CHAPTER SEVEN

7.2K 157 3
                                    

"ARE you ready?" tanong sa kanya ni Janet.

Huminga muna siya ng malalim. Ngumiti. Pagkatapos ay tumango dito. Kahit na ang totoo ay parang tatalon palabas ng dibdib niya ang puso niya sa sobrang kaba.

"Huwag kang kabahan, Mads. Hindi na bago sa'yo ito." Dagdag pa nito.

"You know me, Miss Janet. Lagi na lang akong kinakabahan."

"You're my finale. You're wearing my finale dress. Ipakita mo sa mga tao ang tamang attitude. You're one hell of a model, Madi. Dapat alam mo 'yun." Wika nito na tila lalong nagpapalakas ng loob niya.

"Thank you," aniya.

Tumingin muna ito sa paligid. Tapos ay pinakatitigan siya.

"Maganda kang bata. Kung sana'y nagkaroon ako ng anak, ikaw na lang sana." Sabi pa nito. Janet Lee is a widowed. Pero walang anak. Hindi ito nabiyayaan kahit na isang anak. Kaya nang makilala siya nito, naging malapit ito sa kanya. "Bagay na bagay sa'yo ang suot mo."

Hindi niya maapuhap ang tamang salita para dito. Janet Lee is pleasing her so much. Tiningnan niya ang sarili. She's wearing a white silk off-shoulder wedding gown. Hakab na hakab iyon sa katawan niya. Napapalibutan iyon ng Swarovski crystals. Ang belo naman na suot niya ay may mga totoong diamante. May hawak din siyang bouquet na tila ba totoong ikakasal siya. Ang suot niya ay nagkakahalaga ng three million pesos. Dumating ang ka-partner niya. Si Victor. Kahit ito ay guwapong-guwapo sa suot nitong white tuxedo.

"Wow! You look stunning." Anito.

"Thank you," usal niya.

"He's right. At alam mo? Kapag nakita mo na ang lalaking makakapagpatibok ng puso mo. At alam mong mamahalin ka niya ng totoo. Ibibigay ko sa'yo ito kapag ikakasal na kayo." Sabi pa ni Janet.

Sa sinabing iyon ng designer, isang tao lang ang pumasok sa isip niya. Si Vanni. Bakit nga ba kahit na sinaktan siya nito? Ito pa rin ang tinatangi ng kanyang puso.

"Miss Janet, susunod na po ang finale dress." Anang isang staff nito.

Ngumiti sa kanya ang may edad na babae. Inayos pa nito ang belo niya at ito mismo ang nagbaba noon sa mukha niya.

"Be ready. Galingan mo, Madi. Show them the real Maria Diwata Tatlonghari."sabi nito.

Tumango siya.

Agad silang pumwesto sa magkabilang gilid ng stage. Ang instruction sa kanila ay maglalakad sila pasalubong sa gitna ng stage at sabay na lalakad sa rampa. Bago sila lumabas ng stage ay namatay ang ilaw sa paligid at tanging spotlight lamang ang nakasindi. She slowly walked thru the center stage with grace. Nagningning ang suot niya nang tamaan ng ilaw. Narinig niyang may nag-'ah' sa ibang manonood.

Pagdating niya sa gitna ng rampa, kagaya ng instruction sa kanila. Huminto sila ni Victor doon. Humarap sa isa't isa at saka itinaas ng lalaki ang belo na nakatakip sa mukha niya. Unti-unti ay lumapit ang mukha ni Victor sa kanya. Sabay halik sa pisngi niya.

Narinig niyang may napa-singhap mula sa audience. Pagharap nila pareho sa mga tao ay napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Victor. Dahil nakita niya mula sa gitna ng audience. Nakatayo at nakatulala si Vanni.

Titig na titig ito sa kanya. Naroon ang paghanga sa mga mata nito. Sina Olay, Allie at Panyang naman ay pawang mga nakangiti.

Habang naglalakad sila pabalik ng backstage ay nakahinga siya ng maluwag. Sa wakas, tapos na ang dalawang linggong pagod niya sa pagre-rehearse. At sa kabila ng lahat, sulit ang pinapaguran niya. Kahit na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin sila nagkaka-ayos ni Vanni.
Isa-isa nang nagsilabasan ang lahat ng modelo. Siya ang pinakahuli at talagang pinalakpakan ng husto. Nang tawagin ng emcee ang pangalan ng nag-disenyo ng mga suot nilang damit. Nagtayuan ang mga tao at pinalakpakan ito ng husto. Naglakad si Janet Lee hanggang sa dulo ng rampa ng may ngiti sa labi at kasiyahan sa mga mata. Ibinigay niya dito ang hawak niyang bouquet at niyakap ito.

The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni CruzWhere stories live. Discover now