CHAPTER SIX

7K 154 9
                                    

"HAY... nakakapagod naman!" reklamo ni Madi.

Sumalampak siya ng upo sa malambot na sofa. Na-extend ang rehearsal ng fashion show ni Janet Lee. Nagkaroon kasi ng problema sa ibang mga models. Dahil sa kawalan ng disiplina, minsan ay nag-inuman ang mga ito. At dahil sa kalasingan, habang nagmamaneho ay naaksidente ang mga ito at kinailangan mai-confine sa hospital.

Ikalawang linggo na rin niyang wala sa Rio's Finest. At nami-miss na niya ang ingay doon. Ang masayang tuksuhan nila ni Abby at Mayet. Ang tawanan nila sa loob ng kitchen. Ang tunog ng mga sandok at kawali. Ang mabangong amoy ng pagkain. At higit sa lahat, nami-miss niya ang espesyal na lalaki sa buhay niya. Ang maamong mukha nito, maging ang mga ngiti nito. Ang mga biro nito kahit na minsan ay corny.

"Okay ka lang?" narinig niyang tanong ni Victor.

"Uy, ikaw pala. Oo naman." Sagot niya. "Nakakapagod lang."

Naupo ito sa kaagapay na silya. "Sinasabi ko na nga ba't model ka eh." Naroon sila pareho sa venue kung saan gaganapin ang fashion show.

Napangisi siya. "Surprise!"

"Bakit hindi mo sinasabi?" tanong ni Victor.

"I don't brag. Besides, part-time lang naman 'to. Mas gusto ko pa rin magluto kaysa rumampa."

Nagulat siya nang isa si Victor sa mga ipinalit na modelo. Maging ito ay nagulat din nang makita siya. Tanging si Roy lamang noon ang nakakaalam na nagmo-model siya nang aksidente siya nitong napanood sa rehearsal ng fashion show sa hotel kung saan gaganapin ang naturang palabas.

"Does he know?" tanong ulit ni Victor.

"Sino?" kunot-noong balik-tanong niya.

"Vanni."

"Nope." Usal niya sabay iling.

"Bakit? Alam mo bang halos mabaliw-baliw na ang isang 'yon sa kakaisip sa'yo. Miss na miss ka na ng kaibigan ko."

Ako rin naman eh... aniya sa isip. Ayaw niyang isatinig iyon dahil siguradong makakarating kay Vanni kapag sinabi niya. May pagka-tsismoso pa naman ang isang 'to.

"Ako mami-miss n'on? Ilang beses na ba siyang napahamak ng dahil sa 'kin. Hindi ako nami-miss n'on." Sagot niya.

"Promise! He terribly miss you."

"Tse! Echosero!"

Natawa si Victor sa sinabi niya. "Nahahawa ka na kay Olay ah."

Ngumiti siya. "Siyempre, malakas talaga makahawa ng kabaklaan ang isang 'yun. Pinsan ko pa man din siya."

"Guys!"

Napalingon sila sa malakas na tinig na iyon ni Janet Lee. "That's it for today! I'll see you on final rehearsal." Anunsiyo nito. Sa susunod na dalawang araw na kasi ang mismong Fashion Show ni Janet Lee.

Nagsitayuan na sila at inayos ang mga gamit.

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Victor sa kanya habang sinisilid nito sa bag nito ang mga gamit.

"Oo, pagod na kaya ako." Sagot niya.

"Tara, sabay ka na sa akin. Pauwi na rin naman ako eh."

"Baka magselos si Abby." Biro niya dito. Napapansin kasi niya ang kakaibang pagtingin ng babaeng iyon kay Victor. Hindi lang niya alam kung aware ang huli na hindi talaga tomboy ito.

The Tanangco Boys Series 3: Rio Vanni CruzWhere stories live. Discover now