Chapter 2

1.5K 76 21
                                    


"Yun ang nangyari bakla kaya, ayun di ko alam anong mangyayari sa akin bukas. Mag-novena ka nga para sa akin," sabi ko sa aking kaibigan.

Imbis na umuwi ay mas pinili kong makipag-kwentuhan sa aking kaibigan. Andito kami sa cofee shop na nasa ground floor ng building kung nasaan ako nag-tatrabaho bilang marketing assistant. 

"Ako pa talaga ang pinag-nonovena mo, Ikaw na lang kaya ang gumawa no'n. Pangalan mo pa lang Pak na Pak na! pang maka-diyos," sagot ng kaibigan kong si Donna.

"Makasabi naman ng pang maka-diyos 'to, Dominador mas Holy and name mo kaysa sa'kin." Pag-tatama ko sa sinabi niya. 

Siya lang talaga ang naging kaibigan ko sa trabaho at taga-ibang department pa siya, kaya di kami madalas magkita. 

"Pagkakataon mo na besh, seduce him tutal papabol naman ang Xavier Villafranco." Pandedemonyo niya sa akin. 

Binatukan ko siya nang marahan dahil sa sinabi niya.

Langya!

Puro kalokohan lagi ang nasa isip.

"Seduce talaga? Kung marunong ako nu'n 'di sana matagal na akong may boyfriend. Langya! ka puro ka landi." Irap ko sa kanya. 

"Edi magbayad ka para magka-jowa ka," sabi niya. 

Napailing ako sa sinabi niya, wala ba talaga siyang matinong masasabi patungkol sa sitwasyon ko? 

"Gusto mo buhusan kita ng kape? Tinulad mo pa ko sayo. Langya ikaw na lang kaya maging secretary niya?" Suhestiyon ko. 

"Wititit, no way! baka di ako makalabas ng buhay sa office 'pag binugbog na'ko 'nun," tanggi niya.

As if naman, sakin lang naman ganun si sir.

"Kaya mo yan bakla, kapag pinag- initan ka niya ulit keri lang, bugbugin mo din." Seryoso ang mukhang sabi niya. 

"Wala talaga ako makukuhang matinong sagot sayo." Buntong hininga ko sabay salampak ng mukha ko sa table.

Pinagtawanan lang niya ako sa ginawa ko. 

Pagkatapos naming magkape ay umuwi na rim kami agad. Nagtaxi na lang ako hanggang sa makarating ako sa bahay na tinitirhan namin ng kuya ko.

Up and down ang bahay namin may tatlong kwarto iyon dalawa sa taas at isa sa baba na katabi ng kusina ngunit walang gumagamit nu'n. May dalawang CR din iyon isa sa baba at isa sa taas. 

Bagsak ang aking balikat nang buksan ko ang pinto  papasok ng bahay.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" nagtatakang tanong ni kuya na saglit inalis ang tingin sa pinanonood. 

Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang likod ko sa sofa.

Gustong-gusto ko mag-sumbong sa kanya tungkol sa nangyari sa opisina kanina, kaso baka bgla na lamang siya sumugod doon at bugbugin ang boss ko. Ayokong makulong siya dahil sa pagiging sumbungera ko.

"Lagi namang ganito ang itsura ko kuya, di naman ako kasing gandang nilalang mo," pag paparining ko sa kanya.

"Bakit parang bitter ka?" natatawang sabi niya.

"Kumain ka na ba? kumain ka na nagluto ako ng paborito mong tinola." He gave me his usual smile.

"Magpapahinga muna ako saglit kuya, na-stress ako sa office ehh."sabi ko sa kanya.

Lagi talagang si kuya ang nag-luluto para sa aming dalawa, puro lang kumain ang alam kong gawin. Kung prinsesa ako sa bahay namin ay alila naman ako sa office.

My Two First KissWhere stories live. Discover now