MWH (Part 35)

140 4 0
                                    

Reena'S POV.


God knows how i wanted to follow him.

Hindi ko lang magawa kasi baka magalit na naman ito sa akin? Baka akalain nya tanga- well sometimes lang naman, pero ayaw ko talagang akalain nyang hindi ko sya maintindihan.

Mabuti nga ng makita nya akong sinundan ko pala sya papunta sa clinik ay hindi na nya ako pinagsabihan pa, napagod na ata sa tigas ng ulo ko.

Haaaayyyyy...... tanga mo kasi reena eh.

"Saan ka nanggaling?"

"Ay bakulaw. Jusko naman patric, bakit ba bigla ka nalang sumusulpot ha?"

Imbis na humingi ng tawad ang gagi ay nginitian lang ako.

Hindi ko naman alam saan ang nakakatuwa sa sinabi ko?

"Saan ka nga nanggaling?"

Sasabihin ko ba? Wala naman sigurong masama kasi naiintindihan naman nya ako diba? Tsaka baka may makuha akong sagot sa kanya tungkol sa nangyari kay luke.

"Sinundan ko kasi si luke"

Hindi ko alam kong namalikmata lang ako sa nakita ko? Parang nakita ko kasi kung paano saglit na nawala ang mga ngiti nya.

Pwede ba iyon? Tsk. Ingkanto layuan mo akooooo.....

"Anong sinabi nya?"

"Ha? Wala naman"

"As in wala?"

"Dapat ba meron?" Nagtatakang balik tanong ko sa kanya ng porsegido ito masyado sa tinatanong sa akin.

Naglalakad kami ngayon pabalik ng room at naalala ko palang may itatanong ako sa kanya.

"Bakit ba nagkapasa si luke?"

"Nagkapikonan lang"

Saglit na nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa sinabi nya sa akin.

Ibig sabihin sya ang dahilan ng pagputok ng labi ni luke? Bakit? Hindi naman magandang rason na nagkapikonan lamang sila kaya nagkasakitan diba?

Kong si patric pa ang may bangas ang mukha hindi na ako magtataka eh, sa init ba naman lagi ng ulo ni luke? Akala mo laging may kaaway.

But in this case- si luke ang may bangas sa mukha, anyare?

"Yung totoo?"

"Yeah" Tipid lang naman na sagot nya sa akin.

What if nakipag-away sila sa ibang section? O di jaya sa ibang year? Paano kung magsumbong sila diba? Di hindi sila gagraduate? Chaks nakakaloka ang trip ng magkakaibigan na ito eh

Pagkadating naman namin sa room ay pansin ko ang hindi pagkibo ng apat- wait i mean tatlo pala, normal naman na kay luke ang hindi pagkibo kaya ang tatlo nalang.

Pansin ko ang hindi nila pagkibo kay patric, kahit pa kinakausap na nya ang mga ito noong pumasok kaming dalawa.

Saglit akong umalis sa kinauupuan ko at lumapit jay phoebe ann, tapos maya maya sumunod na sa akin ang kambal nito.

"Sapalagay me something nangyare between those lima right?" Pag-uumpisa si phoebe mae sa usapan namin.

"Yeah i think so" Tipid lang din na sagot ng kambal nito at saglit na nilingon ang mga nasa paligid namin.

"Sapalagay nyo. Nakipag away kaya sila?"

Sabay akong tinignan ng kambal, pagkatapos ay sabay ring umiling.

"Then totoo ang sabi ni patric na nagkapikunan sila?"

"Who's sila/ sinong sila?" Sabay na tanong ng kambal na magkaiba ng tanong pero iisa lang ang ibig sabihin.

"Luke?"

"Hindi na ako magtataka" Pagkalaay saad ni phoebe ann na parang nadismaya?

"Pero anong atraso ni patric sa tatlo?"

Biglang curious na tanong ko sa nalamang totoo pala ang ipinagtapat ni patric?

Kaya lang ang kambal masarap ibitin patiwarik. Ipagkibit balikat lang ba naman ang tanong ko? Pagkatapos ko sila bigyan ng clue?

Si phoebe mae bumalik sa pwesto eh, si phoebe ann namin tinalikuran ako? Ha? Eh di wow?

Nakabusangot ang mukhang bumalik ako sa pwesto ko at yumuko, pagakatapos ay inilapag ang mukha sa harap kong lamesa.

Blah....

Blah....

Blah....

Pagkatapos ng lahat ng guro namin ay nag-unahan ang ilan sa mga kaklase ko na makalabas ng room kaya ang ibang gamit ko ay nagsipagtapunan dahil nasagi nila ito.

Tag isa isa ko silang pinulot at ng matapos ako ay muntikan pa akong atakihin sa puso ng pagtayo ko ay nasa harapan ko si patric at- at konting konti nalang magdidikit na ang mga labi namin sa sobrang lapit ng mukha nya.

Nararamdaman ko na nga ang ilong nito na sumasagi sa akin ding ilong?

Aatras sana ako dahil hindi ako kumportable sa sitwasyon namin pero mabilis ang naging galaw nya at nahawakan ako sa bewang.

Dahila para hindi ako makaatras.

"A- ano ba.....ang sapalagay mong.....ginagawa?"

Tinatangka ko syang itulak palayo pero sapat na ang lakas na ginagamit nito para hindi ako magtagumpay.

Tinagka ako nitong halikan, mabuti nalang at maagap akong nakaiwas kaya sa pisngi ko lumanding ang nguso nya.

"Patric ano ba?"

Reklamo ko habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito

Muli sana nya akong tatangkahing halikan, pero hindi nya nagawa ng lumanding ang nanginginig kong kamay sa pagmumukha nya.

Akala ko titigil na sya, pero nagkamali ako.

Ngayon ay dalawang kamay nya na ang nakahawak sa mukha ko para pigilan ako sa pag-iwas.

Natatakot ako- hindi ko na alam ang gagawin ko, kusa nalang pumatak ang mga luha galing sa mga mata ko pababa sa pisngi ko.

Hanggang sa may bigla nalang humila kay patric palayo sa akin na muntikan ko ng ikatumba, mabuti nalang nahabol ng tao sa harapan ko ang kamay ko at hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

Lumayo kaagad sa akin ang lalaking bagong dating na syang dahilan ng hindi ko pagbagsak at sinugod ng malakas na suntok si patric sa mukha.

"Hindi porket may gusto sayo ang tao ay haharasin mo na"

Muli sana nya itong susuntukin ng biglang magsidatingan ang mga kaibigan namin.

Inawat ni drex at raven si patric na nagpupumiglas ngayon sa kanila at gustong makabawi kay luke- yes he is sya ang tumulong sa akin.

Kalmado na nakamasid lang si luke sa ginagawang pagwawala ni patric habang si lance na kanina ay kay luke nakaharang ay napunta na kay patric.

Pinagtulong tulongan nilang tatlo na ilabas si patric hanggang sa magtagumpay sila.

"My god reena. Are you okey?" Nag-aalalang saad ni phoebe ann sabay lapit ng kambal sa gawi ko.

"Hindi me know paano nagawa that ni patric for you"

Wika naman ni phoebe mae ng sinipat sipat nito ang magkabila kong pisngi.

Walang tigil sa pagpatak ng mga luha ko sa takot na naramdaman ko kanina.

alam kong hindi sinasadya ni patric ito, if he will say sorry to me tatanggapin ko at patatawarin ko sya.

My Weak HeartWhere stories live. Discover now