Chapter 44

419 28 5
                                    


Sobrang sakit ng ulo ko pag gising ko. Pakiramdam ko binabarena ang ulo ko.

Ano bang pinag-iinom ko kagabi?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Mukhang sa ibang bahay na naman ako nakitulog gaya ng nangyari noong una akong malasing. Tinignan ko ang suot kong damit di na naman ito akin.

Sino ang nagbihis sa akin?

Nagmamadali akong tumayo paalis sa kama at pag lingon ko sa pinto ay tumambad sa harapan ko si Nick na pinupunasan ang buhok niya.

Napasigaw ako nang mapagtanto kong wala siyang suot na kahit ano.

"Ahhh!"

Mabilis kong tinakpan ang mata ko ng aking palad.

"Walanghiya ka Nick! Gago ka talaga!" sigaw ko sa kanya.

"Anong kasalanan ko sa'yo?" pagmamaang-maangan ka niya.

"Bwisit ka! Bwisit ka! Walanghiya ka! Ang bastos mo kahit kailan! Wala ka na bang maisuot na damit?" walang tigil na sigaw ko sa kanya.

"Madami akong damit in- fact you're wearing some of it," tila mayabang pang sabi niya.

"Bwisit ka! Bakit ba ang hilig mong lumabas ng CR ng hubad?" di nagpapatinag na sigaw ko sa kanya.

"Problema mo? It's my place my rules," sabi niya.

"Andito ako, di mo man lang naisip yun?" di makapaniwalang tanong ko.

"Nawala sa isip ko ehh, maganda naman katawan ko ahh tignan mo, oh" tila nananadyang sabi niya.

"Gago ka! Magbihis ka na nga!" utos ko sa kanya.

"Bakit naliitan ka ba sa nakita mo?"

The image of 'it' registered in my mind.

Ang Gago! ayaw tumigil!

"Walanghiya ka Nick! Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya.

Dinig ko ang boses niya habang pinagtatawanan ako.

"Okay lang sa akin kung gusto mo akong silipan Gabby," nang-aasar pa rin na sabi niya.

"Gago ka! Dalian mo magbihis!" sigaw ko sa kanya.

"Oo na," walang nagawang sabi niya.

Ramdam ko ang pag lapit niya.

"Hoy Nick! Bakit lumalapit ka?!"

"Malamang nasa likod mo ang cabinet ko," pagbibigay alam niya.

"Bwisit ka!" sigaw ko pa rin sa kanya.

Muli niya akong tinawanan.

Sira ulo talaga.

"Okay na ako may damit na ako Gabby,"

Pag ka sabi nun ay inalis ko ang pagkakatakip ng mata ko tsaka ko siya mabilis na binato ng unan.

"Walanghiya ka talaga!"sigaw ko sa kanya.

"Bakit ka na naman namamato?" tanong niya.

"Yung mata ko, makasalanan na!" Reklamo ko.

"You're blessed seeing me naked," he smirked.

"Kadiri ka Nick!"

"Di mo ba nagustuhan ang nakita mo?" tanong niya.

"Hindi!"

My Two First KissWhere stories live. Discover now