Chapter Twenty: Venfious Berries

47 5 0
                                    

Chapter Twenty: Venfious Berries

.

Tiningnan ko naman yung mga baraha na ibinigay saakin ni Prim...

Nag-riring nanaman yung baraha na may mukha niya.

Pinindot ko yung kulay green at lumabas doon si Prim.

"Oh hello Mads! What a nice day!" sigaw niya.

"Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?"tanong ko nginitian naman niya ako.

"Soooooo Mads, have you recieved the berries that I sent?"tanong niya. Berries? Anong berries?

Yung binigay ba nung chef?

"Ito ba?"tanong ko at tinaas yung basket na may laman ng berries, mostly sa mga berries ay kulay green parin, pero yung iilan ay may medyo nagiging blue na ang kulay niya.

"Oo yaan! Buti nakuha mo na!"sabi pa niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit ano ba meron dito sa mga berries na to?"tanong ko.

"Mads, don't eat those berries kung hindi pa sila hinog. Yan ang Venfious Berries, masarap yan kinakain ko yan once every six months since matagal mahinog. Pero since malapit na mahinog yung iyo, ilang araw nalang or something, pwede na yan kainin." Mahaba niyang paliwanag.

"Ano naman mangyayari kapag kinain ko 'to tapos hilaw pa pala siya?" tanong ko.

"Poison." sabi niya.

Lason? Ang dangerous naman ng Venfious Berries.

Tumawa siya, "But don't worry Mads, same effects lang din kapag kinain mo ng ripe. Just remember to eat it, immediately kapag nahinog siya, kahit isa lang."

"What? Why? Edi malalason lang din ako?"tanong ko. Tumawa ulit siya.

"Yes po, kaya lang iba ang mangyayari sayo kapag nalason ka ng Venfious Berries, dahil para sa katulad lang natin ang mga ito. Walang epekto satin ang lason niya." sagot niya...

Katulad natin? Anong ibig niyang sabihin?

"Ok Mads buh-bye! Tinatawag na ako nila V!" sabi niya at bago patayin ang tawag ay pinakita niya yung mga kaibigan niya. Binati ko naman sila at ganun din sila.

Ang cute nila nyahaha.

At ang pale parin ng skin ni V at ganun parin mga buhok nila.

Mage nga rin pala majority sakanila.

Enough about that...

Tumingin ako sa pwesto kung nasaan ang mga poiso—I mean ang mga Venifious Berries...

Halos blue na talaga ang ibang mga bunga....

Looks like by tommorrow or the next day ayos na sila kainin. I am looking forward to it. Kahit sabihin na may lason nga.

I wonder how they'll taste like? Sweet? Sour? Bitter?

Sana matamis nalang.

****

"Ms. Smith, pinapabigay po ng hari at reyna." tawag ng babae na nasa likod ng sarado kong pinto.

Umupo naman ako sa pagkakahiga sa kama. Kanina ko pa pinagmamasdan yung mga berries. Para silang kumukinang kapag nasisinagan ng buwan, pero baka hallucination ko lang yon.

Binuksan ko ang pinto at bumungad saakin ang mukha ng isang babae.

Isang palace maid?

"Ano yun?" tanong ko sakanya.

Nginitian niya ako at inabot saakin yung box na hawak niya.

"Pinapabigay po ni Queen Sylar at King Harold..." savi niya then nagpaalam na aalis na.

Pinasok ko naman yung box sa loob ng kwarto ko, kulay itim yung box na may gold na ribbon.

Ang mahal tingnan nung box, kala mo gawa sa ginto at dyamante na kulay itim.\

Baka naman bomba 'to.

Maingat ko namang tinanggal sa tali yung ribbon na perfect na nakalagay sa box at binuksan 'to.

"Oh my galadeus. Kwintas ko!!"

Kaagad kong kinuha mula sa box yung kwintas ko at sinuot at naging katulad na ulit ng dati yung buhok ko. Hindi na siya yellow, red o kung ano pa man!

Wow. I can't believe they really took it.

I wonder kung ano ang sinabi nila kay Winter para ibigay 'to.

Biglang namang lumiwanag sa kwarto ko.

Ano yun? Bakit ang liwanag? Kinukuha na ba ko ng langit?

Tumingin ako sa source nito at nakita ko ang Venfious Berries na umiilaw, pero isang prutas lang ang umiilaw.

"Huh? Ano nangyayari Aki?" Tanong ko kay Aki na nasa balikat ko.

"Nahihinog na yung isang bunga." Sabi niya.

Napaka-extra naman palang mamunga ng Venfious Berries.

Di nagtagal ay nawala lung liwanag niya at nag-glow nalang siya ng very light.

Huh. So ganito ang itsura ng venfious berries kapag nahinog.

Interesting...

****
Nang magising ako kinabukasan ay agad ko'ng tiningnan ang mga Venfious Berries.

Hinog na lahat, nag g-glow na lahat ng bunga.

Nag-nagdrawing naman ako ng plato at nang maging totoo ang plato ay doon ko nilagay ang mga bunga ng Venfious Berries...

Naging kulay Bluish-purple na ngayon ang mga hinog na prutas at may glow pa sila. Kasing laki na din sila ng mga lime.

Kumuha ako ng isa at tinikman 'to.

Hmmmn... Masarap naman pala. Matamis ang Venfious Berries, di ko mai-explain ang lasa pero mas masarap siya kumpara sa lahat ng prutas na natikman ko na.

"Aki diba may lason 'to? Bakit parang wala naman?" Tanong ko kay Aki na mukhang gusto din ng Venfious Berries.

"Oo. Baka mamaya ang effect niya?" Sagot naman niya. Nag-shrug nalang ako at i-binulsa pa ang isang berry.

Naabutan ko sila Ericka, Drian, Serene at Angelian na nasa labas ng pinto ko pagka bukas ko ng pinto.

"Guys? Ano meron?" Tanong ko sakanila. Napa kamot nalang si Drian sa ulo niya.

"Kakatukin ka sana namin pero nahiya kami baka tulog ka pa, kaya hihintayin ka nalang sana namin."

"Sus. Dapat iniwan niyo nalang ako, susunod naman ako papunta sa training room." sabi ko.

"Actually, isa yon sa dahilan kung bakit ka namin hinihintay." sabi niya Ericka. Huh? Ano naman ang kailangan ng mga ito?

"Ano meron?" Tanong ko sakanila.

"The council and the rulers are arguing, hindi namin alam pero feeling namin about 'to kay Winter. She's missing now, nowhere to be found." sagot ni Angelian.

"And also pati narin yung sa Magic Training, mas lumaki yung issue about don." Sabi din ni Serene.

Oh yeah... nagkaroon si Angel B ng dark magic sa panahon na 'yon at siya ay galing sa Magic Training na handog ng isang side ng council. I wonder what happened to her...

'"Hey do you think they did kill her like what we had originally planned for her."

Nagka tinginan kaming lima sa sinabi ni Ericka...

I'm sure they won't do that to their long lost grandchild. They didn't right?

Did they?

The Armentia's DescendantDonde viven las historias. Descúbrelo ahora