Ika'y naguguluhan ba kung ano itong asymptota?
Ito'y isa lamang linya na patuloy na nalalapit sa isang ibinigay na kurba Ngunit hindi ito nakakatugon sa anumang limitadong distansyal
Magkatugma ang asymptota't kapalaran natin hindi ba?Aking sisismulan mula sa nakaraan
Hanggang sa kasalukuyan
Ating mga naranasan ay ilalahad
Mga pangarap na ating hinahangadMundo ko'y tahimik
Payapa ito tila ba walang imik
Subalit sa di ko inaasahang pagkakataon
Dumating ka at ginulo ang tahimik kong mundo sa matagal nang panahonSaksi ang bawat pagpatak ng oras
Pag-iibigan natin ay hindi magwawakas
Asymptota ang tawag sa ating pagmamahalan
Na pilit ipinagkakanulo ng nakaraanAng bawat pagpatak ng minuto ay may hatid na magkahalong pait at tamis na ating naranasan at ito ang nagdikta
Tandaan mo sinta
Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam
Tanging pag-ibig mo lamang ang aking inaasamIlang siglo pa ba ang dapat hintayin?
Para ikay muling maging akin?
Ating pag-iibigan ay totoo
Subalit marami ang tutol ditoKahit anong pilit nating gawin
Gawin ang lahat at solusyonan natin
Ngunit, paano?
Paano kung bawat pagpatuloy ng ating kwento ay may maraming buhay na makikitil dahil dito?Hihilingin sa mga bituin
Na minsan pa sana'y ika'y muling maging akin
Hihiling kahit dumilim
Dumilim ang daan na tatahakinPangakong mabubuhay ulit sa mundong ito
Makapiling ka lang ay gagawin ko
Ating kapalaran ay gaya ng mga numero
Paulit-ulit itoTayong dalawa ay isang bhava tanha
Bakit nga ba?
Hindi mo ba halata?
Tayo'y hindi pa masayaHindi pa masaya sa pagkakataong binigay sa atin ng tadhana
Paano nga ba tayo masisiyahan kung hindi ito ang ating nais makita
Makita't maramdaman sa tuwina
Dahil ikaw lamang ang masisilayan ay magiging okay naIyong isipin aking sinta
Pagmamahal ko sayo'y 'di mag-iiba
Kung ang mga linyang magdudugtong sa atin ay hindi magiging tama
Nangangako akong tutuparin kong gagawin ko ang lahat upang maitamaKung patuloy paring mananaig ang asimptota sa ating kapalaran
Manalig ka sa mga salitang bibitawan
Maririnig mo ito sa iba't-ibang uri ng lenggwahe na mula pa sa nakaraan, kasalukuyan at maging sa kinabukasan
Mahal, Je Taime, Te amo magpakailanmanSubalit, ilang ulit na tayong nagtagpo
Nagtagpo sa iba't ibang panahon
Maging ngayon, tayo'y nagtagpo
Pag-iibigan nati'y aking pinaglaban pero tila ba lahat ay naglahoMarahil, sa pagkakataong ito
Nawa'y matanggap ko
Matanggap ko ang katotohanang matagal na akong ginigising
Ginigising sa reyalidad na ating dapat tanggapinSa tingin ko
Ito na ang huling kabanata ng ating istorya
Istorya nating dalawa na nagtatapos sa hindi masaya
Dahil tatanggapin ko naTatanggapin ko na mabubuhay tayo sa mundong ito na nag-iisa
Gaya ng ating nakaraan
Ika'y naging alagad ng simbahan
Subalit, hindi pa rin magbabago ang ating nakaraan na laman nito kung paano tayo nagmahalanSa huling pagkakataon
Aking sasambitin ang mga salitang tanging umaahon
Mahal kita aking sinta
Paalam, hanggang sa muli nating pagkikita
![](https://img.wattpad.com/cover/136362666-288-kec2d3d.jpg)