"Umalis ka na pala"

118 4 0
                                    

Mahal, umalis ka na pala
Bakit ika'y hindi nag-abala?
Nag-abalang tanungin akong kaya ko bang wala ka?
Tila ba nakalimutan mo ang lahat simula ng dumating siya.

Naalala ko pa,
Nangako ka hindi ba?
Walang hanggan, mga salitang labis akong umasa
Akala ko'y tutuparin mo ngunit nakalimutan kong ikaw pala'y paasa

"Mahal naman!
Bakit moko iniwan?"
Mga salitang nais kong pakawalan
Subalit hindi ko alam kung paano at kailan

Minsan nagtagpo ating landas
Subalit ang mga bakas
Mga bakas na iyong sinundan ay hindi akin
Hindi akin dahil iyon ay kaniya

Oo, dumating siya hindi ba?
Ating pag-iibigan ay tila telenobela
Mundo na puno ng pantasya
Ngunit gumuho lamang ito dahil natipuhan mo siya

Akala ko ba nais mo akong makasama?
Makasama sa lahat ng kasiyahan at problema
Ngunit bakit anong nangyari?
Sa iglap bigla na lamang na yari?

Naalala ko,
Minsan ka nang nangako
Nangako na ipaglalaban mo ako kay kamatayan?
Subalit, bakit iyong iniwasan?

Ay! Nakakahiya!
Umasa ako sa wala
Bakit ba ang tanga ko?
Wala ka nga palang paki simula ng maging tayo

Pasensiya na ha?
Nahulog kasi ako sayo
Sobrang napahanga mo ako
Sa mga galaw mong napakaromantiko

Himig mo'y nanatili
Aking pinakikinggan habang ang puso ko'y unti unting nahahati
Silid ko'y puno ng nagmamakaawang tinig
Tinig mula sa babaeng nangiginig

Minsan ako'y napaisip
Paano kaya kung tapusin ang nasa isip?
Aking titigilan?
O aking ipaglalaban?

Araw ay nagdaan
"Pangit ka" mga salitang aking pasan
Nakakalungkot subalit totoo
Nagalit ako sayo, oo aaminin ko

Masakit naman talaga
Mula sa minamahal ko pa!
Teka nga, ika'y tatanungin
Minahal mo ba ko? O ako'y iyong pinagloloko?

Aking tatapusin
Sapagkat alam ko'y ito ang iyong hinahangad
Hinahangad ang matapos lahat lahat dahil ako'y tanging pasanin
Pasanin mo lamang

Subalit, bakit ako susuko?
E kung sa simula pa lamang ako na'y nangatwiran
Nangatwiran kay kamatayan na ikaw ay ipaglalaban ko







Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now