CHAPTER NINE

7.3K 166 1
                                    

"MISS MADI, okay ka lang?" tanong ng isang kitchen steward sa kanya.

Bahagya siyang tumango. Hinubad niya ang suot na toque or chef's hat at ginawa iyong pamaypay. Dahil weekend, dinagsa ang Rio's Finest ng mga customers simula kaninang nagbukas sila hanggang ngayon mag-aalas sais na ng gabi. Mabuti na lamang ay hindi pinatulan ng mga kaibigan niya ang pagyayaya niya ng inuman kagabi. Pinayuhan siya ng mga ito na magpahinga na lamang. Pero hayun pa rin siya at pagod na pagod.

Marahan niyang pinunasan ang noo niya na basa na ng pawis.

"Magpahinga ka na muna diyan. Wala naman nang order eh." Dagdag pa nito.

"Sige, salamat ha?" sagot niya.

Hindi pa sumasayad ang pwet niya sa silya nang magulat silang lahat nang biglang pumasok doon si Jen na nakasimangot.

Ano na naman kaya ang problema ng kutong-lupang ito?

Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na suntukin ang isang ito. Palibhasa ay wala si Vanni, kaya wala itong ginawa kundi ang singhalan silang lahat kahit na tama naman ang trabaho nila. Lalo na siya, dahil simula ng sinagot-sagot niya ito. Lagi siya nitong pinag-iinitan. Lagi itong may comment na hindi maganda sa mga niluluto niya.

"Bakit ka nakaupo diyan?" mataray nitong tanong.

"Malamang kasi nagpapahinga," pambabara pa niya dito.

"Oras ng trabaho, hindi ba? Hindi ka dapat nauupo!" paninita pa nito.

"Puwede naman sigurong maupo kahit sandali, ma'am." Diniinan pa niya ang huling salitang binanggit.

"Eto ba ang ginagawa mo dito araw-araw? Ang upuan lang ang trabaho habang ang mga kasama mo ay kumikilos!"

Tumaas na ang kilay niya. Humawak siya sa silyang inuupuan para pigilan ang sarili na ihampas dito ang inuupuan.

"Sige ganito na lang, magpalit tayo ng puwesto! Ikaw ang dumito sa kusina. Ikaw ang magluto! Maghiwa ng kung anu-ano maghapon! Tapos tsaka mo sabihin sa akin lahat nang dinadakdak mo ngayon!" pagtataray niya dito.

"Aba't sinisigawan mo ako! Hindi mo na ako nirespeto as your manager!"

"Respeto? Bakit nirespeto mo ba ang mga tao dito? Kung makasigaw at makautos ka sa amin lahat dito akala mo ikaw ang nagpapasweldo sa amin ah!"

"Just wait and see. Makakarating lahat ito kay Vanni."

"Samahan pa kitang magsumbong!"

Nang tila wala na itong masabi ay nag-walk out na lang ito. Ilang sandali pa ang lumipas nang sumilip mula sa pintuan si Abby.

"Mads, may naghahanap sa'yo. Janet Lee daw." Anito.

Nawala bigla ang inis niya nang marinig ang pangalan ng naghahanap sa kanya. Ano kaya ang kailangan nito sa kanya? Ang alam niya ay tapos na ang kontrata niya dito bilang modelo nito.

"Bakit kilala mo si Janet Lee?" tanong agad sa kanya ni Jen nang makasalubong niya ito.

"Secret," pang-aasar pa niya dito pagkatapos ay nilagpasan niya ito. Agad ngumiti sa kanya ang kaibigan nang makita siya nito. Niyakap pa siya ni Janet.

"Naku Miss Janet, amoy kusina ako." Nahihiya pa niyang sabi.

"It's okay, kumusta ka na?" tanong nito.

"Okay lang po."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Pero malungkot ang mga mata mo," sabi nito.

The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni CruzWhere stories live. Discover now