CHAPTER FIVE

8K 176 6
                                    

"PAGANDA ng paganda 'yung isa diyan," wika ni Olay na may himig nang panunukso.


"Oo nga. Blooming siya. Bakit kaya?" dagdag naman ni Allie.


"Baka umiibig na siya." Ayon naman kay Panyang.


Isa-isang tiningnan ni Madi ang mga ito. Nagkunwari ang mga ito na busy sa kani-kanyang mga ginagawa. Si Olay ay abala sa pag-aayos 'kuno' ng mga paninda kahit nasa ayos naman ang mga iyon. Si Allie ay abala 'kuno' sa pagte-text kahit wala naman load. Si Panyang ay abala sa pagkutkot ng kuko nito sa paa. Naroon silang lahat sa harap ng tindahan ni Olay at nagpapalipas ng oras. Dahil Linggo at wala silang pasok pare-pareho, kaya hayun na naman sila at walang tigil sa pang-aasar kung sino man ang trip nilang asarin. Ngayon nga ay siya na naman ang napagbalingan ng mga ito.


"Tigilan n'yo 'ko ha?" sagot niya.


"Guilty! Wala naman kaming sinasabing pangalan." Si Panyang.


"Ambot a!"


"Anong 'yung sinabi mo?" tanong ni Panyang.


"Secret man day!" sagot ulit niya.


"Kumusta naman ang lovelife ng pinsan ko?" si Olay.


"Kailangan mo bang kumustahin talaga? Alam mo naman na wala."


Tiningnan siya ng tatlo na tila ba hindi naniniwala sa sinagot niya.


"Weh?" ani Olay.


Napakamot siya sa pisngi. "Wala nga."


"Eh si Vanni, wala bang development sa love story n'yo?" tanong ni Allie.


"O bakit nasama siya sa usapan? Wala naman nga kaming relasyon n'on." Paliwanag niya.


"Oo na nga. Kaya pala lagi kayong magkasama lately. Magkasama na kayo sa kitchen, pati ba naman after ng work." Wika naman ni Panyang.


"Hay... ang kulit talaga!" sagot niya at malapit na rin niyiang singhalan ang mga ito. At kaysa mapikon siya, maliligo na lang siya.


"Makapaligo na nga lang at nang mahimasmasan ako. Baka kaka-intriga n'yo sa 'kin maisabit ko kayo sa puno. Lalo na ikaw." Aniya sabay turo kay Panyang.


"Ay eh 'di uuwi na lang ako. Bye guys! Namimiss na ako ng mga tanim kong bulaklak." Anito sabay alis.


"Ako rin nga, matutulog na lang ako." Sabi naman ni Allie.


The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni CruzWhere stories live. Discover now