Chapter 22

2 0 0
                                    

ZYANNE'S POV

Chapter 22

Nagising ako ng maaga mga alas otso ganun .. na akala mo talaga hindi late sa pagtulog hindi ko rin naramdamang kulang ako sa pahinga. Tumayo ako at humarap sa salamin na nasa kwarto ko 'Chaka' hayy

Agad akong naghanda at naligo mabuti na lamang at meron akong CR dito sa kwarto ko.

Pagbaba ko ay hindi ko nakita si papa, si mama naman ay nasa trabaho na kaya ang naabutan ko sa sala ay si zylei at sa kusina ay si ate

"Aalis ka? San punta mo?" tanong ni ate sakin habang nagluluto

"Lalabas lang, may pupuntahan.. Ahm mauna na ako ate" gusto ko mang tanungin kong nasan si papa pero nahihiya ako kaya wag nalang siguro nagpapalamig pang si papa

"Sige ingat" at nagpaalam na ako kay ate

Naglakad lang ako papuntang park para antayin si adrian pero parang mali dahil pag dating ko ako na mismo ang inaantay nya... Ang aga nya naman? Excited?

Di pa ako lubos na nakakalapit sakanya pero nakikita ko na ang lapad ng ngiti nya parang nas slow-mo naman ang lahat.  Ang mga batang naglalaro ay naging malabo sa paningin ko at parang pati paglalakad ko papalapit sakanya ay naging dahan dahan

Dug dug dug dug dug dug

Parang bumabaliktad ang sikmura ko tama ba? Parang kinikiliti ako parang may butterfly sa loob ng tyan ko gosh?! Di kaya...... Gutom ako? Di pala ako nag almusal hayy

Nang makalapit ako ay nakangiti parin si adrian kaya winagayway ko pa ang kamay ko sa mukha nya bago sya bumalik sa ulirat nya

"S-sorry, ang ganda mo ahm' let's go?" utal utal na tanong nya sakin pakiramdam ko namumula ang pisngi ko sa sinabi nya.. What zyanne? Ang ganda mo daw! Ehe! Enebe ^__^

At sumunod nalang ako sakanya pinagbuksan nya pa ako ng pinto sa passenger seat bago sya umikot sa kotseng dala nya at sumakay sa driver's seat.

*Katahimikan*

"kumain kana ba?" basag ni adrian sa katahimikan

"Ahm. Hindi pa eh" nahihiyang sagot ko. 'bat ka mahihiya zyanne eh totoo naman ah? Di kapa kumain tsaka kasalanan nya to kasi ang aga aga nag yaya ng date! Teka? Date ba to? Assuming ka zyanne! Malay mo nag aya lang sya para ipagmalaki na may kotse sya charring, o nag aya sya kasi naboboring sya diba? Oo tama boring sya kaya inaya ka nya hindi to date!'

"Are you okay?" tanong ni adrian at napalingon naman ako sakanya ng may pagtataka look

"O-oo naman bakit?" sagot ko sakanya na nakatingin parin sakanya habang nag da'drive

"Kanina pa kasi ako nagsasalita dito parang wala ka sa sarili mo" diretsong sabi nya na bahagyang ikinagulat ko naman

"o-okay lang ako gutom lang siguro sorry" sabi ko sakanya at tumingin sa bintana 'nakakahiya ka zyanne'

"okay kain muna tayo saan mo ba gustong kumain?" tanong sakin ni adrian habang nag mamaneho parin

'kain lag walang tayo! San ko gustong kumain? Sa plato . Sa platoooo!'

"Mcdo nalang, nag c'crave kasi ako ng fries" sabi ko habang di parin sya nililingon

Maya maya lang ay huminto na ang kotse at tinignan ko ang paligid at nakita kong nasa mcdo na nga kami, nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng passenger seat at bahagya pang bumaba si adrian para pumantay sya sa pinto at masilip ako dahilan para maglapit ng mukha namin at bahagya pa akong nagulat tatanggalin nya sana ang seatbelt ko pero ngumiti ako at nag volunteer na ako na.

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Where stories live. Discover now