MWH (part 1)

1.3K 24 0
                                    

REENA'S POV.

Wow as in Wow, super- Pwe.........papasukan pa ata ng langaw ang bibig ko? Ano akala ng langaw sa bibig ko imbornal?.....

'Hhaaaa.. hHaaAa...Hindi naman mabaho hininga ko diba??

Pero dinga? Ang ganda ng paaralan na ito, Nakita ko na naman na sya sa picture ng pinapapili ako ni papu at mamu ng school at hindi ko akalain na mas maganda sya sa personal at sooOobrang laki.....

Anyway......i'm Reena Isabela Perez. I'm 15years old and this is the first time na papasok ako sa paaralan- i mean, i'm home school since grades school at ito ang unang beses na makakalabas ako sa tirahan namin unang beses na makakasalamuha ako ng ibang tao, maliban sa mga magulang ko at kila yaya......ay meron pa pala si utak......

Yes si utak... ang kaisa isa kong pinsan na mukhang ipinaglihi sa kasamahan at sobrang sungit. Matalino nga lang......

"Hey, get inside"

He is Brain Zin Perez. His father is my father's older brother, hindi ko alam kong ano ang istorya ng buhay ng utak na iyan, basta ang alam ko lang ay namatay sa car accident ang mga magulang nya at sila papu at mamu na ang kumopkop dito.

Kainis. Naputol ang pagpapantasya ko habang nakatayo sa harapan ng gate ng paaralang papasokan ko ng sitahin ako ng masungit kung pinsan.

Bakit sya pa kasi ang naghatid sa akin? Andoon naman si manong ariel, bakit itong tuyo ang utak pa na ito ang nandito?

Nilingon ko lang si kuya sungit saglit at binelatan lang ito, bago ako patakbong pumasok nasa loob.

Patalon talon ako habang naglalakad sa hallway at paminsan minsan ay nakadipa pang umiikot, hanggang sa hindi sinasadyang may nakabungguan ako.

"What the?" Sabi ng magandang babae- kaya lang mukhang masungit??? Sayang maganda pa naman......TURN OFF

"Sorry, hindi ko sinasadya" Hinging paumanhin ko sa nagawa ko habang nakatungo sa kahihiyan.

Hala sige...... ikot ikot lang reena, ikot ikot-

"Stupid" Naiangat ko ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi nya, kaya lang bago pa ako makapagsalitang muli ay nakalayo na ito sa harapan ko. Sayang tatanungin ko pa naman sana......

'Paano nya nalaman?

Bahala na nga... kailangan ko ng bilisan sa paghahanap kung saan ang registrar office, para malaman kong saang section ako mapapasok.

Kaya lang mukhang nanadya ang pagkakataon at hindi ko ito mahanap? Sabi ni kuya ay malapit lang ito sa may gate at nasa mismong harapan, kaya hindi daw ako mahihirapang hanapin. Kalokohan ang kingina.......

Kanina pa ako paikot ikot sa buong campus ay hindi ko talaga makita.

Nagtanong naman na ako, kaya lang kaparehas lang ng sinabi ni kuya ang tinuro nila saakin.

'Pagkapasok mo sa campus, matatanaw mo na ang registrar office'

Ang ginawa ko ay bumalik ako sa harapan ng campus at ginawa ang sinabi ng pinagtanungan ko.

Kaya lang anak ng lintik, puro puno ang nakikita ko? So nasaan ang opisina?

'Malapit lang sa may entrada ng school'

Nagbakasakali akong magtanong ulit at pumunta sa sinasabi nyang lugar, bumalik ako sa harapan ng campus at nagsimulang maghanap na naman.

Isang malutong na lintik, dahil ang pinakamalapit na building sa may entrance ng school ay canteen?? So ano to? Lokohan?

My Weak HeartWhere stories live. Discover now