Chapter Twenty-Six: The Galactic Goddess

54 4 0
                                    

Chapter Twenty-Six: The Galactic Goddess

.

Dawn

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nilibot ang lugar or more like nag-stay ako sa garden.

I was initially going to explore by myself, pero parang hinatak ako sa garden.

I dunno, it feels calming here.

Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil mamaya ay haharap ako kay Galadeus. Highly nerve wrecking, but I have to do it. Hindi naman niya ako ipapa-tapon sa malayo kapag di niya ako nagustuhan, hindi naman siya siguro ganon ka-unreasonable.

"Ate Fall! Kanina pa kita hinahanap! Akala ko nalaglag ka na." Sigaw ni Prim mula sa entrance ng garden. Lumapit siya saakin. "Halika na ate Fall, kumain na tayo ng umagahan." Sabi niya, sumangayon naman ako at naglakad na kami paalis ng garden at pumunta na a dinning room.

Pagka-arrive namin doon ay kakarating lang din nila tito Elysian at tita Azura, pati na din si ate Dyana.

"Nandito na ang lahat, pwede na tayong magsimulang kumain." Sabi ni tito Alec.

You know it seems like he is the head of the family. Well they do sometimes call them King Alec and Queen Clarion or simpleng Queen at My King, tinatawag nilang lahat ng ganon sila tita Clarion, pati na rin si mama at papa, pero madalas biruan lang yung tawagan nila, but from the looks of it, I think they rule this kingdom.

Nagsimula na kming lahat na kumain at tulad ng kahapon ay nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan sila.

Saan kaya nakuha ni Winter yung idea na palagi silang seryoso? Ang saya kaya nilang tignan habang kumakain.

Nang matapos kaming kumain ay sinabihan nila ako na bumalik nalang muna sa kwarto ko. Aayusan daw ako mamaya at dadalin na din daw ng mga maids yung damit na susuotin ko papunta kay Galadeus.

Parang bumalik na tuloy ulit yung nerbyos ko, ime-meet ko na si Galadeus mamaya. Mga kapananghalian daw kami don, or ako lang. Bale doon ako mag lu-lunch at bukas na din ang balik ko dito, then kinabukasan ay babalik na ako sa Drealods Dimension, or yung dimension na kinalakihan ko.

Di nagtagal, pagkatapos kong maligo ay mayroong kumatok sa pinto.

Yun na siguro sila.

Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin yung mga palace maids.

Ipinasok nila yung dress na susuotin ko, mahabang dress siya na kulay puti ng may halong blue, na parang kakulay ng tubig. Alam kong transparent yung tubig pero ang ibig sabihin ko ay yung kulay ng tubig kapag sama-sama sila.

"Princess Fall, nandito po kami para ayusan na po kayo." sabi ng parang pinuno nila. Nginitian ko sila at tumango na.

"Princess maupo po kayo dito." Magalang na sabi ng isa sakanila. Sumunod ako sa sinabi niya at sinumulan na nila na ayusan ako.

****

"Are you ready Mads?" tanong ni Prim saakin. Whatever happened to 'ate Fall'? Na-mimiss ko na yon.

"Akala ko ate na ang itatawag mo saakin?"Tanong ko, tumawa siya.

"Na-miss ko na tawagin ka ng Mads eh." Sabi niya

"Halika na ate Fall, sasakay na tayo sa karwahe papunta sa kingdom ni Galadeus."

Bigla namang nay nag-land sa harap namin na isang limosine.

So by karwahe she means a limo.

Sumakay na kaming dalawa sa loob ng limo at umandar kaagad ang sasakyan pagka-pasok namin.

The Armentia's DescendantOnde histórias criam vida. Descubra agora