Saksi ang bawat pagpatak ng ulan
Dahil ito ang dahilan ng ating pagmamahalan
Naalala mo pa ba?
Una nating pagkikitaTayo'y nasa parke
Nakatingin sa paligid
Tila ba ika'y nagmamasid
Mga mata mo'y tila ba iniwan ka sa ereIka'y aking nilapitan
Dahil nais kong malaman ang iyong nakaraan
Ayaw mo mang sabihin
Subalit ika'y pinilit ko parinIka'y napangiti
Dahil sa aking sinabi
Hindi ko malaman kaya nais kong alamin
Sigaw ng aking puso't damdaminSinta, ako'y nabihag mo na yata
Sa mga salita mo't mga tula
Ika'y tunay ngang isang makata
Na umibig sa isang dalagitaDahil doon ako'y tila ba nasugatan
Hindi mo nga pala batid
Aking puso'y luhaan
Luhaan dahil sa aking nalamanBakit ganoon?
Masakit subalit wala akong karapatan
Karapatan na diktahan ka nang ganoon
Kasi sabi nila wala ako sa tamang posisyonKaibigan lang kita
Iyan ang sinabi mo nang tayo'y magkita
Oo, nagkita ulit tayo
Subalit, may kasama ka na at hindi akoPinakilala mo siya
Sabi mo, siya ang sinisinta mo
Aking mundo tila ba'y natatakot
Natatakot kasi nakakaramdam na ako ng isang kakaibang pootUmuulan ng panahong iyon
Akalain mo, sinasabayan ng ulan aking nararamdaman
Ako'y umiyak ng umiyak hanggang sa ako'y tumahan