MWH (part 18)

166 3 0
                                    

Reena'S POV.

Talagang iniwasan ko silang lahat kahapon, maski na si luke na gusto kong makausap ay iniwasan ko narin.

Bwisit na drex kasi iyan. Minsan na nga lang ako kausapin ng masinsinan nakakatanga pa ang pinagsasabi.

Sinadya ko talagang hindi pumasok ng maaga, para makaiwas sa kanila.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at wala na naman si maam selvia? May sakit daw kasi ito ayon sa narinig ko mula sa kaklase kong nakasabay ko sa pagpasok sa gate.

So ano? Useless ang hindi ko pagpasok ng maaga? May oras si drex para inisin ako, may oras si lance para kulitin ako? May oras si phoebe mae para interogahin ako? May oras si patric para makausap ako? May oras si phoebe ann para payuhan ako? May oras si raven para konsintihin ako? At may oras ako para isipin si luke- ay hindi bakit nasali sya dito?

Dahil nasa teretoryo na naman nya ako.

Bakit ba kasi parang may sariling isip ang mga paa ko? Mabuti nalang at wala dito si haring sungit kundi iisnabin na naman nya ako o dikaya susungitan.

Nakakamis din palang tumambay dito? Yung kitang kita mo ang kulay asul na kalangitan? Tapos ang ganda pa ng mga hugis ng ulap?

"HhAaaaaaYyyyy"

Mahabang  pagkakasabi ko sabay dipa ko ng dalawang kamay ko at umikot ikot pa, hanggang sa napansin kung may nakatayo hindi kalayuan sa akin.

Kanina pa ba sya dito? Paanong hindi ko sya nakita kaninang pagdating ko?

Kahit pa nahihilo ako sa ginawa kong pag-ikot ikot ay sinikap kung tumayo ng tuwid para makaalis kaagad sa lugar na ito, bago pa nya sabihing umalis ako.

Langyang buhay to....

Muntikan pa akong mapasubsob sa sahig dahil sa pagkahilong nararamdaman ko, mabuti nalang may nahawakan ako para hindi matuloy ang mukha ko sa paglanding sa sahig.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may humahatak na sa akin patayo.

"Salamat-" Gumagalaw? Tao ang dahilan ng hindi ko tuluyang pagbagsak? Imposible.

Agad kong iniangat ang paningin ko sa taong tumulong sa akin at ganoon nalang ang pagkagimbal ko ng makita kung sino ang taong ito.

Hindi naman sya tumawa o ngumiti? Tinulungan nya lang ako ngayon lang? Lagi ko naman na syang nakakakatabi dati noong ayos lang sa kanya na samahan ko sya dito at sa canteen? Pero bakit parang nag slow mo ang lahat ng makita ko sa malapitan ang seryosong kulay kayumanggi nyang mga mata na nakatitig ngayon sa akin.

Tanginang drex ka, dahil sa kanya to kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

Mabilis na inayos ko ang sarili at maglalakad na sana paalis ng mapagtanto kong nakahawak parin sya sa braso ko.

"Sa......lamat nga pala" Nilingon ko sya ulit para sabihin iyon at dahan dahang tinanggal ang pagkakahawak sa akin.

Palabas na sana ako sa pinto ng mapahinto ako sa narinig kong sinabi nya.

"Don't come here ever again"

Pagmamay-ari mo ba ito?- ang sarap sabihin eh, kaya lang wala akong lakas ng loob dahil sa pambihirang nangyari kanina?

Iniingkanto na ata ako.

Wala naman na akong balak na pumunta pa dito, mas maganda pa nga iyong bago kong tambayan kesa dito.

Mas gusto ko pa nga doon kesa dito, doon makulay ang buong paligid, eh dito sa tamabayan nya? Katulad lang din ng buhay nya na walang kakulay kulay.

My Weak HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon