Chapter Ten: The Prophecy

76 7 0
                                    

Chapter Ten: The Prophecy

.

Autumn's P.O.V.

'Aki!! Nakikita mo ba yung nasa leeg ko?'

'Hindi, ano ba meron?' Sabi niya. So ibig sabihin hindi visible to? Binasa ko naman kay Aki yung naka-sulat

'Your betrothed will trigger the things you never knew about yourself. Ano ba ibig sabihin non?'

'Oh? Hindi ko alam eh.'

'Yaan mo na nga.'

Lumabas na ako ng banyo, kailangan kong pumunta ng cafeteria, tatanong ko kila Serene kung nakikita nila to.

"Fall, okay ka na ba?"tuningin naman ako sa nagsalita. Si Rave?

Sino kausap nito? Sira ba to? Tsaka sino si Fall?

"Rave? Sino ba si Fall?"tanong ko

"Ikaw, diba Autumn pangalan mo?"sabi niya. Ahh...Okay gets ko na.

"Ayos ka lang ba?"tanong niya uli. Tumango naman ako.

"May nakikita ka bang tatoo dito?"sabi ko sabay turo sa may part ng leeg ko na may naka-lagay...

Tiningnan naman niya to, then umiling siya. Ah so ako lang talaga nakaka-kita.

"Wala naman eh."sabi niya. Kaya binale-wala ko nalang muna yung nasa leeg ko,  wala namang nakakakita eh.

"Hinintay mo ba ko?"

"Oo, baka kasi maligaw ka."

"Tara na?"naka-ngiti kong tanong. Tinanguan naman niya ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria...

Nang dumating kami sa cafeteria ay agad hinanap ng mata ko sila Ericka...

"Ayun sila"sabi niya sabay hitak saakin papunta sa table nila.

'Girl! Sila ba?'

'Mukha nga! Hindi naman ganyan si One sa iba eh'

'Bagay naman sila. Parang match-made in heaven!'

'Bagay nga sila! kaya lang nga kawawa yung babae!'

'Bakit?'

'Diba hinahabol ni Angel si One?!'

Hmnn... Am I considered lucky or not?

"Sige Fall. Doon na ko sa mga kasama ko."sabi ni Rave at umalis na papunta sa royalties...

He's nice, bakit kaya niya naisipan na tawagin akong Fall? Bukod sa Autumn is Fall...

"Yo Autumn! Saan ka ba nanggaling?" Sabi ni Drian.

"Nandoon ako sa field, nakatulog ako eh."sagot ko at tinawanan naman niya ko

"Sabi na eh! Ayaw kasing matulog nang maaga! Yan tuloy!"sabi pa niya

"Tama na yan, pakainin niyo na yan."sabi ni Serene. Umupo naman ako at kumain ako. Alam talaga nila na hindi ako kumakain ng maanghang at alam nila na kahit ano kakainin ko.

"Ano na nga pala nagawa niyo?"tanong ko sakanila

"Wala. Eto, balik na kami ni Drian sa normal"sabi ni Ericka? Paanong balik na sa normal?

Nahalata naman ata nila na naguguluhan ako

"Kasi may bet kami ni Serene. Kapag hindi kami nakasali sa 3-Selcouth, kaylangan maging 'fangirl' kami ng mga chosen royalties. Pero ngayong nandoon na kami, hindi na namin kailangang magpaka-gutom."explain ni Drian. Huh. So that was just a bet, akala ko totoo na eh

The Armentia's DescendantWhere stories live. Discover now