MWH (part 10)

200 3 0
                                    

Reena'S POV.

He leaved me dumbfounded that day. Dahil sa mga sinabi nya hindi ako pinatahimik ng kaluluwa- ay este isip ko pala.

Nakatulugan ko na nga ata kahapon ang pag-iisip kung ano ang ibig nyang sabihin?

"Hindi halatang hindi ka nakatulog nyan?" kanina pa itong lalaki na ito eh, lakas mang-asar- byernes na byernes ang lakas mamg imberna.

"Is it about that guy....patric?"

Masamang tingin ang pinukol ko kay kuya pero tinawanan lang ako.

Paano pumasok sa usapan si patric? Ni hindi nga sa sya sumagi sa isip ko?

"Fine... fine.... later nga pala susunduin natin sila tito at tita"

Mapang-asar parin na wika nito sa akin bago tumayo na at umalis sa hapag.

Mas gusto ko pang makasabay sa hapag ang masungit na brain, kesa mapang-asar na brain. Hindi ka kasi makakain ng matino dahil sa pangungulit nya.

"Miss R.I may tumatawag po sa inyo"

"Salamat" kinuha ko na ang phone ko sa isa naming taga pagsilbi at tumayo na dahil tapos naman na din ako pagkain.

Bago pa ako makarating sa sala ay sinagot ko na ang tawag sa akin, baka si importante.

"Hellow?"

[...]

"Sino to?"

[...]

"Kung sino kamang kumag ka wala akong oras makipag lokohan sayo....

Bwisit na yan.....ang agang mambwisit, buti nalang nakapag agahan na ako kundi baka nawalan pa ako ng ganang kumain.

From: 0963*******

Diba ito iyong number na tumawag sa akin? Ano naman kaya ang trip nito?

Binuksan ko ang message na dumating sa akin at binasa ang laman nito.

'Thank you......'

May saltik pa ata ang taong ito? Hay nalang kawawa naman si ate o sino mang nilalang ito, ma'replyan na nga.

'Your Welcome'

Iniwan ko sa sala ang phone ko at ginawa ang araw araw na routin ko tuwing umaga.
Kinuha ko sa kulungan nya si george at isinama ito sa paglilibot sa labas ng bahay.

'Miss R.I kumusta po kayo?'

'Good Morning Miss R.I'

'Mag-iingat ka sa daan Miss R.I'

At kung ano ano pa ang mga naririnig kung pagbati na ginagawa ng mga trabahador sa lugar namin.

Hindi man ako nakakalabas ng bahay ng ilang taon, hindi naman nagkulang ang mga nakapaligid sa akin na iparamdam na mahal at importante ako sa kanila.

"Miss R.I gusto mong mangga?"

Isang batang abot hanggang bewang ko ang lumapit sa akin, habang may manggang hilaw na bitbit ito sa kaliwang kamay.

Sya si anita, anak ng trabahador namin na syang nag-aalaga sa mga pananim dito sa lupain namin.

"Pahingi nga ako"

Nilabas nya sa supot nya ang isang mangga at iniabot sa akin na agad kung kinuha at kinagat.

"Hindi sya nahugasan" Saad nyang kumamot pa sa maliit nyang ulo habang nakangiti.

My Weak HeartWhere stories live. Discover now