Aking sisimulan
Paglalahad sa aking nararamdaman
Ama, simula pa sa inyong nakaraan
Ako'y labis nang naguguluhanMinsan sumagi saking isipan
Kamusta ka na kaya riyan?
Ika'y kumakain na ba?
O di kaya'y kumakayod pa?Laging tatak saking isipan
Kami ay hindi mo magagawang palitan
Pilit kong binabalewala
Mga salita nila na akala ko haka-hakaIsang araw, aking nalaman
Lahat ng katotohanan
Aking sarili'y pinilit kong huwag kang husgahan
Ngunit mga sinabi nila pala'y mga pawang katotohananSa kabila ng mga pangyayari
Pilit kong winawaksi
Winawaksi ang poot at sakit na aking dama hanggang ngayon
Ama, bakit nagkaganon?Tulang ito ay handog
Handog saking puso na nalulubog
Ama bakit kami'y iyong iniwan?
Kami ba'y hindi iyong kailangan?Masaklap aminin subalit totoo
Nais kong pakawalan mga salitang tanging magpapakatotoo
Mahal kita, ama
Subalit may mahal kang ibaIka'y tatanungin
Kami ba'y mahalaga sa iyong paningin?
Ako'y bata pa para suriin ang lahat
Iyan ang laging mong kinakalat sa lahatLahat ng aking ginagawang pagpapatanggol sa iyo
Tila ba lahat ay biglang naglaho
Naglaho ito na parang bula
Ako'y laging nakatulalaHindi ko matanggap
Mga mata ko'y nagpanggap
Nagpanggap na ako'y masaya kahit wala ka na
Aking naisin na makapiling ka subalit ano aking magagawa?Ano aking magagawa kung ang iyong pagpapasiya ang laging tama
Nililimot lamang aking nadarama
Mawala ka ay hindi ko makakaya
Subalit nararapat pala'y ako'y masanay na, aking ama