Chapter 15

2 0 0
                                    

Pagkapasok namin ni sarah ay nasita nanaman kami ni tita rhen ang bunsong anak -_-

"oh pano? Mauna na kami zyanne? Ingat ka dito itxt mo lang ako okay?" paalam ni sarah sakin, tulad ng dati hindi ko na sila nilingon pa at di ko rin sila maaaring ihatid

"Zyanne?"

Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses at pag lingon ko ay .......... Si Adrian Muntikan nang dumampi ang labi ko sa labi nya!!

Kakiringan zyanne ! Di ka nag iingat!

Sa sobrang gulat ko ay di ko magawang mag react nanlaki ang mata ko sa posisyon namin.. Ilong na lamang ang pagitan ng mukha naming dalawa at ramdam ko ang hininga nya amo'y na amoy ko ang toothpaste na gamit nya

"Hey" agad akong bumalik sa ulirat ng magsalita si adrian >_< ramdam ko ang lamig ng buga ng hininga nya

Halos kumawala ang puso ko sa sobrang kaba at hiyang nararamdaman ko hindi ko alam kong bakit..

"H-Ha? Yes?" sagot ko sakanya at kusa ng lumayo sa kanya

"Hm. Aalis na kami take a good care queen" ngumisi pa sya bago nya sinabi sakin na aalis na sya

"Sige lang." sagot ko at tinalikuran sya

Hindi parin mawala ang kaba na naramdaman ko at ang pagkabog ng dibdib ko ay hindi mahinto hindi ko narin batid kong ano nang itsura ko ang tangging alam ko lang panigurado akong namumula na ako o baka namumutla pa >_< nakakahiya.

Tumakbo ako sa C.R at naghilamos.

'zyanne, breath in .... Woooooaaaaaahhhhh breath out hooooooooaaaaahhhh !!

Wala lang yun okay? Like duh? Napalingon lang naman ako wala naman ibang malisya diba? Tss bat kasi nag o'over react ako..

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko, at binaling ang attensyon ko sa lamay.

Mabilis na dumaan ang araw at libing na.. Ito na yung araw na tuluyan nang mamamaalam si lolo

Kasalukuyan kaming nasa simbahan upang dasalan ang labi ni lolo at basbasan ng holy water

'Nasusunog akooooo ! charrot ^__^

Nandun lahat ng pamilya namin. Nandun na din si tita crysta galing ng singapore

"Be? Okay ka lang? Punta ka naman dun sa harap para mabasbasan mo ang lolo mo" ani ni Sarah sakin nilingon ko lg sya bilang tugon at ngumiti

"Sarah? Tingin mo?..Galit ba sakin si lolo? Ako kasi oo galit ako sa sarili ko. Ang tanga ko , ang tanga tanga napakawala akong kwenta" I told her..hindi na ininda ang luhang nag uunahan sa pagpatak

"Ssshhh.. Ano kaba wag mo ngang sabihin yan, mahal ka ng lolo mo hindi yun magagalit sayo maniwala ka .. Trust me okay?" sabi ni sarah pinipilit nyang magtono na malumanay at yumakap lang ako sakanya

"Thank you for staying ... Never leave me ha?" bulong ko kay sarah at kumalas ng pagkakayakap bago pumunta sa harap at basbasan si lolo

Pagkatapos ng misa para sa labi ni lolo ay dumeretso na kami sa Eternal Garden

Tulad ng kanina nagkaroon din ng maliit na misa at paiwang mensahe para sa lolo namin.

"Lolo.. S-sya kasi yung lolo n-na the be-best para sakin napaka bait nya so-sobra ang hirap isa isahin lahat ng ginawa nya hi-hindi *Hik* lang para sakin kundi pa-para sa aming lahat *Hik* sabi ko nga pag magkaka boyfriend ako katulad nya .. Lo' kung nasan ka man ngayon sana masaya k-ka mahal na mahal ka na-namin at nagpapasalamat ako kasi ikaw ang lolo ko" huling mensahe ni ate Czarinna kay lolo sobrang close sila ni lolo kaya hindi ko sya masisisi kung magkaganto sya dahil alam ko at sigurado ako na sa likod ng mga salaming itim na suot nya ay mga mugtong mata.

Kung nakita lamang kita lo bago ka pumanaw ay paniguradong hindi ako ganito ngayon .. Kung maibabalik ko lang yung araw at panahon sana di ko nalang sinunod yung demonyo mong anak na nagsabing hindi moko kailangan edi sana... Arrrgggg napaka tanga ko  patawad lo . Patawad po

Nagsimula ng tumulo ang luha ko at ang traydor kong mata ay hindi ito mapigilan napaka sakit ng pakiramdam na masasabi ko nalang ang pasasalamat at pag hingi ng tawad ngayong wala ka na hindi mo na maririnig pa

Pagkatapos magbigay ng isa isang mensahe bukod sakin ay mag iiwan na din kami ng puting rosas sa coffin ng lolo

At nang ako na ang tatayo upang magiwan ng rosas sa coffin ni lolo ay bumugso nanaman ang luha ko at walang tigil kung bumagsak ito

"Lo.." yun palamang ang nasasambit ko ng ngumawa na ako nahihirapan na akong huminga dahil puno na ng sipon ang ilong ko ay ramdam ko na ang pagkamugto ng mata ko.

Hindi ko na pinansin ang mga taong nanonood mula pagtayo ko palamang dahil walang pumapasok sa isip ko pinakatitigan ko pa muna ang lolo bago ako humugot ng malalim na hininga

"Open it" yun nalang amg nasambit ko at tumingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng coffin ni lolo

"Ma-am" ani nito na parang kinukompirma kong sya ba ang kausap ko

"Paki bukas naman kuya oh? Please?" tuluyan ko na syang nilingon

"Pasensya na mam hindi po--" hindi nya pa tapos ang sasabihin ng bigla akong lumuhod at nakalapat ang dalawang kamay ko habang umiiyak at nagmamakaawa

"Please kuya? i just want to hug my grandfather, Im begging you please?! Just one hug .. Just one" at humagulgol na ako ng iyak.. Nakita ko pa syang lumingon sa mga tita ko at nakita ko ring tumango si tita crysta at binigyan nya ng makahulugang tingin ang lalaki at naging hudyat nito ang pagbukas sa coffin ni lolo

Ng binuksan na nya ay agad akong tumayo para akong batang sabik sa isang bagay na kahit kelan di ko pa nagawa.. Nang tuluyan ng mabuksan ay agad kong niyakap ang lolo

Hindi ko ininda ang gamot na nakalagay sa katawan ni lolo dahil ang hangad ko lang ay mayakap ito kahit ngayong araw lamang .. Ngayon lang

Naramdaman ko na lamang ang pag hila sakin mula kay lolo at ng lingunin ko yun ay walang iba kundi si Adrian hindi ko alam kong bakit parang gumaan ang pakiramdam ko.. Niyakap ko sya

Oo! Niyakap ko si adrian hindi ko alam kung pano hindi ko alam kong bakit basta ang alam ko kailanga ko to ngayon .. Niyakap ko sya at naramdaman ko ang pagkakayakap nya sakin at ang paghagod nya sa likod at buhok ko ramdam ko lahat ng ginagawa nya

Maya maya lang ng marelax na ako ay kusa na akong kumawala sakanya..

Lumapit sya sakin at hinawakan ang baba ko upang magtama ang paningin naming dalawa patuloy parin sa pagbuhos ang luha ko ng magtama ang paningin naming dalawa

"Ssshhh, Tahan na ayokong makita kang umiiyak" sabi ni adrian habang nakahawak sa pisngi ko at pinupunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki nya

"Tahan na .. Ayokong makita kang umiiyak dahil ayokong magpunas ng luhang hindi ako ang dahilan ng pagpatak"

Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si adrian na nakangiti sakin

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko

"H-ha?" walang lumalabas na salita sa bibig ko

"Joke lang, kahit umiyak ka ako man ang dahilan o hindi handa akong magpunas ng luha mo dahil gusto kita" sabi nya sabay yakap sakin

Walang salita salita !!

'pakisapak po ako ngayon na !!!!

Nag steady kami sa ganong posisyon ng mga ilang minuto at gusto ko mang kumawala pero hindi gumagalaw ang katawan ko .. Napaka traydor ng katawan ko !! Hanggang sya na mismo ang kumawala at naglakad palayo..

Sinundan ko na lamang sya ng hanggang sa makalayo sya.. Gusto ko man syang sundan upang itanong kong para saan lahat ng sinabi nya ay di ko magawa.

~To be continue

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora