Chapter Twenty-Five: A Feast With Family

44 5 0
                                    

Chapter Twenty-Five: A Feast With Family

.

Autumn

After naming tatlo na mag-usap for I don't know how long ay tinawag kami ng isang maid at sinabi na kami nalang daw ang iniintay sa dinning room.

Pansin ko lang kanina pa nila sinasabi na mag ha-hapunan na, pero ngayon palang ako pupunta doon.

Kasabay kong lumakad papunta sa dinning room si mama at papa.

Honestly, they look so cute together. Parang si Gomez at Morticia Addams, pero malaki lang ang pagkakaiba sa taste at sa...lahat. Like light and darkness.

Ilang paglalakad pa ay huminto kami sa isa nanamang malaking golden double doors.

At this point, 'di na ko magtataka kung bakit inisip nila Prim na kuhain ang mga pinto, mukha namang hindi kulang sa ginto ang lugar na to. Maybe even the bathroom is made of gold. I haven't checked it out yet...

Binuksan nila ang double doors at nauna silang pumasok, habang ako ay sumunod sa kanilang dalawa.

"Everyone, we'd like you to meet Fall, our daughter." pag-anunsiyo ni papa. Natingin ako sa mga tao sa loob. 

Wow. Is this heaven? Ang gaganda nilang lahat, heaven defying. Walang mga kapantay ang mga looks.

"You look just like brother. My name is Juno, Dyana's mother. Just call me aunt or tita." Sabi ng babae na kamukha ni ate Dyana, katabi niya ay isang lalaki na mukhang asawa niya.

"And I'm Moon, her husband. Call me whatever you want." Sabi niya sabay ngiti saakin. 

"Nice to meet you po." Magalang kong sabi.

Sumunod naman sakanilang nagpakilala ay yung kamukha ni ate Azure.

"Hello Falll, I'm Elysian, your father's brother." pagpakilala niya, nagsalita naman yung babae na nasa tabi niya habang nakangiti, "And I'm Azura. Magulang kami ni Azure. It's so nice to finally meet you." Sabi nila.

Huli namang nag-pakilala yung dalawang tao na nasa gitna ng table, yung parang in-charge sa engrandeng palasyo na ito. Then nasa right side niya yung babae na kamukhang-kamukha din naman ni Prim.

"Fall, I am Alec, this is my wife, Clarion and I'm very certain that you've met two of my daughters, Primella and Sane." sabi niya and he smiled warmly. 

"You're all my family?" tanong ko sakanilang lahat. They all nodded and smiled.

I've never had a big family before... 

"Maupo ka na Fall, nang makakain na tayo." sabi ni Tita Clarion. Tumango ako at naupo sa tabi ni mama na kung saan katabi ko din si Prim.

"So cous, how do you like everyone so far?" tanong niya saakin pagka-upo ko sa tabi niya. 

Tumingin ako sa lahat, na nag-uusap usap na, at ibinalik ang tingin kay Prim.

"So far... I'm loving everyone." sabi ko at ngumiti, "Thank you Prim."

"Luh. Para saan?" tanong niya. 

"For everything. Wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa tulong mo." 

"Psh. 'kaw ba. Wala lang yun." sabi niya at bumalik na sa pagkain.

Hindi ko na siya iistorbohin dyan, alam ko naman kung hanggang saan kapacity ng appetite niya.

Pinagmasdan ko sila habang kumakain...

Parang normal lang sakanila yung ganito... Nag-gagather together.

Tapos ang sinabi pa ni Winter na kasinungalingan noon ay palagi daw silang seryoso. Mukhang hindi naman at nagtatawanan pa nga sila.

Maalala ko, may sinabi din siya kay Galadeus. Siguro mali din siya doon. 

Pero hindi naman dapat pagbasehan ang mga sinabi ni Winter at hindi naman siya ang totoong anak nila mama at papa. Sigurado din ako na hindi pa nakaka-punta si Winter dito.

Speaking of dito, napag-alaman ko kanina na nasa mga ulap kami. Literal kami na nasa langit.

Na-explain din nila saakin na hindi soul ko ang umakyat, kundi ang katawang panlangit ko. Then again, I still have a lot to learn. Kaya naguguluhan man at maraming tanong ay kailangan ko muna i-take in ang mga 'to. Maiintindihan ko din lahat.

"Looks like hindi mo namana ang kalakasan sa pagkain ng pamilya natin Fall." sabi ni tita Juno.

"Ah opo, nahalata ko nga po noong kasama ko si Prim."

"Well to be honest, satingin ko ay wala naman sa genes yan. Dahil lang sa paraan namin. So kaya ka normal ay hindi ka lumaki dito tulad nila." sabi ni tito Elysian.

That is a possibility...

"How's Drealods doing Fall? Maayos pa ba?"tanong ni tito Alec.

"Nang umalis po ako ay maayos pa, hindi ko lang po alam ngayon kung ganun parin." Sagot ko. Feeling ko nga nagsimula na yung war at baka wala na yung school.

Pero hindi naman siguro, sana lang, ligtas sila doon.

"Hmm... Oo nga pala malapit ng matapos yung sa iyo..." Sabi ni tita Clarion.

"I believe after that happens you'll have to make a choice." Sabi ni papa.

A choice? What choice?

"Wag mo nalang muna intindihin 'yon Fall. Ang importante ngayon ay matapos mo lahat ng gagawin mo." Sabi din ni tito Moon.

Hmm... Feeling ko malaking choice yung sinasabi nila.

"Kumain ka pa Fall. Hindi ka naman nila na-spoil sa pagkain dati eh. Pambawi nalang." sabi ni ate Dyana. Natawa naman ako sa sinabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Maya-maya nang matapos kumain ay ni-tour nila ako sa loob ng palasyo.

Lahat ng pinto gawa sa ginto, tapos yung iba sa dyamante.

"Fall remember to get up early tomorrow, you're gonna meet Galadeus." rinig kong sabi ni mama mula sa likod ng pinto.

Tumango naman ako unconsciously.

Does she mean THE Galadeus? Yung gumawa sa lahat?

Ang highest form of celestial being?

Sa pagkaka-alala ko, sila Serene ay kay Galadeus din.

And though Winter said that Galadeus was intimidating, she might be, pero alang kong iba si Galadeus.

Sandali... I'm meeting who?

The Celestial Goddess of everything? 

The Galactical Goddess?

Oh my gosh. Ngayon ko lang na-realize.

D-do I need to prepare something? Kailangan ba bukas na? What if hindi niya ko gusto? Tapos i-patapon nalang nila ako sa malayo.

Hindi naman siguro no? I'm overreacting. Hindi naman ganon si Galadeus.

I'll just be my best self tomorrow.

Wish me luck.

The Armentia's DescendantWhere stories live. Discover now