CHAPTER TEN

12.4K 345 24
                                    

"HINDI mo ba talaga siya kakausapin?" tanong ulit ni Olay sa kanya.

Umiling lamang siya saka muling binaon ang mukha sa unan. Naroon siya sa silid niya at nagkukulong. Doon siya tumakbo matapos maging klaro sa kanya ang lahat. Nakapag-desisyon na siya. Sasama siya kay Janet Lee. Mas makakabuti kung aalis na lang siya. Isang kahangalan na kung mananatili pa siya roon. Araw-araw lang niyang makikita si Vanni habang pinagmamalaki nito sa buong Tanangco ang pagmamahal nito kay Jen.

Hindi siya martir. Tama na ang minsan siyang nasaktan. Kaya mas mabuti na rin ang siya ang umiwas at magparaya. Wala na siyang laban pa. Si Jen ang pinili nitong mahalin. Samantalang siya, narito at binubuhos lahat ng luha niya dahil sa sobrang sakit na bunga ng isang matinding kabiguan.

"Baka naman magpapaliwanag siya." Sabi naman ni Panyang.

"Wala na siyang dapat ipaliwanag. Hindi ako bingi. Narinig ko mismo na sinabi niyang mahal niya si Jen." Sagot niya sa pagitan ng paghikbi.

"Kawawa naman siya, Girl." Ani Allie. Tumayo siya sa kama at sumilip sa bintana. Naroon ito sa harap ng gate at paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya. Nakikita niyang inaawat ito nila Roy at ni Dingdong. Agad siyang tumalikod. Hindi niya kayang tagalan na makita pa ito. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili at babain niya ito. Pakinggan ang lahat ng sasabihin nito at tuluyan na naman siyang maniwala dito.

Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin. Hindi nga ba't nakapili na ito. Kung ganoon, ano pang saysay kung mag-usap sila? Ano pang halaga na marinig niya ang mga paliwanag nito? Lalo lamang niyang pasasakitan ang sarili. Napapagod na rin siyang umiyak. Panahon na siguro para isipin naman niya ang sarili.

"Olay, ikaw nang bahala sa kanya. Ayoko nang kausapin pa siya. Sobrang tanga ko na n'on." Wika niya.

"O sige, magpahinga ka na lang muna dito."

Paglabas ng mga ito ay saka siya napahagulgol ng iyak. Mahal na mahal niya si Vanni. Hindi niya alam kung paano nangyari. Basta nagising na lang siya isang araw na ito na ang isinisigaw ng puso niya. Ang akala niya ay ayos na sa kanila ang lahat nang gabi ng fashion show. Pero nang makita nito si Jen. Tila isang ipo-ipo itong biglang nagbago. Bigla ay iniwasan siya nito. Bigla ay daig pa nila ang hindi magkakilala.

She thought they had something special. She thought he is the man she's been waiting for. But everything was just a dream. Isang panaginip na kailangan nang putulin ng mga oras na iyon.


PANAY ang punas ng luha ni Olay. Nakapormal ang mukha nito at tila ba galit sa kanya. Pero pinapanood pa rin siya nito habang isa-isa niyang sinisilid ang mga damit niya sa maleta. Mamayang gabi na ang flight niya kasama si Janet Lee at Victor patungong Singapore kung saan gaganapin ang unang international fashion show ng nasabing designer.

Ilang beses siyang kinausap ng pinsan niya at ng mga kaibigan niya para magbago ang isip niya tungkol sa pag-alis niya. Pero talagang desidido na siyang umalis. Dahil ito lang ang alam niyang paraan para makalimot at alam niyang para din iyon sa ikabubuti ng lahat.

"Bakla, huwag ka na kasing umalis!" wika ni Olay nang hindi na ito makatiis. Kapag nagkataon, iyon ang pinakamatagal na panahon na hindi sila magkikita nito. Dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya mawawala. Sa tuwina ay palagi silang magkasama nito. Noong hindi pa sila magkasama sa bahay. Madalas naman silang magkita nito.

"Olay, kailangan. Alam mo naman 'yun eh."

Yumakap ito sa kanya. "Siraulo kasi ang Vanni na 'yan! Hindi ka naman magkakaganito kung hindi dahil sa kanya."

The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni CruzWhere stories live. Discover now