Halina't tayo'y bumalik
Poetry collab of: Ach and Mark
Naaalala mo paba nong mga panahon na tayo'y laging magkasama?
Doon sa dati nating kanlungan na masaya?
Oo na alala ko.
Nakakamiss nga doon eh, lagi tayong masaya
Mga kwentuhan natin na pakwela
Lahat ng problema nakakalimutan
Pati ang pag-ibig na pinagmulan
Dahil laging saya ang nadarama
Sa tuwing kapiling ka
O, aking sinta
Ikaw lang talaga at wala ng iba
Sana totoo,
Sana maniniwala parin ako
Wala namang mabubu-ong pagmamahalan kung walang tiwala sa isa't-isa, hindi ba?
Dati, may tiwala naman ako
Dati, naniniwala ako
Ngunit, bakit ngayon
Bakit ang hirap ng umayon?
Lahat kasi ng bagay nagbabago
Pati nga pag-ibig natin ay naglalaho
Kaya pala, iniwan mo'ko?
Alam mo, ang dami ko pa sanang plinano
Ang hirap kasing ibigay ang mga ninanais mo
Dahil simple lang ako
Hindi ko naman kasi ninais na magkaroon ng isang magarbo
Ang pangarap ko lang naman ay mahalin ang buong ako
'Di kasi magtatagal ang pagmamahal
Kung walang perang maibubuwal
Kaya pala, ang tingin mo pala saki'y isang hangal
'Di naman sa gano'n di ko lang kasi matutupad ang mga parangap mo
Na nais ko sanang mapasaiyo
Ang tanong, alam mo ba mga pangarap ko?
Nakinig ka ba sa lahat ng nais ko?
Hindi naman diba?
Kasi ako ang kontra at ikaw lagi ang bida
Oo tinatanggap ko ako na ang bobo
Ikaw na yung matalino
Ikaw na ang meron ng lahat ng bagay na wla ako
Pero alam kong isa lang ang meron ako, iyon ay ang pag mamahal ko para sayo
Pero, pinaglaban mo?
Ha? Pinaglaban mo?
Alam mo naman pala 'yon e.
Kasi miski ako pagmahahal ko para sayo nalang rin ang natitira sa akin.
Pero, bakit? Bakit binalewala mo?
Ah kasi, napagod ka?
Bakit di ka nagpahinga?
Ang sabihin mo, mahal mo ako subalit di mo naman gusto
'Di sapat na dahilan na hindi kita pinaglaban
Dahil sa puso't isipan ikaw ang sandata para ipanglaban
Pero di ko lang nagawa
Dahil ako'y nahihiya
Pwede ba natin ibalik ang nakaraan
Dahil ngayon kaya na kitang ipaglaban
Ako na ito, ako na talaga ito
Hindi 'yong dating minahal mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/136362666-288-kec2d3d.jpg)