Chapter Fourteen: The Outcome of Veanise

54 4 0
                                    

Chapter Fourteen: The Outcome of Veanise

.

Autumn

"Serene! Ano na ang gagawin natin?!"

Aish. Ano ba yan. Ang ingay ni Angelian. Talagang ngayong natutulog ako tsaka sila nag sigawan.

"Kailangan muna niyang magising bago tayo mag desisyon."

"Pero Serene! Paano kapag hindi siya magising ngayon?!"

"Parusa."

Napa-dilat naman ako nang hindi na sila nag sasalita.

"Autumn!!"Sigaw ni Angelian sabay lapit saakin. Anyare?

"Autumn. Buti gumising ka na."sabi ni Serene. Parang ang laki ng tinik na nabunot sakanila ah.

"Teka lang. Bakit kayo nandito? Tsaka dito pa talaga kayo nagsigawan, ano nangyari?"

Mukha namang nagulat yung dalawa sa sinabi ko. Eh?

"Hindi mo naaalala ang nangyari noong last Thursday?"tanong ni Serene. Ano ba nangyari kahapon?

"Bakit ano ba meron kahapon?"tanong ko. As far as I know nag le-lesson lang buong araw... May iba pa bang nangyari kahapon?

"You don't remember? Linggo na ngayon."

"What."

Pilit ko naman inalala ang nangyari noong Thursday.

Oh no... Hindi panaginip yon?

"N-nasaan na si F-frel?" tanong ko sakanila. Bigal namang nag pakita si Agatha sa tabi ko.

"Nasa isang ligtas na lugar siya, nag papagaling. Kaya wag mo na siyang alalahanin, babalik din siya kapag magaling na siya." tumango nalang naman ako sa sinabi ni Agatha.

"Ano ba yong ginawa ni Veanise?"tanong ko.

"Dark Magic ang ginamit niya. Hindi namin alam kung saan niya yon nakuha, kaya hanggang ngayon ay iniimbestigahan siya nila headmistress."sabi ni Serene.

"Hindi ba ang kaya lang humawak ng Dark Magic ay mga dark mages?"

"Oo. That's why headmistress is investigating where the dark magic came from." sagot ni Angelian.

"Pero ano ba ang nangyari pagkatapos mawala ni Frel? Wala na akong maalala pagkatapos non."tanong ko sakanila.

"So ibig sabihin hindi mo alam ang mga pinag gagawa mo pagkatapos mawala ni Frel?"gulat na tanong saakin ni Agatha.

"Hindi. Ano na ba nangyari?"

"Oh wow."sabi ni Angelian. Bakit?

"Hello guys!"tumingin naman ako sa nagsalita.

"Prim?"

Anong ginagawa ni Prim dito?

"Prim?!"gulat na sabi nung tatlo.

"Ah. Ito si Prim, kaibigan ko. Prim eto si Agatha, Serene at si Angelian. Mga kaibigan ko din." pagpakilala ko sakanila.

"Hehehe. Pwede po bang lumabas muna kayo? Kakausapin ko lang po si Mads."sabi ni Prim. Lumabas naman ang tatlo.

Pagkalabas naman nila ay kagad naman akong binatukan ni Prim.

Ouch.

"Para saan yon?"tanong ko sakanya.

"Why did you let your emotions empower you?"

"What? Ano ba nangyari?" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.

The Armentia's DescendantWhere stories live. Discover now