya lang ay kasama na sila sa grupong nakikinig kay Romano.


MULA sa ibabaw ng isang metal box ay dinampot ni Romano ang mga envelope.

"These are the building specifications and the parameters of the acreage. You have a free rein. I've kept the cost down on the structures because I feel the grounds are more important. Do your magic. I want inspiration. Let your imaginations run wild. I've chosen the five of you because I was impressed with the work you've already accomplished."

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICOWhere stories live. Discover now