Mahal

19 1 0
                                    


Ako'y nagbilang ng isa hanggang sampu
Laging pinapaalala sa sarili na kailanma'y 'di ako susuko
Kahit nasa malayo'y nagmamasid
Nagbabakasakaling mapansin

Kasama mo siya
Ang bago mong sinisinta na sabi ng iba
"Lorna." Rinig kong saad mo
Nangamba ako

Mga paa ko'y nanginginig habang daa'y tinatahak tungo sa puwesto mo
Habang ako'y papalapit ng papalapit sa kinaroroonan mo, mundo ko'y unti-unting gumuguho Ayoko.
Ayokong makita mo akong naninibugho

Ngumiti ako, nagkunwaring masaya
Kahit di ko naman na talaga kaya
Bakas sa iyong mga mata ang pag-alala subalit ngayon ito'y iba

Awa
Tama
Gan'on nga.
Awa ang nakikita ko sa iyong mga mata
Ramdam kong pagmamahal mo'y unti unting nawawala

Sinimulan natin ng masaya subalit tinapos mo ng di kaaya-aya
Sana sinabi mo di mo na pala kaya
Hindi yong tipong nang-iwan ka nalang bigla
Nakakalito
Puso't isipan ay nagkakagulo

Nais kong matuto sa pagkakamali mo
Subalit 'di ko alam kung paano simulan 
Aaminin ko, umaasa pa rin ako
Umaasa ako na babalikan mo ang dating tayo

Pero, ngayon 
Dapat na tanggapin ko na dahil totoo ang mga iyon
Ay ewan, ako'y nalilito
Nalilito na sa mga pinagsasabi kong tila may himala

Sinubukan kong lumakad mula lima hanggang walo
Sabay sabi sa sarili na titigil na'ko
Kailangan
Gusto kong makakita ng sapat na dahilan

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now