MWH (part 53)

125 2 0
                                    

Reena'S POV.


"Teka.....sandali"

Pansin ko ang pagtataka sa mukha ni luke ng talikuran ko sya at humarap sa mga magulang ko.

Mukhang hindi kinaya ng puso ko ang nangyayari ngayon at bigla akong nakaramdam ng pagkirot.

Siguro ay nahalata na ni mamu ang sitwasyon ko kaya agad ito syang lumapit sa akin.

"Ma....mu"

May isininyas si papu sa pinsan ko at agad na itong kumaripas ng takbo.

Kabi-kabilaan din ngayon ang naririnig kong bulungan mula sa audience.

Si luke na nakaluhod kanina ay ngayon nasa tabi ko na.

Panira ng moment ang pusong ito.

Dumating si kuya brain na may dala dalang bote ng tubig at pasimpleng inabot sa akin ang isang tableta.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili at ng unti unting mawala ang kirot sa puso ko ay humarap na sa mga tao.

"Pasen- sorry i've got so nervous, that's why"

Luluhod pa sana si luke- pero hindi ko na ito pinayagan pa.

Inabot ko na sa kanya ang kaliwang kamay ko at sinabing isuot na nya.

Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa at muli ko na namang narinig ang tawanan sa buong paligid.

Pagkatapos nitong maisuot ang singsing ay agad ko ng hinila si luke pababa ng stage, bahala na ang mga magulang ko doon at alam naman na nila ang gagawin.

Kung sino sinong mga tao pa ang sumalubong at bumati sa amin, bago kami nakarating sa pwesto namin.

Iginaya ako ni luke na maupo na sa pwesto ko pero hindi pa man nakakadikit ang pwit ko sa bangko ay isang kamay ang ngayoy nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi ng taong ito, pero sa aking pagkakaintindi ay gusto ako nitong maisayaw.

Sa gitna ng hallway kung saan nagsasayawan ang mga imbitadong panauhin ay doon ako nito dinala.

Nakita ko kanina ang grandparents ni luke dito na sumasayaw.

Pati na nila mamu at papu at kung sino sino pa na hindi pamilyar sa akin.

"I want......only son.....run my......business"

Luke's father is not fluent to speak in english, barok barok ito kung magsalita- but at least diba naintindihan ko sya?

"I want him.....college....in korea....he don't like go"

Heto na naman sa go-go na iyan, ano ba talaga ang meron?

"Convince him......for me"

After i heard what luke's father said- kusang tumigil sa pagsayaw ang mga paa ko.

Napatitig lamang ako dito.

Tama ba ang pagkakaintindi ko? gusto nyang kumbinsihin ko si luke na sa korea ipagpatuloy ang pag-aaral?

Sinamantala ng tatay ni luke ang pagkakataon at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nito sa akin, na hindi ko manlang namalayan na umiiyak na pala ako.

"Ga"

Napahinto sa pagsasalita ang tatay ni luke ng bigla nalang syang sumulpot at may sinabing kung ano.

"Jigeum ga"

Sa pangalawang pagkakataon ay hinawi na ni luke ang ama sa harapan ko at pilit itong pinapalayo sa akin.
Kitang kita ko ang pag-igting ng panga nito habang kaharap namin ang tatay nya.

"Nan dangsin-i pil-yohaji ahnseubnida"

Napalakas na wika na ni luke sa tatay nito.

Buti nalang kasabay nito ay ang paghiyawan ng mga tao kaya hindi nila ito napansin.

Agad kong hinawakan ang braso ni luke at pinigilan ito sa tangkang pagtulak sa ama.

Bago pa kung ano ang mangyari sa pagitan ng tatay nito ay hinatak ko na sya palayo doon sa kinaroroonan ng tatay nya.

Basta ko nalang binuksan ang nakita kong space dito sa venue at pumasok doon.

Hindi ko alam kung saan banda ako magsisimulang magtanong? Sa sinabi ba ng tatay nya? O sa sinabi mya dito?

"Anong sinabi nya sayo?"

Pagkalaay putol na ni luke sa katahimikang namayani sa amin.

Mabuti nalang inumpisahan na nya, dahil hindi ko talaga alam paano magsisimula.

"That he wants you to go in korea? Na gusto nya doon ka mag collage? Na gusto nya ikaw ang magpatakbo ng negosyo nya? Na hindi sya pumunta dito para suportahan ka? Na pumunta sya dito para pigilan ang binabalak ng lola at lolo mo? Na kumbinsihin kitang pumayag-"

Parang biglang doon sa tanong nya ay nagkaroon ng lagusan para sa mga gusto kong sabihin? Napakaraming naipon sa akin na hindi ko namalayang walang preno ko na pala itong sinasatinig.

Natigil lang ako at naiyak nalang ng yakapin ako nito.

"Are you tired of me?"

"Wala naman akong sinabing ganoon"

Saan ba nya nakuha ang salitang iyon?

Kaya nga ako nagkakaganito dahil labag sa loob ko lahat ng sinabi ng ama nya.

Kung pwede ko ngalang sya pakasalanan ngayon mismo ay ginawa ko na? Kaya lang paano? Totoo ang sinabi ng tatay nito na under age palang ako at hindi pa kami pweding makasal.

"Are you going to leave me?"

Hindi ko sya nasagot kaagad dahil inisip ko pa kung nasabi ko ba kanina dito na iiwan ko na sya? Kinabahan tuloy ako na baka sa biglang pagsabog ko ay hindi ko namalayang nabigkas ko ang salitang iyon.

"Hindi mo na ba ako gusto?"

Now i realize something.

9 months na kami, pero hindi ko pa nasasabi ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

"Yes. I don't like you"

Napabitaw ito sa pagkakayakap sa akin at lumayo ng kaunti.

Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip ng isang ito.

Katulad parin namin sya ng dati na mahirap basahin at iisa lang ang nakabalandrang itsura.

Seryoso. Napakaseryoso nya palagi- katulad nalang ngayon.

Pero hindi sya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin na importante ako sa kanya.

"I don't like you, because i love you"

Muling wika ko at nginitian pa ito.

This moment.....

I don't want to forget it.....

Sa unang pagkakataon nakita ko ang pinakamatamis na ngiti nito.

Ngiti- na umabot sa kanyang medyo singkit na mata.....

Lumapit sya agad sa akin at hinalikan ako sa noo, pisngi sa baba at sa tungki ng ilong ko.

Pagkatapos ay lumayo sya saglit at muling dahan dahan na nilalapit ang mukha sa akin.

Hinalikan nya ako sa gilid ng labi ko bago nya pinaglapat ang mga labi namin- kaya lang bago sya makagalaw ay ang boses ng pinsan ko ang nagpatigil sa amin.

Sabay kaming lumingon dito, habang magkadikit parin ang mga katawan at ang magkasalubong na kilay nito ang tumapat sa mga mata ko.

"Makakapaghintay pa iyan, pero hindi ng mga bisita"

Bago nya kami tinalikuran na dalawa.

Ang lakas talaga mang-amoy ng isang iyon? Akalain mo at nahanap pa kami?

"Halika na?"

Ano pa ngaba?

Pero girl- nakakahiya iyon..... ang mahuli ka ng pinsan mo sa ganoong akto?

Ayaw ko na sa earth.......

My Weak HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon