Chapter 9

3 0 0
                                    

A/N: Hello babieeeeees ^_______^ Ipagpatawad nyo ang tagal ng aking pag papatuloy sa aking istorya naging busy lamang ang aking eskedyul sapagkat ako ay isang graduating students at nakakalungkot mang sabihinh pinipiga kami ng aming mga lecturer !! Bwaaaahahaha (napapasama sila Charot lang) naghahabol kasi kami ng Research paper at iba pang kailangang gawin tapos mag e'exam pa kami ng 2x kaloka hahaha maaga ang exam namin kaya naghahanda din kami so Im very sorry Babyroooot lablab po mwaaa salamat sa intindi ^__^ (kala mo talaga ang dami kong readers hahaha)

-JustBaby-

ADRIAN'S POV

pagdating palang namin sa bahay nila zyanne ay nakita agad namin sya na nakaharap sa coffin ng lolo nya nakatulala , nakayagilid ang ulo at kunting uga na lamang ay mag uunahan na sa pagbagsak ang mga luha nya , noon ko lamang sya nakitang ganon kalungkot at batid kong napansin sin iyon ni sarah kaya sya na mismo ang lumapit at yumakap sa kaibigan nya

'Ang sweet naman nila'

Pinanood ko lang ang kanilang pag uusap at ginagawa patuloy parin ako sa pagtitig kay zyanne , hindi ko mabasa ang iba pang emosyon nya, ngumiti sya nung nakita at naramdaman ang presensya ng kaibigan nya pero hindi yun ang nakita ko sakanya bagkos ay nakikita ko ang mga mata nyang sobrang lungkot ano mang ngiti nya ay nandon sa mata nya ang lungkot hindi ko maiwasang tumitig sa kabuuan nya at nakaramdam ako ng awa sakanya pero batid kong ayaw nya ng kinaawaan sya

ang totoo ay hindi ito ang unang beses ko syang makita ngunit ito lang unang beses ko syang makilala, matagal ko na syang nakikita mula sa social site hanggang pag nagbabakasyon ako dito sa Manila hindi kumpleto ang uwe ko dito pag di ko sya nakikita hindi ko alam kong bakit ngunit lahat ng yan ay lingid sa kaalaman nya hindi ko rin batid kong napapansin nya ba ako noon pa, ang alam ko lang ngayon lang ako naglakas ng loob na magpakilala sakanya at tuluyan syang makilala

sa gitna ng pag d'day dream ko ay binasag ni sarah yun "Adrian maupo ka muna dito sa tabi ni zyanne bantayan mo sya at tutulong ako sa kusina para makakain na muna yan" nagulat ako sa iniasta ni sarah pero ... 'no choice naman diba tatatlo tayo dito' "Sige ako na muna bahala sakanya" yun nalamang aking nagig sagot kay sarah at tumalikod na sya papuntang kusina

"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo may minsan lang na nag dugtong damang dama na a-ang ugong neto ohh! di paba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ko ipaparanas sayo---

"Pwede ba? wag ka maingay!"

hindi pa man natatapos ang kanta ay pinatigil na ako ni zyanne hindi malakas ang pagkakasabi nya pero dinig na dinig ko yun para bang naiiyak na naiinis ang tono nya ng pag sasalita, ang totoo ay gusto ko lang mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at hindi ko alam kong pano kaya napakanta ako

'Ganun naba kapangit ang boses ko para ayaw nyang pakinggan? Huhuhuhu

pagkatapos ng pagpigil nya sakin ng kanta ay tumayo sya at lumabas ng bahay, sinundan ko muna sya ng tingin bago ako tumayo at sumunod sakanya

"Hey! wait..." habol ko sakanya ng mag dire diretso sya papunta sa labas at umakyat sa maliit na hagdan

nang huminto sya sa paglalakad ay naghabol ako ng hiningi 'ang bilis naman netong maglakad kababaeng tao eh' kasabay ng paghahabol ko ng hininga ay ang paghawi ng sariwang hangin na dumampi sa balat ko ay hindi ko maipaliwanag na sobra akong namangha sa nakikita ko simpleng tanawin lang sya pero napaka ganda, ang mga ilaw ng bawat bahay ang nagsisilbing liwanag at sa malalayong lugar nakakamanghang tignan para syang bituin sa lupa ^__^ sa kakaikot ko ng paningin ay bigla akong napatingin kay zyanne na ngayon ay nakapikit at parang pinapahinga ang kanyang damdamin, makikita mo parin sa mata nya ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak kahit na ito ay nakapikit parin non ko lamang napakatitigan ang mukha nya.. napaka amo ng kanyang mukha at napakaliit neto ang mga mata nya na maliit ay nagiging mas singkit eto dahil sa pamamaga ng kanyang mata dahil sa pag iyak pero hindi naging kabawasan sa ganda nya ^__^ ang mga ilong nya na katamtaman lang ang tangos mga mapula pula nyang labi na mas nakakadagdag sa mala anghel nyang itsura at ang korte ng kanyang panga na syang bumagay sa itsura nya, maamo sya kung titignan.

"Sinong may sabing sumunod ka?" gulat akong lumingon sakanya na ngayo'y nakapikit parin

"Ahh-ahh sabi ni sarah wag kitang iwan, sumusunod lang ako sakanya" naiilang kong sabi sakanya pinipilit kong wag syang lingunin pero pilit akong hinihigop ng kaluluwa nya

"Wag mo kong titigan" sabi pa sa mahinahong boses habang nakapikit parin

'Lakas naman ng pakiramdam netong babaeng to'

"Si-sinong tumititig? ako? kapal naman ng mukha mo" sinikap kong di mautal sa pagkasagot ko sakanya pero bigo ako hindi ko din alam kong anomg nararamdaman ko pakiramdam ko isa to sa nakakahiyang nagyayare na nangyare sa buhay ko

"Im not that stupid para hindi makaramdam" sagot nya sakin at unti unti nyang minulat ang kanyang mata at unti unti rin syang humarap sakin

hindi ko maiwasang kabahan' ewan ko parang mas hinihingal ako ngayon kumpara nung hinabol ko sya, napapalunok nalang ako ng di oras at di nakikisama ang saliva ko wala akong malunok maski laway sa sobrang kaba habang nakatitig sya sakin

"Hi-hindi kaba ni-nilalamig?" pilit komg umiwas sakanya at labanan ang titig nya sakin

"Alam mo ba kung bat ako nandito?" biglang tanong nya at tumingin sya sa malayo

tumitig muna ako sakanya bago tignan kong ano bang tinitignan nya.

"Bakit nga ba?" naiusal ko na lamang sakanya

"Kasi gusto kong maramdaman ang hangin, gusto kong makaramdam ng pagiging malaya pakiramdam ko kasi kapag may dumadamping hangin sa balat ko ay nilipad ako" sabi nya at nandun nanaman ang kanyang mga luhang nag uunahang pumatak pero nakangiti sya

"hindi kaba malaya? sa tingin ko kasi malaya ka nagagawa mo ang gusto mo at nakukuha ang ibang pangangailangan mo" sagot ko sakanya, bigla syang ngumiti at humarap saakin


"Hindi lahat ng ginagawa ko ay gusto ko, hindi din lahat ng gusto ko nagagawa ko, hindi lahat ng pangangailangan ko ay talagang kailangan ko dahil kung ano ang pinaka kailangan ko ay hindi maibigay sakin" sabi nya at dun nagtama ang paningin naming dalawa at bahagya pa syang ngumiti

naguluhan ako sa sinabi nya, ewan ko parang may gustong gusto sya pero di nya makuha yun ang nababasa ko sa mga mata nya

"Tara na? lumalamig na" biglang yaya nya sakin at nagpamaunang bumaba.




~To be continue

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu