CHAPTER EIGHT

7.4K 184 10
                                    

"PAANO BA naman ako magpapakita sa kanya? eh wala pang thirty minutes kaming nagkakabati, nag-away na naman kami." Sabi ni Madi sabay sandal sa pader.

Nakahanda na siyang bumalik sa Rio's Finest. Actually, nakabihis na nga siya. Hindi lang siya makalakad dahil inuunahan na naman siya ng isang katerbang kaba. Kung hindi ba naman kasi siya isa't kalahating engot. Nagselos kasi siya nang biglang may lumapit na babae dito noong nag-uusap sila ni Vanni sa garden ng Skyland Hotel. Kaya hayun, nag-walk out siya at biglang nagyayang umuwi kahit na hindi pa tapos ang party. Inulan tuloy siya ng reklamo ng mga kasama niya.

"Ayan ka na naman Maria Diwata ha? Nauunahan ka na naman ng pagka-nega mo!" sermon sa kanya ni Olay.

"Eh... kasi naman eh..." pagmamaktol niyang parang bata. Pumapadyak pa siya.

"Pumasok ka na nga," pagtataboy sa kanya nito.

"Ayaw!"

"Papasok ka na ng kusa o ipapasundo kita dito kay Vanni?" Banta nito.

Huminga siya ng malalim. "Oo na! Sige na! Papasok na!" sagot niya. Sinuklay muna niya ng mga daliri niya ang buhok niya. Saka tinitigang maigi ang sariling repleksiyon sa salamin.

"You look wonderful, dear. Mahal ka rin n'ya. Magtiwala ka lang sa puso mo at sa sinasabi nito." Payo nito.

"Thanks," she mouthed. Then, smiled.

Habang naglalakad papunta sa Rio's Finest. Nakasabay niya si Abby na papasok na rin ng mga sandaling iyon.

"Mabuti naman at babalik ka na." sabi nito.

Ngumiti siya. "Oo nga eh. Naging busy kasi for the last two weeks. Kumusta naman doon?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang restaurant na pareho nilang pinapasukan.

"Okay naman. Kaso naging malungkot noong nawala ka ng ilang araw. Si Chef Vanni nga laging tulala o 'di kaya, masungit." Sagot nito.

Ah... so, totoo pala... Nami-miss nga ako ng loko...

"Weh? Nagpapapaniwala kayo sa isang 'yun. Drama n'ya lang 'yon!" sabi na lang niya para mapagtakpan ang kilig na nararamdaman niya.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta ang masasabi ko lang, kapag nariyan ka. Masayang-masaya siya. Kapag wala ka, parang nalugi ang lahat ng negosyo niya."

Nagkibit balikat pa siya.

"Teka, puwede ba kitang matanong?" si Abby ulit. Nang tingnan niya ito ay tila balisa ito. Pinaglalaruan pa nito ang handle ng bag nito na nakasabit sa katawan nito.

"Ano 'yon?"

"Ah... Tungkol sa inyo ni... ano... ni Victor. Kayo na ba?" nagkandautal nitong tanong at tila hiyang-hiya.

Natawa siya saka inakbayan ito. At dahil medyo may kaliitan ito, naging parang nakakabatang kapatid niya ito. Anyway, mas matanda nga yata siya dito.

"Relax ka lang, Abby. Magkaibigan lang kami. Wala ka dapat ipag-alala." Wika niya.

"Hindi naman ako nag-aalala!" mabilis nitong sagot, umiling pa ito para tila makumbinsi siya sa sagot nito. Pero halata niya ang pamumula ng pisngi nito. "Ano... siyempre... ano... bestfriend ko siya kaya concern lang ako sa kanya."

"Sige na nga. Mag-bestfriend lang kayo."

"Oo nga! Kaibigang matalik kami n'on. Pare ko 'yon eh!"

The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni CruzWhere stories live. Discover now