MWH (Part 104)

11 2 0
                                    

Seb'S POV.

Sobrang saya ko ng marinig na hinihintay ako ng aking asawa sa may kanto ng isla.

Kahit pa hindi ito tumuloy sa looban ay kuntento na ako.

Pero hindi ko alam na ang sayang nararamdaman ko ay mapapalitan pala ng paghihinagpis.

Inabot kami ng ilang oras sa paglalahad nya lamang ng buhay ko at kung paanong nauwi ako sa ganito.

Simple lamang daw ang buhay na meron ako noon.

Hanggang sa makilala ko sya.

Naging masaya ang pagsasama namin.

Limang taon kaming magkaibigan at tatlong taon naring kasal, bago nangyari ang aksidente.

Aksidente? Pwede ko bang tawaging ganoon iyon ngayong alam kong sinadya ang nangyari sa amin? Ang nangyari sa aking mga magulang?

Tatlo kaming sakay ng sinasakyang gamit namin pauwing bahay ng mangyari ang aksidenteng kumitil sa buhay ng ama at aking ina.

At dahil daw hindi pa nahuhuli ang mga salarin ay hinfi daw ako pupweding lumuwas ng maynila.

Ang alam daw nila ay patay narin ako.

Walang kasing sakit na marinig na wala na ang aking mga magulang at ang kaisa isang taong pupwede akong damayan ay wala sa aking tabi.

Kung saan saan napunta ang iniisip ko habang binibalot ko ng tela ang aking kamao.

Siguro ay naligaw na sa daan si pablo at hindi pa ito dumarating.

Nakauwi na ang mga kaibigan namin ay wala parin sya.

Pagkalaan ng ilang minuto ay tsaka lamang ito sumulpot na akala mo ay hinabol ng multo.

Hinahabol ang hingang inabot sa akin ang dala bago isinara ang pintuan.

Tumungo sya sa tapat ng lamesa at nagsalin ng tubig.

Hinayaan ko muna itong makabalik sa ulirat bago ko sya tinanong.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko"

"Ano?"

Parang walang paki alam na tanong ko habang pinapalitan ng benda ang aking kamay.

"Si reena? iyong buntis? Iyong alaga ni ol-"

"Oo. Bakit ba?"

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko ngayon ay parang hindi na nya kayang tumanggap pa ng mga panibago.

"Hindi makakita"

"Gabi na kasi"

"Bulag sya"

At ayon ikinwento nya ang buong pangyayari kung paano nya ito nalaman.

Oo at nabigla ako.

Sa kung paano ito kumilos sa ilang buwang dumating sya ay hindi manlang namin napansin-pero wala na ako doon.

"Oh singsing mo. Kung saan saan mo nalang naiiwan, lagot ka nyan sa asawa- oo nga pala? Bakit parang ang lungkot lungkot mo?"

Sa haba ng sinabi ni pablo ay wala akong naunawaan.

Pagkakita ko kasi sa singsing na nilapag nya ay agad kung kinapa ang nasa bulsa ko at nandoon naman ito?

Ano itong nasa harapan ko?

"Saan mo ito nakuha?"

"Ha? Alin?"

"Ito" Sabay taas at pakita ko sa singsing na inabot nya.

My Weak HeartWhere stories live. Discover now