Chapter Twenty-Two: Leaving For A While

51 5 0
                                    

Chapter Twenty-Two: Leaving For A While

.

Serene

Isang araw matapos ang pagka-'coma' ni Autumn dahil sa 'lason' ay tuluyan nang nahati ang council. 

Kumbaga umalis na yung mga Yin at ang natira nalang ay yung mga Yang at ang lima pang other members ng council.

Though ang lima ay walang nakaka-alam o nakaka-kita kung sino, bukod sa hari at reyna, ay nag bigay sila ng mga armas na tutulong daw sa side ng mga good mages.

Right now, we are on the training grounds. The academy postponed the school days so that everyone in the academy can be with the safe graces of their loved ones, at of course, nag bigay din ang mga academy ng proposal na sumali ang mga students para sa war, but only the ones who are about to graduate at yung mga sa susunod na taon ay ga-graduate na.

Every corner na lumingon ka ay may makikita kang training camp o di kaya naman ay mga mage na nag-tratraining, ng magic at ng physical abilities. 

"Nandoon pa rin ba si One kay Autumn?" Tanong ni Harrison, sumagot naman si Angelian

"Oo. Hindi nga kami makapasok eh. Nandoon siya."

"Ang galing ha. Masyado naman yata siyang nahulog sa prinsesa." Sabi ni Harrison.

"Hindi niya pwedeng iwan siya. She is a special case, he needs to be there for her or one of them will get weak." Sabi ko sakanilang dalawa. Napa-'ahh' naman sila sa sinabi ko. 

Tss. Mga hindi kasi nakikinig sa mga mission givers. 

Well actually, hindi ko din naman sila masisisi, ang boring magsalita nung mga mission givers, ako lang yata ang hindi nakaka-tulog sa mga boses nila.

"Doon nalang si One hanggang sa bumangon na ulit si Autumn?" Tanong din ni Angelian, tumango naman ako. 

"Kailan ba siya babangon?" Tanong din  ni Harrison, napag hahalataan talaga yung dalawa na hindi nakikinig sa mga facts na sinabi noon.

"2 to 3 days from now, she still needs to fully consume the Venfius berries before she can get up there." Sagot ko sa tanong nila

"Serene, tingin mo. Bukas kaya, nasaan na si Autumn?" Tanong saakin ni Angelian na nasa tabi ko. Tumingin ako sa taas...

"Probably up there."

Iniwan ko nalang yung dalawang mag pinsan doon para mag-usap. 

That reminds me, hindi parin nahahanap si Winter, though ang expectations namin nila Angelian ay nasa Dark Palace na siya, hinahanap parin siya ng hari at reyna sa lahat ng lupa na sakop ng kingdom. 

I hate her. She even had the audacity to say that the creator was harsh and scary. Where in that pure looking face did she get that?

Don't even get me started with her supposed to be 'Armentian Godsword'. Konti nalang noon mamamatay na ako sa kakapigil sa tawa ko, good thing nalang na straight parin yung face ko kahit na ganun nalang ang sinasabi niya.

Banamang ang naka-lagay sa sword ay kapag translated sa Tagalog ay 'Peke ang espada na ito at pati rin ang may-ari.' 

Words do tell the truth.

.

Autumn

"Psst! Maaads!"

Nagising naman ako sa ingay ng tumatawag saakin. Wala naman kaming klase ah, bakit ginigising ako?

"Maaads! Hellooooooo! Gising ka na ba?"tanong ng nang gigising sakin. 

Inis ko namang iminulat ang mga mata ko at kaagad silang nanlaki.

"Prim? Bakit nandito ka? At bakit ka din naka tagos sa pader?" tanong ko sakanya. Paano ba naman eh naka-dungaw siya sa dingding, ang kita mo lang sakanya ay yung mukha niya kaya parang may lumulutang na ulo dito.

"Duh! Wala ka bang naaalala?" tanong niya...

Ah! Oo nga pala! Ang huling naaalala ko ay napaka-liwanag at wala na akong maalala pagkatapos

"Look behind you cous." sabi niya, sinunod ko naman siya...

Holly..

My body is right there. What the?

"Aww look, boyfriend mo po?"tanong niya, napatingin naman ako sa taong nakatabi saakin. Natutulog siya ng naka-upo.

W-what's he doing here? Binabantayan niya ba ko?

"Ayieee kinikilig~!" pang-aasar ni Prim, hindi ko naman siya pinansin at naupo sa kama ko.

"Would you like to explain?" tanong ko sakanya.

"Ah oo nga pala. Since nagising ka na ay ibig sabihin ay na-consume mo na yung Venfious Berries."

"So ano na ngayon mangyayari saakin?" 

"Well may pupuntahan tayo, kaya mag paalam ka na sa boyfie mo bilis na." sabi niya at parang tinaboy-taboy pa ako.

"Bye bye Rave, ingat ka dyan. Wag mo ko alalahanin." sabi ko at tiningnan si Prim na may napaka lawak na ngiti.

"Ay iba! Hindi itinanggi na boypren si Zackary!" sabi niya hindi ko na siya pinansin, hindi naman siya titigil sa pang-aasar eh. Kahit sa mga kaibigan niya inaasar din niya.

"Goodbye Fall, come back soon."

WHAT THE-?

"R-Rave??" tanong ko, dumilat naman siya at tiningnan ako.

"Come back soon. We'll miss you." sabi niya. Hilo ba to? Paano niya ako nakikita?

"Don't question it Fall, you'll know it soon." sabi niya. 

"Okie! That's enough now! Baka kung ano pa po ang masabi niyo at mai-spoil si Mads!" sabi ni Prim at tumingin pa sa wrist niya na kala mo tumingin ng oras.

"Time is up. We need to go." 

"Bye Rave, see you soon." sabi ko, nginitian naman niya ako.

"Goodbye Fall."

.

A/N: You guys don't know how long I've been waiting to kill Autumn. Grabe. Buti nalang nagawa ko na hihe.

The Armentia's DescendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon