CHAPTER NINE

9.1K 190 2
                                    


Dumating ang takdang araw ng bidding na idaraos sa function room ng Perez Grand Villa.

Maaga pa lang ay nakahanda na si Joey. Nakabihis na siya at may manipis na pahid ng make-up sa mukha. Kagabi pa niya naihanda ang lahat ng dadalhin para sa kanyang presentation.

Isang floral-printed silk chiffon top and wool tweed pants ang pinili niyang isuot. Simple rin ang suot niyang alahas sa kanyang katawan, round silver earrings na bumagay sa nakalugay niyang buhok at kuwintas na white gold na ang pendant ay maliit na puso.

Strappy sandals ang itinerno niya sa damit. Paminsan-minsan ay inililitaw niya ang mapuputi at makikinis na paa.

Noon niya napuna na ang tagal naman yatang lumabas ni George sa kuwarto.

Napilitan siyang katukin ito sabay sigaw. "Ano ba, George, ang tagal mo namang mag-ayos!"

"Ten minutes pa!" ganting-sigaw naman nito.

"Don't tell me, nagme-makeup ka pa? I could kill you. Make it fast, please? Baka tanghaliin na tayo, malayo pa ang pupuntahan natin—"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang nakasimangot na mukha ni George. "Are you sure na puwede kang magsama ng alalay sa pupuntahan mo?"

Napangiti si Joey. Nagmamaktol ang kaibigan dahil ngayon sana ang pakikipag-eyeball sa matagal nang ka-text. Pero pinakiusapan niya itong samahan muna siya. Bukod sa talagang kailangan niya ng kasama dahil sa dami ng bibitbiting mga gamit, dapat lang na nakadikit ito sa kanya. Iyon ay para hindi makalapit sa kanya si Nico na tiyak namang naroroon.

"Cheer up, George. Ang dami pa namang araw para sa date mo."

Umingos ito. "Let's go. Wait a minute..."

"Why?"

"Sigurado kang maayos na ang kondisyon ng kotse mo? Baka naman itirik tayo sa gitna ng kalsada niyan. Ayokong magtulak."

"Hindi. In good running condition na ang kotse ko. In fact, maghapon ko ngang ni-road test kahapon. O sige dalhin mo na 'yon." Inginuso niya ang nasa ibabaw ng dining table.

Napatirik ang mga mata ni George. "Talagang dakilang alalay nga ang labas ko."

"Hey, you're my lucky charm, remember?"

Saglit pa'y naisakay na nila sa kotse ang mga gamit. Si George ang nasa harap ng manibela.


MAAGA silang dumating ni George sa villa. Agad silang inalok ng sekretarya ni Romano ng merienda. Pero tiniyak nilang busog naman sila. Kape lang ang hiningi nila rito.

Sa laki ng opisina, nakabibingi na ang naghaharing katahimikan. Alam ni Joey na mayamaya lang ay magsisimula na ang presentation. Hanggang sa isa-isang nagsidatingan ang mga arkitekto.

Tanging si Nico ang wala pa.

Mayamaya ang tingin niya sa kanyang relo. Si George naman ay abala sa kapipindot sa cell phone nito. Five minutes na lang at tatawagin na ng sekretarya ang unang papasok sa loob ng function room.

Sa tantiya ni Joey ay tumatagal nang kinse hanggang dalawampung minuto ang isang arkitekto sa loob. Hanggang sa tawagin siya ng sekretarya.

Kasunod niya si George na pumasok sa mas malamig na silid kung saan ay kampanteng nakaupo sa isang eleganteng silya si Romano.

Matapos ipasok ang kanyang gamit ay lumabas na si George. Pagkabati niya sa simpatikong negosyante ay sinimulan na niyang mag-present.

Hindi man niya tingnan sa mga mata si Romano, tiyak namang mahihirapan siyang alamin ang nasa isip nito.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu